Chappie 7 >> Selfish

207 7 0
                                    

Heres my update.... Pa-Vote and Comment po

Chappie 7

Selfish

Nandito ako ngayon sa kwarto ko namimili ng susuotin para sa 'DATE' namin ni Kuya Luke.

Grabe ang hirap namang pumili ng susuotin kailangan kase maging maganda ako sa paningin ni Kuya Luke.

Ano kaya ang mas maganda 'tong lacey pink dress o silk grey tube dress?

Hmmmm...

Narinig ko naman na may pumasok sa kwarto ko kaya napalingon ako.

"Ma? Pa? Anu pong ginagawa niyo dito?" 

"Honey ikaw mag-sabi kay Gabbi tutal e ikaw naman dyan ang curious na curious" sabi ni Papa.

"Honey naman! Ikaw na lang!" -Mama

"Honey tanungin mo na para matapos na ito at para makakain na ko-- Aww!!" Nabatukan naman ni Mama si Papa.

"Ayan ka na naman Honey e!! Puro pag-kain na lang ang nasa isip mo!! Ikaw na mag-sabi dali!!" Napa kamot na lang ng batok si Papa.

"Aiisshh.. ikaw na lang kas---" ininterupt ko na si Papa dahil nauubos na ang oras ko kailangan ko pang mag-ayos.

"Ma, Pa anu po ba yun?" Maayos kong tanung sa kanila. Siyempre may respeto pa din naman ako kina Mama' t Papa noh.

Pinandilatan naman ni Mama si Papa.

"Sige na nga ako na lang." Sabi ni Papa. Hindi talaga natitiis ni Papa si Mama. Hayss kailan kaya ako makakahanap ng lalakeng bagay sakin na katulad ni Papa?

Nakita ko naman na pinich ni Mama yung ilong ni Papa.

"Yan ang gusto ko sayo honey e" -Mama

At nag-kilitian pa sila sa harapan ko na parang teenager lang katulad kong kung maka lambutsingan. Aisshhh naman oo!! Pwede bang sa susunod na lang nila gawin yan? Wala na kasi talaga akong time ayoko pa namang ma-late sa first date namin ni Kuya Luke.

"Ma, Pa naman e!! Pwede bang sa kwarto niyo na lang yan gawin at baka kung saan pa yan mapunta e at masundan pa ako ng baby bro or sis ng di oras." Sita ko sa kanila.

"Mamaya ka sakin ha..." at kinindatan pa ni Papa si Mama. Eto namang si Mama parang highschool girl lang kung kiligin sagad to the bones! Aisshhh parang ako pa ang mas mature sa mga eto e!

"Anu po ba ang sasabihin niyo sakin Mama, Papa?" Tanung ko sa kanila.

Brothers' ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon