Chappie 3
I am Jealous
Hayss... Ang boring ngayon wala kasi si Axel maysakit, wala tuloy akong kasabay mag-lunch.
"Oi Gabo, Mag-isa ka ata ngayon??" Sabay kuha naman ni Kuya Rhys dun sa baon ko at tumikhim. Himala wala ata siyang kasamang babae niya pati yung kambal niyang barkada.
"Sinabi nang wag mo akong tawaging Gabo!! Atsaka kitang-kita naman na wala akong kasama mag-tatanong pa. Tsss" inirapan ko na lang siya.
"So kung ganun. Sasamahan na lang kita!!" Sa sobrang lakas ng boses niya halos lahat ng tao sa cafeteria nagsitinginan samin.
"No thanks, Kuya Rhys. Tutal tapos na rin naman ako" sabi ko sabay ligpit ko dun sa pinag-kainan ko. Actually hindi pa talaga ako tapos nababanas lang talaga ako sa lalaking ito.
"Okey, ihahatid na lang kita sa classroom niyo" sabay kuha sa mga gamit ko.
"Wag na Kuya Rhys kaya ko naman, tsaka may sariling paa't kamay naman ako kaya mas mabuti pang umalis ka na lang." pinipilit ko talagang wag mag-taray sa kanya pero hindi ko na talaga na pigilan ang sarili ko.
"Wag ka ng mag-pakipot pa 'cause I know that you know na gusto mo rin naman, nag-papahard to get ka lang." At kinindatan pa ako ng uguk na ito.
"At sinong naman ang nag-sabi niyan sayo ha??!! Atsaka alam mo naman na para kay Kuya Luke lang ako noh!!" Kuminang-kinang pa yung mata ko dahil naalala ko na naman si Kuya Luke.
"*snap* *snap* hoy bumalik ka na sa realidad, Gabo!! Wala yong gusto sayo!!" Parang sinampal talaga ako nung sinabi niya.
"Eh basta gusto ko parin siya!!"
Saktong-sakto namang dumating sina Kuya Luke at iba pang Student Council.
"Speaking of the devil. Tsss" sabi ni Kuya Rhys
"Kuya Luke!!! Kyaaaaa~" agad ko naman siyang sinalubong at yinakap.
"Get away from me, filty woman!!" Kainis talaga itong si Kuya Luke pero infairness bago na naman ang endearment niya sakin dati filty peasant pero ngayon nag-evolve na naging filty woman na!! Yes naman!! Siguro naman nag-evolve na din yung feelings niya sakin
Kaagad din niya namang tinanggal ang pag-kakayakap ko sa kanya.
"Hi Kuya Luke!!" Masaya kong bati
"Tsss" aniya. Alam niyo nag-tatampo na talaga ako dito kay Kuya Luke puro yun na lang lagi ang sinasabi niya tuwing binabati ko siya.
"Tch. Tara na nga Gabo wala ka naman diyang mapapala" cold na pag-kakasabi ni Kuya Rhys. Nagulat naman ako dahil biglaan siyang sumulpot sa tabihan ko.
Hindi pa ako nag-sasalita, kinuha niya na agad yung kamay ko at hinila.
BINABASA MO ANG
Brothers' Clash
Roman pour AdolescentsThree Siblings fighting for ONE girl? Kamusta naman yun? Haba ng hair ni Ate ah? Siya nga pala si Gabriella Gwyneth Dimaguiba, Gabbi for short--isang mayaman na heredera ng isang malaking kompanya, Maganda, habulin ng mga boys pati na rin ng mga tib...