Chappie 4 >> Be my Valentine

240 10 0
                                    

Chappie 4

Be my Valentine

Ilang araw na nung nakalipas simula nung nag-confess sakin si Kuya Rhys. Mula non eh lagi niya na kong pina-padalhan sa classroom namen nang mogu-mogu pati na rin chocolates. Naikwento ko na rin kay Axel yung mga pang-yayare non pwera lang dun sa confession portion. Nakakahiya kaya malay mo asarin pa ako ng mokong nayon dun sa kutong lupa niyang kuya! Pero I'm sure na one of this days malalaman din ito ni Axel actually may balak naman talaga akong sabihin ito kay Axel humahanap lang nang tyempo.

Nakatangla ako ngayon sa aming classroom wala kasing magawa kakatapos ko lang kase dun sa assignment ko dun sa isa naming subject. Oo tama kayo ngayon ko lang ginawa yung assignment namin yung iba nga ay kinopya ko lang sa katabi ko hehehe...aminin niyo ganyan din kayo...

Teka nga na saan na si Axel kanina katabi ko lang yung mokong na yun eh?

"Oi Gabbi may nag-hahanap sayo sa labas" iritadong sabi nung kaklase kong si Mark.

"Oo sige pupunta na" sino kaya yung nag-hahanap saken? Tsaka bakit andameng nagtitiliang babae sa labas? Kung maka-tili wagas?!

"Tabe nga kayo" sabay hawi ko naman dun sa mga babae.

"Kyaaaaa~ Ang Pogi mo Kuya!!!"

"Kuya akin ka na lang!!!"

"Date me please!!!" Mukhang desperada na tong babaeng to

Sino ba ang pinag-kakaguluhan nila dito ha?! Wala naman akong nakikitang extra ordinaryng nilalang para pag-kaguluhan.

"Easy girls.. maybe next time I'll date each one of you but not this time 'cause may babae nang nag-papatibok ng puso ko" teka kilala ko yung boses na yun ah..

"Kyaaaa~ sino kaya yun?? Sana ako na lang!!"

"No way akin lang siya!!" Desperadang desperada na talaga tong mga babaeng to grabe!! Wala na ata silang tinatagong delikadesa sa sarili e!

"Kuya Rhys?!" Napa nga-nga na lang ako nung nakita ko siya.

"Yeah its me. Don't you miss me?" Akmang yayakapin na ko nung umilag ako.

Brothers' ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon