Chappie 15 >> North Bar

115 10 0
                                    

Chappie 15 >> North Bar

Hayss~ buti na lang natapos agad 'tong nakakapagod na araw na 'to makakapahinga ako ng mahaba. 

"Hindi ka ba talaga makakasabay samin, Axel sa pag-uwi?" Tanong ko sa kanya. Siya naman ay busyng busy sa pag-tatype nung mga activities na magaganap next month

"Sorry hindi talaga e" sabi niya ng hindi tumitingin samin.

"Kahit ngayon lang? Please~!" -Ako

"Sorry talaga, Gabbi. Next time talaga babawi ako! Promise!" Sabi niya samin. Tumango na lang ako saka kaming dalawa ni yen-yen umalis. 

"Patay! Gabbi, kailangan ko pa palang pumunta kay Ms. Marikit para dun sa project namin. Leader kasi ako dun e. Mahirap na baka mapagalitan na naman ako nun e." Sabi niya.

"Sige punta ka na dun hihintayin na lang kita." 

"Wag na Gabbi baka matagalan pa ako. Kitakits na lang tayo mamayang 7 pm susunduin kita sa bahay niyo." -Aryen

"Ahh... sige. Bye" nag-lakad na ako palayo. Haysss~ mag-isa na naman akong uuwi nakakalungkot. 

Nagulat na lang ako nung nag-ring yung cellphone ko. Oo may cellphone na ko niregalo sakin ni Mama't Papa dahil top 1 ako sa klase made in china nga lang ito pero oks na rin atleast may cellphone.

♬ My eyes are no good, blind without her

The way she moves I'd never doubt her

When she talks she somehow creeps into my dreams--♪

Favorite ko talaga ang kantang baby blue eyes ng A rocket to the moon nakakarelax pakinggan at in the same time nakakakilig yung meaning!

Nakita kong unregistered yung number. Hmm.. sino kaya ito?

"Ahm Hello?"

["I love you too!"]

Rhys?!

"Huh?! Sino 'to ha?!" 

[" Sino pa ba ang nag-mamahal sayong tunay? Edi ako, Si Rhys!"] Narinig ko namang nag-chuckle siya. 

"Ikaw lang pala. Sige ibababa ko na 'to. Bye--"

["hep! Hep! Hep! Wag mo munang ibababa! 'To pinag-hirapan ko kayang hanapin yung number mo tas bababaan mo lang ako agad?! May sasabihin lang naman ako sayo e."] Tsk! Ang galing talagang mangunsensya netong mokong na 'to! Hmp!

"Tsk! Sige na nga anu ba 'yon ha?!" 

["Ang ganda mo pala kahit sa malayo."] Hinanap ko naman agad siya at Napangiti naman ako sa sinabi niya-- Aissshh!! Bakit ako ngumingiti??!! Mambobola lang siya!!

Brothers' ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon