Life after Marriage
3 months after Kasal
Pagkatapos ng mahabang Honeymoon namin ni Hansel all around the World, nakauwi din kami sa wakas. I visited my parents kasi miss na miss ko na sila. Dahil sa may 2 years contract pa ako kay Mr. McKinley, i still need to work my ass out. Tutal naman isa na akong walang kapagurang nilalang, might as well put all my time to this.
All was excited to see me. Syempre, isang buwan akong nawala kaya wala silang katuwang sa pagmanage ng Fashion House.
Hansel and I decided na dito muna sa mundo ng tao manirahan dahil na din sa work ko, habang siya pabalik-balik muna sa Vampire City. Ok naman sa amin. We both have time for each other.
Minsan, kapag nagkakaroon ng problema sa kaharian, hindi siya nakakuwi sa bahay namin malapit lang sa Mansion nila daddy at mommy. I never complain kasi part ‘yun ng pagiging Prinsipe niya. Though minsan isang buong araw siyang hindi nakakauwi, still, i understand him. Ganun talaga eh. Kapag may asawa ka na, iintindihin mo siya. Mahal mo eh.
Then one day, I received a long distance call from Maxhene. Bibisitahin niya daw ako. Um-Oo naman ako since miss ko na din nag bestfriend ko.
Timing dumating siya wala si Hansel kaya nagkaroon kami ng time para magka chika-chika. Nakita kong lobo na ang tiyan which is 5 to 6 months pregnant na. Sabi niya manganganak muna siya bago magpakasal.
“Kumusta kayo ni Hansel?” Tanong niya habang pinapanuod akong mag-sketch ng new designs.
“We’re fine.”Simple kong sagot.
“Ah.” Napatingin siya sa cellphone niya. “Ugh! Ang kulit ni Denver. Sabi ng ok lang ako.” Sabi niya habang nagta-type.
“Kasama mo ba siya?” I queried.
“Iniwan ko siya sa Vampire City. Tuwang tuwa nga ang gago. Porket bisita ngayon ng VC ang mga Concubines from London.” She smirked.
That caught my attention. Concubines? Mga paupahan na vampiress!
“Are you ok, Ingrid?” Nag-aalalang tanong ni Maxhene.
“O-ok lang ako.” Pinilit kong ngumiti kahit iba pakiramdam ko.
Nabasa ko sa Vampire Culture na para mapatunayan ng isang crown prince na karapatdapat siyang maging Hari, kailangan may isa siyang piliin na matitipuhan niyang concubine para maisiping at... at.
“May occasion ngang magaganap doon eh. Para sa mga bisitang Prinsipe. Kainis nga hindi ako makapunta. Bawal ang babae eh.” Nakangusong sabi ni Maxhene.
Bakit ba napakapanatag lang ng isang ‘to? Dati rati magfefreak out na ‘yan kapag nalaman niyang may kasamang babae si Denver. Siguro kasi buntis siya at panatag na siyang sila ni Denver. Haaay. Pa’no naman ako? Wala pa kaming anak ni Hansel. Hindi ko nga alam kung magkakanak kami eh.
Dahil sa buntis si Maxhene, lagi lang siyang nakaupo at ayaw tumayo kaya hinayaan ko lang siyang mamahinga sa guest room.
Ako naman pumunta sa kwarto namin ni Hansel saka naligo at nagpalit ng pantulog. Tatapusin ko na lang ngayon lahat ng designs ko para naman may pagkaabalahan ako.
Tinignan ko ang wall clock at pasado alas dose na. Hindi ba uuwi si Hansel? Aba magdadalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam ah!
Balisa akong tumayo sa kinauupuan ko. Paranoid kung paranoid. Perp pa’no kung nilandi siya ng isang Concubine? Pa’no kung ang kapangyarihan ng Concubine na makatipo sakanya ay hypnotism? Pa’no kung sumunod sa tradisyon si Hansel at pumili siya ng magugustuhang Concubine? Pa’no kung...
BINABASA MO ANG
Vampire City: Not Your Ordinary Vampire Story
Vampire[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the only thing that came to her mind. Out of curiosity, she went to a city. A city where no one can...