Chapter 42 - The Same or Different Person

103K 2.5K 121
                                    

Chapter 42

Ingrid's POV

MAAGA akong pumasok sa opisina kahit halos hilain ko na ang aking sarili sa kama para bumangon. Hindi ko alam kung bakit ba tamad na tamad ako ngayon. Para bang gusto ko lang humilata sa kama buong araw.

Mabuti na lang ay mayroon akong maasahan na secretarya katulad ni Gean dahil handa na ang coffee sa table ko. May sinasabi siya tungkol sa mga appointments ko ngayon pero halos hindi rin naman ako nakikinig. Ah! Gusto kong matulog.

"Ma'am," Gean snapped at me kaya nagtatakang tiningnan ko siya.

"Huh?"

"Nasa labas po si Mr. Hariko. Papapasukin ko po ba?"

"Ah, yeah," I answered nonchalantly. Agad namang lumabas si Gean and it was too late for me to realize kung sino ang nasa labas.

I thought they already left yesterday? Bakit nandito pa siya? Ang alam ko, babalik sila next month for another photoshoot.

"Good morning," he greeted me once he entered.

"What are you still doing here? I thought—"

"I take that as you are not pleased to see me," he said with a grin on his face.

I throw daggers at him. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil bigla niya akong winalk out-an sa garden last, last night sa party. And now he has the guts to come here. What an asshole.

"Ano nga ang ginagawa mo rito?"

"Well, for starters, I don't really want to come here. So don't flatter yourself," he smirked.

Gustong-gusto ko siyang batuhin nitong snow globe dito sa table ko. Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to. Sagad sa buto. Kung puwede ko lang ipagsigawan sa mundo na ang ini-idolo nila ay ang gaspang ng ugali.

"Bibigyan mo ako ng malaking pabor kung aalis ka na sa harapan ko! God, you're annoying!"

Narinig ko naman ang mahinang tawa niya as if he was really amused.

"Manager Hyun sent me here to tell you that he wanted you to come with us on our little trip to an island. He said and quote: a little gratitude for your hospitality,"

Tiningnan ko lang siya nang seryoso. Trying to see kung seryoso ba siya o hindi. Mamaya najo-joke na naman pala 'to. Pero kung totoo man, hindi rin ako makakasama dahil marami pa akong gagawin. Kailangan kong i-maintain ang publicity na sinimulan namin noong party.

"No, I can't go," I answered not breaking an eye contact with him.

"Manager also told me that should not accept a no for an answer. So you're going with us, whether you like it or not,"

"Excuse me! Hindi mo ako mapipilit, okay? Maraming akong gagawin at wala sa schedule ko ang pumunta sa isla—kung saan man 'yan!" I retorted.

I heard his sigh of resignation. I thought he gave up. But the next thing he did alarmed me. He walk towards me and effortlessly carried me like a sack of rice.

"Ano ba!" sigaw ko at pakiramdam ko bumaliktad ang utak ko. Nakaharap ako sa likod niya pabaliktad at pinagpapalo ko ang katawan niya.

"Behave, Ingrid," he said and I can feel his evil grin.

Lumabas kaming office ko at ang aking maingay na empleyado ay biglang natahimik. Buwesit! Pinapahiya niya ako sa mga empleyado ko!

"Put me down, this instant!" I ordered pero hindi siya nakinig.

Sumakay kaming elevator at biglang nagsilabasan ang ibang nakasakay. Pinilit kong pumislag sa kanya pero ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa akin.

I heard the elevator opened at nasa ground floor na kami. Ramdam ko ang nagtatakang tingin ng mga tao sa paligid.

"Your butt looks fluffy," he said and I can feel my cheeks burning.

"Subukan mong hawakan at mapapatay talaga kita!"

"Are you suggesting me to touch your butt?" he feign an incredulous tone.

"Ibaba mo ako!" sigaw ko sa kanya.

"No," he said firmly.

"You'll pay for this, Hariko! Mark my word!" galit kong sigaw sa kanya.

Nakalabas kaming buiding at dinala niya akong parking lot. Lagot talaga siya sa akin kapag may nakakita sa amin na press. Dahil sa kanya kaya nagkakaroon ako ng haters sa social media!

Nagmamadaling binuksan niya ang passenger seat at bigla na lang akong isinalya sa loob. Inayos ko ang sarili ko. Gusto ko mang lumabas agad ay hindi ko magawa dahil biglang sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko umakyat lahat nang dugo sa ulo ko.

Hinihimas ko ang ulo ko nang maramdaman kong lumulan siya sa driver's seat. Nagulat pa ako nang lumapit siya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya at pakiramdam ko naduduling na ako. Akala ko yayakapin niya ako pero bigla niyang kinuha ang seat belt at ni-lock yon.

"Lumayo ka nga! Naiirita pa rin ako sa'yo!" itinulak ko siya pabalik sa upuan niya. Narinig ko lang ang mahinang tawa niya. Hindi ko alam kung bakit lagi niya akong pinagti-tripan. Nakakainis!

Mabilis na pinaharurot niya ang kotse. Mas lalo akong nahihilo dahil sa kaka-over take niya. Balak niya talaga akong patayin! Hindi nagtagal ay nakarating kami sa hotel na tinutuluyan nila. Hinihintay ko siyang bumaba pero nanatili lang siya sa loob. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"You're mystery I can't decipher, Ingrid," he said under his breath.

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"I don't know either," seryoso niyang sabi.

Bumaba siya nang kotse at sumunod ako sa kanya. Nasa likod niya lang ako at mabagal siyang naglalakad papasok sa hotel. Why a sudden change of mood?

Nasa gitna kami ng lobby nang humarap siya sa akin. Tiningnan niya ako sa aking mga mata at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"M-may problema ba?" tanong ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na parang ine-examine ang kaloob-looban ng mata ko. "H-hey, Hariko do I have something on my face?" naiilang kong sabi.

His reply was to pull me roughly against his body. Then he lowered his head and claimed my lips. Naramdaman ko bigla ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

OH MY GOD! WE'RE KISSING AT THE LOBBY! Sigaw ng utak ko. Kahit nanghihina, pinilit kong itulak siya. Marahas na tulak na ikinagulat niya.

PAK!

"Hindi ako kaladkaring babae kung 'yon ang iniisip mo!" I said full of anger then left.

o

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon