Chappie 18 >> BOOM BOOM POW

64 5 6
                                    

Gabbi's POV

RHYS?! BAKIT SIYA ANDITO?!


Agad naman akong umalis sa posisiyon namin. "A-ano Rhys siya si Liam, kaibigan ko. Liam siya naman si Rhys, ano ko kaibi--"


"BOYFRIEND NIYA!" napatingin naman ako sa gawi nung ugok na si Rhys na kasalukuyang nakaakbay sakin. Tinanggal ko naman yung kamay niya sa balikat ko sabay karate pose.


"B-boyfriend? Pero sabi ni Gabbi sakin wala p-pa siya boyfriend" -Liam


"Well ngayon meron na." Sabay akbay ulit sakin "Let's go Gabbi. May pupuntahan pa tayo"


"O-oy!" hinila na lang ako basta nung ugok na yun. Aissh! Kainis talaga!!


Nakita ko naman si Cloud at Sky e dala-dala yung mga gamit ko.


"Oy kayong kambal bitawan niyo yung bag ko! At ikaw den Rhys bitawan mo din ako!!" Naghuhumarentado na ko dito pero walang pakialam pa rin sila.


Kinagatkagat ko na yung kamay niya para mabitawan niya ko pero isang palo lang ng mahina sa bibig ang ganti niya sakin.


Niyugyog ko na yung kamay ko pero lakas pa rin ng kapit niya sakin at patuloy pa din kaming nagkakaladkaran. Grabe namumula na yung braso ko.


"Mga koya ples pakawalan niyo na ko... saka san ba tayo pupunta?" Walang pumansin sakin.


"Sky may gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni cloud sa kakambal niya.


"Mmm... maglilinis ako ng banyo. Ako nakatoka ngayon e" sabi naman ni Sky habang kinakaladkad sa sahig yung bag ko.


"Uyy~ paingatan naman kahit yung bag ko lang!" Sabi ko. Napatingin sakin si sky pero deadma lang siya.


"Ay! Sayang naman tol gusto ko sanang mag out of town ngayon e kahit sa singapore lang tapos babalik agad tayo" grabehan talaga ang usapan ng mga rk di ko kinaya!


"Next time tol. Magagalit talaga si mama e" nagtataka ako mayaman naman pala sila pero bakit sila yung naglilinis ng banyo nila? Wala ba silang mga maids?


"Oy may tanong ako!" Sabat ko sa kanila.


"Mag sky dive kaya tayo?" Sabi ni cloud habang naghahalungkat sa lunch box ko.


"Bawal. Linis muna." Wala pa rin sakin namamansin.


"Oyyy~ may tanong ako!" Naglakas loob ulit ako.


Sa ngayong pagkakataon napatingin na sakin si Sky. Nakakatakot siya dahil dun sa mga mata niya.


"O ano?" Ang suplado niya ngayon! Grabe!


"Ba't wala kayong maids para sila maglinis sa bahay niyo especially sa banyo niyo? He.he.he.he" bigla akong na awkward.


"Gusto ni mama. Wala kaming magagawa kapag ganun." Sabay nilang sabi.


Masyado silang seryoso kaya wala akong masagot.


"JOKE! BWAHAHAHAHA!!" bigla silang humagalpak ng tawa.


"GRABE CLOUD NAKITA MO BA YUNG MATA NIYA??? TAKOT NA TAKOT SIYA KANINA HAHAHAHHAHAA!!!" Utas na si sky kulang na lang gumulong siya dun sa kalsada sa kakatawa.


"OO TOL!! TAPOS.. TAPOS BWAHAHAHAHA WALA NA KONG MASABI NAKAKATAWA TALAGA!! IPRANK ULIT NATIN SIYA MINSAN!!"


Prank lang?! Grabeee!! Nakakainis nahulog na naman ako sa mga patibong nila!


"Masanay ka na sa kanila ganyan lang talaga ang mga ogag na yan" sabi ni Rhys pero seryoso pa din siya.


"OY GABBI JOKE LANG LAHAT HA? WAG MO SERYOSOHIN!!" sabay ulit yung kambal nagsalita.


"He.he.he. o-okay lang" yan na lang nasabi ko mahirap na baka maprank ulit ako.


"Pero tunay na kami talaga ang taga linis ng bahay namin." This time si cloud na lang ang nagsalita.


Magsasalita pa sana ako ngunit tinulak ako ni Rhys.


"O yan. Dyan ka na sa bahay niyo. Wag kang magpapakita dun kay liam." Napalingon naman ako sa paligid ko.


Hala bahay nga namin to! Tae naman o! Kakapasok ko lang pinauwi na agad ako


"Pero--"


"Sakin. Ka. Lang." Yun yung huli niyanh sinabi tapos umalis na siya.


Sila cloud at sky naman e iniabot sakin yung mga bag ko tapos sumunod na kay Rhys.


Grabe!! Ang weird ni Rhys! Lalayo na ko sa kaniya baka maging weird din akooo~

Brothers' ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon