Chapter 29 - Confessions

131K 2.9K 130
                                    

Chapter 29

Ingrid's POV

"NGAYONG second semester, hindi lang puro sketch and dress making ang gagawin niyo, you'll have to learn on how to choose the right garments in your designs..."

Tahimik lang ako nakikinig sa discussion ng isa sa professor namin. Mas enjoy 'tong class na 'to kesa sa class nila Hansel sa SMU. Ang boring kaya do'n tapos nakakaantok pa.

Nagpa-recitation lang si ma'am and luckily ay nakasagot naman ako.

Nang matapos ang klase ko buong maghapon, tinext ko si Hansel. Nag-aaral na din siya rito. He took up International Studies. Hindi ko kasi kabisado schedule niya kaya tatanungin ko na lang muna siya. Naupo lang ako sa isang bench at doon nagtext.

To: Hansel

Dismiss na kami, what time is your out?

From: Hansel

Malapit na.

Nilapag ko ang shoulder bag ko sa tabi ko at nagmasid sa paligid. Labasan na rin ang ibang klase. Nahagip naman ng mata ko si Maxhene at Denver na nagbabasa pareho ng libro at tumatawa. Ang cute nilang dalawa tingnan. Sana magkagusto na talaga si Maxhene kay Denver. Halata naman kasi sa kilos ni Denver na mahal niya talaga si Maxhene.

* * *

Erina's POV

"Mommy, please?"

"No, Erina. Go back to your room."

"Daddy?"

"Anak, hindi puwede. Ayaw ka naming malayo ng Mommy mo rito. And besides hindi mo pa kayang mamuhay sa labas. Pinayagan ko ang Kuya mo kasi alam kong kaya niya ang sarili niya. At kailangan niya 'yon in the near future to rule our clan." Daddy explained to me.

Naiwan ako rito sa boring na kaharian! Si Kuya nasa mundo ng tao at alam ko naman na masaya siya do'n kasi kasama niya si ate Ingrid. Hindi man lang nga siya nagpaalam sa akin, eh. Basta na lang umalis. Anong klaseng kapatid kaya siya?

"Ang boring dito, Mommy! Sinong makakasama ko?" I whined with frustration.

"Nandiyan naman si Cris at Tom 'di ba?" Sabi pa ni Mommy. 'Yon na nga eh. Gusto kong malayo sa dalawa. Nakakainis sila! Pakiramdam ko pinaglalaruan nila 'ko.

"Papasok na lang po ako sa kuwarto," Walang gana kong sabi. Alam ko naman na kahit ipagpilitan ko ay hindi nila ako pagbibigyan. Palighasa kasi hindi nila naiintindihan ang nararamdaman ko.

Umalis ako sa bulwagan at dumeretso sa kuwarto ko. I feel like so alone. Iniwan nila ako. Si ate Ingrid tapos si Kuya. 'Yong dalawang kaibigan ko naman hindi ko na alam ang ginagawa. Pakiramdam ko tuloy ang daming nagbago simula nang magkaroon ako ng feelings para kay Cris.

Nahiga na lang ako sa kama. Bakit kasi ganito? Bakit ako na-fall sa isang 'tulad ni Cris? I know from myself naman na player siya. Every vampirette likes to be with him. And lucky for Meisha kasi hindi na niya kailanga mag-effort kasi halatang gusto siya ni Cris.

"Prinsesa Erina nasa labas po si Master Cris." Rinig kong sabi ng katulong sa kabilang pinto. Ano naman kaya ginagawa ni Cris dito?

Agad akong lumabas ng kuwarto at lumabas ng palasyo, Nadatnan ko si Cris na nakatalikod at ang mukhang ang lalim ng iniisip. Gustong-gusto kong basahin ang iniisip niya pero natatakot ako sa malalaman ko. Ako na ang duwag pero mas mabuti ng wala akong alam.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Agad siyang napalingon. Kita ko sa mukha niya ang pagiging seryosong. Ano na naman kaya problema nito?

"Kapag pupunta ba 'ko rito dapat may kailangan?" Puno ng hinanakit na sabi niya.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon