Chapter 36
Ingrid's POV
HINATID ako nila Cris at Erina sa bahay kinabukasan. After nang nangyari sa may gubat ay sabay-sabay kaming pumunta sa palasyo pero hindi ko na nakita si Hansel. Hindi ko alam pero parang ako lang 'ata ang nakakakita kay Hansel. Pakatapos ng laban kagabi, panay sabi sa akin ni King Vladimir na wala si Hansel. Pati si Cris, sabi niya 'di niya nakita si Hansel. Pero imposible, nakita ko siya. Niligtas niya ko. Niligtas siya ni Drake. Hindi ko maintindihan kung bakit nila 'yon sinasabi sa akin.
Sinalubong naman ako ni Mommy at Daddy ng mahigpit na yakap nang makauwi ako. Nagtaka pa ako kasi alam nila ang nangyari sa akin. At kung inaakala ko na magiging normal na ang lahat ay doon naman umamin si Daddy. Isa siyang dating bampira and worst, dati siyang pinuno ng mga Sanguinarian. Dahil daw kay Mommy kaya mas pinili niyang maging mortal.
Masaya akong tanggap ni Mommy ang nakaraan ni Daddy. May isang bagay akong gustong itanong kay Daddy pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Naduduwag ako na malaman ang totoo.
* * *
Erina's POV
"WHY did you lie to Ate Ingrid?" tanong ko kay Cris nang makauwi kaming palasyo after naming maihatid si Ate Ing.
"Para hindi na siya umasa," tipid niyang sabi.
"Umasa sa ano? Alam mo naman na si Kuya ang nagligtas sa kanya 'di ba? Dumating si Kuya kaya bakit pinaniwala niyo siya na guni-guni 'yon ni ate where in fact hindi naman," sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi, eh. Tapos ngayon wala na naman si Kuya.
"Look, sa palagay mo ano ang mararamdaman ni Ingrid kapag nalaman niyang bumalik si Hansel para iligtas siya tapos aalis din naman? Mas masasaktan siya. Kasalanan mo rin ito. Kasi sinabi-sabi mo pa sa kanya. Naudlot tuloy ang balak niya," sabi ni Cris.
Anong balak? Bakit parang may alam na si Cris at ako wala?
"Ako pa ang may kasalanan?! Nakakainis ka! Why are you blaming me? My point is, you lied to her! Liar ka! At puwedeng mangyari na magsinungaling ka rin sa akin balang araw!" I crossed my arms.
"Paanong nadamay ang relasyon natin dito? Sinunod ko lang yung bilin ni Hansel, okay? Because I am a good friend. I don't break promises. And when I promise something, gagawin ko 'yon. So kapag nangako ako na I'll love you forever, it'll be forever!" Natameme ako sa sinabi niya.
"Ewan ko sa'yo, Cris!" Padabog akong umalis.
Nakaka-imbiyerna siya. Ako pa ang nasisi? Concern lang naman kasi ako kay Ate Ingrid! Naaawa ako sa kanya. Alam kong marami siyang tanong sa isip niya, gano'n din naman ako. We're clueless here.
Napalingon ako nang dumaan ako sa kuwarto ni Kuya. Nakaawang ito kaya pumasok ako. Nilibot ko paningin ko. Ano ba talaga ang dahilan mo, Kuya? Bakit hindi kita mabasa? Nagpaikot-ikot lang ako sa kuwarto niya ng mapansin ko ang isang papel na nadumihan. Teka, ito 'yong inapakan ko lang noon, ah. Binuksan ko ito at binasa.
Natigilan ako nang mabasa ko kung ano ang nakasulat.
"Kuya, what have you done?"
* * *
Ingrid's POV
TATLONG linggo na ang nakalipas simula nang mailigtas ako. Kahapon nakausap ko si Maxhene, babalik na siya sa Hampshire at si Denver naman sa Germany. Sabi niya ipagpapatuloy niya ang medecine sa New York. I tried to contact Erina pero wala siyang sagot. Ayaw naman akong payagan ni Daddy na bumalik sa Vampire City dahil hanggang ngayon natatakot pa rin siya sa kaligtasan ko.
Nag-iimpake ako ng ilang gamit ko nang biglang umulan nang malakas. Sa tuwing umuulan pakiramdam ko nakikisama sa akin ang panahon. Ang langit ang gustong umiyak para sa akin dahil tuyo na ang mata ko at wala nang ilalabas pang iyak. Naalala ko no'ng sumayaw kami ni Hansel sa ilalim ng ulan. Napangiti lang ako nang maalala ko 'yon. I miss our moments, I miss Hansel. I miss his warm embrace, I miss us. I miss his cheezy lines. I miss him.
Kahit wala akong idea kung bakit niya ako iniwan, maghihintay pa rin ako. Maghihintay ako sa pagbabalik niya. Sana lang, hindi pa siya sawa sa pagmamahal sa akin.
* * *
"DADDY, hindi ko na kailangan ng maraming bodyguards para ihatid ako sa Airport. Wala na naman si Devant 'di ba?" I said pouting.
Imagine ha, sampung convoy ang susunod sa akin para sigurado raw na safe ako.
"Gusto ko lang makasigurado, hija. Alam mo naman na may trauma pa ako sa nangyari. Ayaw ko nang maulit pa ang dati," sabi ni Daddy.
"Sige na nga. Basta kapag nasa New York na ako, wala ng bodyguards, ah?"
"Okay, my Princess."
Pupunta ako sa New York para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Para makalimot na rin.
Habang nagbabiyahe, hindi ko mapigilan na isipin ang mga nangyari. Kung paano ko siya unang nakilala. Kapag sinu-sungitan niya ako. No'ng nagtapat siya sa akin. Even when he saves me from Sanguinarians. Kailangan pa ba na may mangyaring masama sa akin para makita ko siya? Aalis akong Pilipinas at iiwan ko ang lahat, pero hindi ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung makaka-move on pa ako, eh.
Bago ako pumasok sa private jet, nilingon ko muna ang paligid, umaasang makikita ko siya. But to my disappointment, wala siya. Malakas ang ihip nang hangin kaya nililipad ang buhok ko pati ang scarf ko.
"Goodbye, Hansel." Hinawi ko ang buhok ko sa mukha ko. Pinikit ko sandali mga mata ko saka ko inalala ang mukha niya sa isipan ko.
"I love you," I whispered.
l
BINABASA MO ANG
Vampire City: Not Your Ordinary Vampire Story
Vampire[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the only thing that came to her mind. Out of curiosity, she went to a city. A city where no one can...