Epilogue
3 YEARS LATER...
Ingrid's POV
"HANSEL!" Malakas kong sigaw habang hinahawakan ang naglobo ko ng tiyan. Naghihilab na siya at sobrang sakit nito na parang gusto nang magsariling lumabas sa sinapupunan ko.
Agad akong binuhat ni Hansel nang walang pag-aalinlangan papunta sa Infirmary sa loob ng palasyo.
Akala ko hindi ako makakaramdam ng sakit dahil sa isa na akong bampira, pero totoo pala ang sabi ni Queen Veruca na masakit para sa mga babaeng bampira ang manganak. Tila uubusin nito ang lakas mo dahil aagawin ng anak mo ang lakas mo.
"Ahhhh! H-Hansel, ang... ang sakit na!" sigaw ko kahit nanghihina na ako. Parang gusto ko na lang na ipikit ang mga mata ko.
Inilapag nila ako sa higaan at pinalibutan ako nang mga manggagamot. I can hear distinct voices but the pain was unbearable to even recognize their voices.
"Prince Hansel, hindi pa naman po siya 9 months, 'di ba?" I heard someone say.
"Hindi ko alam! Just deliver the baby safetly. It pains me seeing her in pain!" I heard Hansel pero hindi ko na 'yon pinansin dahil mas lalong humihilab ang tiyan ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya at mahigpit akong napahawak sa higaan.
Hindi ko na alam kung ano pang sunod na mangyari nang dumoble ang sakit sa sinapupunan ko. Hindi na ako makasigaw dahil sa sobrang panghihina. Naramdaman ko na lang na may lumabas na luha sa gilid ng mata ko.
No, hindi ako puwedeng sumuko. I have to deliver the baby alive. Kung kailangan ko ubusin ang lakas ko mailabas ko lang nang ligtas ang bata ay gagawin ko.
* * *
Hansel's POV
WAITING for the doctor to come out inside the infirmary was like forever. I can hear her struggle and pain. Parang unti-unting pinipiga ang puso ko dahil wala akong magawa para pawiin ang sakit na nararamdaman niya. My wife was alone with this and all I could do was wait.
Halos mapatuwid ako nang makita kong lumabas ang doctor na nakangiti. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa aura niya.
"Congratulations, Prince Hansel. Your wife delivered a healthy twin. A boy and a girl,"
"Oh my God. Talaga?" bulalas ni Erina na halos makalimutan ko nang kasama ko pala.
Napatingin naman ako kay Daddy dahil ang sabi niya noon ay lalaki ang magiging anak namin. Siguro isa 'yon sa patunay na hindi lahat ng visions niya ay nagkakatotoo. Katulad na lang nang propesiya. Hindi namin alam kung matutupad pa ba 'yon ngayon na hindi na isang mortal si Ingrid.
Pumasok ako sa delivery room at nakita ko si Ingid na nakahiga at walang malay. Ramdam ko ang pagod niya. Hindi lang isa kundi dalawa ang pinanganak niya at hindi ko maimagine kung anong hirap ang dinanas niya mailabas lang ang anak namin.
Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ko ang mukha niya. Bakas dito ang pagod kaya niyakap ko siya. If only I could ease the pain.
"I'm sorry wife, this time I cannot save you from this pain. I'm so sorry," bulong ko sa kanya.
"Don't say that," she said with a very weak voice. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at napakalamlam ng mga mata niya pero nakangiti pa rin.
"I have good news," sabi ko sa kanya. Tinulungan ko siyang maupo sa kinahihigaan niya.
"Ano 'yon?" she flashes a smile. She's still the most beautiful vampress for me. Hindi kumupas ang ganda niya.
"Kambal daw ang anak natin," I said at parang hindi na siya nasurpresa sa sinabi ko.
"Kaya pala ang sakit ng sobra," she said pouting kaya natawa lang ako sa kanya.
"Nasaan na ang babies ko? I want to see them," she said. I can still feel the weary on her voice.
Bigla namang pumasok ang dalawang nurse at karga nila ang anak namin. Nakabalot na sila ng puting tela na may embroid ng official emblem ng kaharian. Unang ibinigay nila kay Ingrid ang baby boy namin at sa akin naman ang baby girl. Ito na 'ata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko.
Ipinagtabi namin ang dalawa habang karga namin 'to. Hindi ko pa makita kung sino ang kamukha nila lalo na't nakapikit pa ang mukha niya. Halos wala akong mapagsidlan ng kasiyahan ko ngayon. Gusto ko na lang tingnan ang mag-ina ko at kuntento na ako.
"Ang gaganda nila," rinig kong bulong ni Ingrid. Humikab naman ang baby boy namin at nag stretch ng braso ang baby girl. Nakakagigil silang tingnan.
Napatingin ako kay Ingrid at umiiyak na naman siya. Lagi na lang siyang umiiyak kapag masaya. Parang kagaya lang no'ng nagpropose ako sa kanya.
Pumasok naman sa loob si Erina kasama sina Mommy at Daddy. Excited na nilapitan nila ang kambal. Si Erina akala mo nakakita ng cute na manika.
"Grabe! Ang cute!" she said with a squeal.
"Ano'ng ipapangalan niyo sakanila, anak?" masayang tanong ni Mommy.
Nagkatinginan kami ni Ingrid at pareho kaming may naalala tungkol sa pangalan ng bata.
"K-kapag nagkaanak kayo, puwede ipangalan niyo sa akin? Bayad niyo na lang sa pagsagip ko sa kasiyahan niyo."
"Aric Drake and Avia Dysis." sabay naming sabi ni Ingrid.
Alam kong nagtataka sila kung bakit 'yon ang ipinangalan namin sa anak naming lalaki. Hindi naman sila nagtanong. Alam kong maiintindihan din nila kami.
Ibinigay naman namin kay Daddy si Aric Drake. Maingat niya 'tong kinarga
"Aba, nakikitaan na kita ng korona sa ulo, ah. Sigurado ikaw na ang magmamana ng korona ng Daddy mo," masayang sabi ni Daddy. Ibinigay niya sa akin si baby Aric at sunod na kinarga si baby Avia. Natigilan siya nang mahawakan niya ito.
"Bakit po? M-may problema ba?" nagtatakang tanong ni Ingrid.
"T-this baby... She's not a pureblood. She's a... She's a damphyr," sabi ni Daddy na ikinagulat naming lahat.
"Kung gano'n, natupad ang propesiya."
-THE END-
BINABASA MO ANG
Vampire City: Not Your Ordinary Vampire Story
Vampire[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the only thing that came to her mind. Out of curiosity, she went to a city. A city where no one can...