Chapter 23
Ingrid's POV
HINDI ko alam kung matatawag kong anghel si Denver. Because everytime Maxhene tries to seduce Hansel, dumadating siya at sinasabing fiancée niya 'to.
Nakikita ko naman na inis na inis dito sa Maxhene pero somehow natutuwa ako para sa kanila. Halata naman kasing hindi gusto ni Maxhene si Denver, eh.
"Ingrid..." tawag sa akin ni Hansel.
"Bakit?" I said without looking at him. Nagbabasa kasi ko ng cookbook. Gusto ko kasing matutong magluto. Napansin ko kasing nangangayayat ako. Siguro kasi puro instant foods ang kinakain ko.
"Matagal ka pa ba diyan magbasa?" he asked. Tumango lang ako.
"Pupunta tayo ngayon sa plaza, eh. May movie marathon na naman doon," sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood ngayon para lumabas. Ang lamig na rin kasi rito since malapit na ang Ber months.
"Ingrid..."
"Hmm,"
"Pansinin mo kasi ko,"
"Busy ko. Mamaya na lang. Or better yet, bukas na lang. Matutulog ako after nito. Gusto kong bumalik sa dating oras ng pagtulog. Hindi mo ba napapansin ang payat ko na."
"Maganda ka pa naman eh,"
"Kahit na. Gusto mo ba ng girlfriend na buto't balat?"
"Haay naku. Hindi naman kita nagustuhan dahil sa katawan mo, eh," may iritasyon sa boses niya kaya nag-angat ako ng tingin.
"Health ko ang pinag-uusapan dito, Hansel. Sana maintindihan mo ako," paliwanag ko sa kanya pero hindi siya umimik. Napansin niya atang hindi niya ako mapapapayag na lumabas kaya tumango na lang siya at pumasok sa kuwarto niya. Mabuti naman. Kasi wala rin ako sa mood makipag-talo pa sa kanya.
Pinagpatuloy ko ang pagbaba ng mga basic terminology sa pagluluto.
"Ano ba'ng difference ng chop and minced?" tanong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga ako at nilapag ko ang libro sa lamesa.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. Parang gusto ko lang mahiga magdamag.
* * *
Hansel's POV
HINDI ko maintindihan ang kinikilos ngayon ni Ingrid. Pinag-bigyan ko na lang siya kasi kalusugan niya ang pinaglalaban niya.
Lumabas akong kuwarto para puntahan sana si Ingrid pero nadatnan ko siyang nakahiga sa couch. Nilapitan ko siya. Nakatitig lang ako sa kanya. Kahit pa pumayat siya o tumaba, mamahalin ko pa rin siya. Nakita kong gumalaw siya at tumalikod sa akin.
Napakunot noo ako nang makita kong may kakaibang dumi sa shorts niya. Nilapitan ko 'yon para tingnan at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.
"Blood? Why is there a blood on her shorts?" I asked myself. Bigla akong kinabahan. May nakapasok bang Sanguinarian dito? May kumagat ba sa kanya? Tiningnan ko ang balikat niya at nagtaas baba ito. Okay, she's breathing.
"Ingrid, gising!" niyuyogyug ko ang balikat niya pero umungol lang siya.
"Ingrid, gumising ka nga! Ano'ng nangyari sa'yo?" gumalaw siya at humarap sa akin. Antok na antok pa ang hitsura niya at parang wala man lang ideya sa kung ano ang mayro'n sa shorts niya.
"Bakit ba Hansel? Nakita ng natutulog 'yong tao, eh!" Naupo siya at tiningnan ako ng masama. Bakit ba ang sungit niya ngayon?
"Ingrid, bakit may dugo ka sa shorts mo? May sugat ka ba?" tanong ko. Namilog naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Agad siyang napatayo at pilit tinitingnan ang likod ng shorts niya.
BINABASA MO ANG
Vampire City: Not Your Ordinary Vampire Story
Ma cà rồng[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the only thing that came to her mind. Out of curiosity, she went to a city. A city where no one can...