Chapter 2 - The Vampire City

224K 6.2K 345
                                    


Chapter 2

NANDITO ako ngayon sa plaza at pinagmamasdan ang mga tao. Sa kabilang banda naman ay may mga nagde-date. Kahit halos wala pa akong isang araw dito, alam kong masaya rito. Kailangan ko lang ata talagang masanay na gumising kapag gabi kasi mukhang seryoso talaga si manong guard sa sinabi niya. Napansin ko kasing nagsilabasan na ang mga tao nang lumubog na ang araw.

Mamaya pupunta ulit akong school para mag inquire ulit. Siguro naman papapasukin na ako ni manong guard.

Pero bago 'yon, kailangan ko muna talagang kumain. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko at wala akong mahanap na bilihan ng pagkain.

May nakita naman ako kaninang mga street foods pero ang weird lang kasi puro red ang nakikita ko. 'Yong palamig kulay red, siguro strawberry flavor. Do'n naman sa ihaw-ihaw mga betamax lang ang tinitinda. Sa café naman ng hotel may mga cakes pero puro red din. Siguro red velvet. Hindi naman halatang mahilig sila sa red, 'no?

Mabuti na lang at may pagkain pa akong naka-stock sa kotse ko kaya nakuntento na lang muna ako sa pouch juice at cupcake.

Ang gusto ko dito kasi nakakapaglakad ako ng walang nakabuntot sa akin. Dati kasi, lagi akong may kasamang mga bodyguards kasi paranoid ang parents ko na baka raw may kumidnap sa akin. Tapos ang sariwa ng hangin dito. Para ka lang natira sa probinsya.

Pipilitin ko rin na mamuhay ng normal dito para maipakita ko kina Mommy at Daddy na hind lahat n bagay ay natutumbasan ng pera.

After kong kumain ay bumalik ako sa school. It's already seven-forty-five PM at siguro naman papapasukin na ako ni manong guard.

Ngayon ko lang napansin ang malaking pangalan ng school.

Scarlet Moon University. Kaya ba gabi lang sila pumapasok dahil sa Moon? Natawa naman ako sa naisip ko. I always take things literally.

Napansin kong may mga batang pumapasok at 'yong iba ay ka-edad ko lang. Siguro from from Kinder to College ang mayroon sa school na 'to. Sabagay, mukha ngang ang laki niya.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang may bumusina sa likod ko. Napalingon ako at nakita ko ang yellow Lambourghini sa aking harap. Medyo nasilaw ako sa headlights ng kotse niya kaya naharang ko ang aking braso sa mga mata ko.

My instinct tell me to move dahil nakaharang ako sa harap ng gate pero napanganga lang ako nang lumabas ang lalaki sa kotse niya.

"Aren't you going to move?" seryoso nitong sabi. Kahit nakasuot siya ng shades ay kita ko ang pangungunot ng noo niya. His voice and presence creates a tingling sensation on my spine.

"A-ah..." I said stammering. Pakiramdam ko may nakaharang sa lalamunan. Ano ba, Ingrid. Magsalita ka.

Mas lalo akong natulala sa kanya nang dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang shades. Holly shoes! He has the most tantalizing eyes I have ever seen.

"Miss, tititigan mo na lang ba ako habambuhay o gusto mong sagasaan kita diyan?!" galit nitong sabi. I don't know if it's just me pero nakita kong nangislap ang kanyang mga mata. "Retarded," he smirked.

Natauhan naman ako sa sinabi niya at napasimangot.

"Rude." I said.

"You're drooling, retard." Tinuro niya pa ako.

"Ano ba'ng problema mo?" naiinis kong sabi sa kanya. Okay, gwapo siya. Pero ang sama-sama ng ugali niya.

"Nakaharang ka sa daan, 'yon ang problema ko."

"Ito na nga, oh. Gigilid na. Ang yabang mo." Umiirap kong sabi sa kanya tapos gumilid.

"And you're a lunatic."

"What did you say?!" sabi ko na may halong paghahamon.

"You heard me, retard!"

"Aba't—sumusobra ka na, ah!" singhal ko sa kanya. Napansin kong napapatingin sa amin ang ibang estudyante na dumadaan sa amin. Great. Baka isipin pa nila nag-iiskandalo ako rito.

"You're new here, aren't you?" he said. So what?

"Pakialam mo ba?" I deadpanned. Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin at hinigit ang braso ko.

"Come with me," his tight grip was marking on my arm.

"Aray ko! Ano ba!" I whined. Naka long sleeves ako pero ramdam kong sobra ng namumula ang braso ko.

Itinulak niya ako sa loob ng kanyang kotse. Lalabas na sana uli ako pero nakita ko siyang nakaupo na agad sa driver's seat. Seriously. Man, he's fast!

"Paanong? Nandito ka lang 'tapos ngayon nandyan ka na? Anong—"

"Shut up!"

With those words, he drove fast papasok sa campus. Ang lamig naman dito sa kotse niya. He parked his car and turned off the engine. He turned to me and asked me.

"Now tell me, who are you?" nakakunot-noo niyang tanong.

nM⛹*

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon