Chappie 9
Mr. Playboy is INLOVE
Buong mag-hapon akong lutang sa klase wala akong naintindihan sa mga lessons namin dahil iniisip ko pa rin yung sinabi ni Kuya Luke. Napag-kamalan pa nga ako ni Axel na nag-dadrugs ako dahil ang pula-pula ng mga mata ko at pugto tapos lagi pa akong nakatulala. Tinanong niya nga ako kung ano yung iniisip ko pero hindi ko siya sinagot dahil alam ko na mag-aaway lang sila mag-kapatid pag-nalaman niya ito. nag-guguilty na nga ako e ang rami ko na kaseng nililihim sa kanya.
"Hoy Gabbi dismiss na tayo nakatulala ka pa rin dyan wala ka bang balak umuwi?" Sermon sakin ni Axel. Agad ko namang inayos yung gamit ko.
"Nga pala may mga tatapusin pa ulit ako dun sa school gazette kaya mauna ka na lang sa pag-uwi ayoko namang pagudin ang bestfriend ko sa kakahintay." Kumindat pa siya. Naku lumalande na naman 'tong bestfriend ko!
"Lande mo! May pakindat-kindat ka pang nalalaman as if namang mahulog ako sa mga pa-charm mong yan!" Pinisil ko pa yung matatangos niyang ilong kaya namula ito.
"Bakit hindi ba?" Sinabi niya tsaka tinignan ako ng maigi sa aking mga mata.
Agad ko naman siyang tinulak. Nakakailang kase ang mga titig niya "Hindi noh!!"
"Hahahaa what ever Gabbi. Sya una na ako may mga tatapusin pa ako. Bye Gabbi ko~" nag-flying kiss pa siya sakin at kumaway.
"Anung Gabbi ko ka dyan pinagsasabi? Upak gusto mo?" Pinakita ko naman sa kanya yung fist ko kaya tumawa na lang siya.
Umalis na yung loko kaya umalis na din ako. Pumunta ako dun sa may tambayan ko sa rooftop. Kapag wala kasi si Axel dun ako pumupunta pang-palipas oras. Nakita ko namang parang may tao dun. Wait parang kilala ko 'to ah.
"Yen-Yen?" Napatingin naman siya sakin kaya nalaman ko na siya talaga yun.
"G-gabbi a-a-anong gi-gi-ginagawa mo d-dito?" Utal niyang sabi.
"ah mag-papahangin lang.." sabi ko sa kanya. Umupo naman ako dun sa may tabi niya.
".. eh ikaw anung ginagawa mo dito?" Tanung ko sa kanya.
"N-nag-papahangin d-din lang." Sabi niya sabay ayos dun sa salamin niya.
Wala nang nag-lakas loob saming dalawa na mag-salita kaya ang awkward ng paligid.
"G-gabbi..." umpisa niya
"Mmm?"
"D-do you h-have s-special f-f-feelings to umm A-axel? I mean is he s-special t-to you?" napatingin naman ako sa kanya. Nagulat ako sa tanong niya. Siyempre naman special sakin yun bestfriend ko yun since nursery e.
"Siyempre naman he is special to me..." nakita ko naman na na pa sapo naman siya ng noo niya.
BINABASA MO ANG
Brothers' Clash
Novela JuvenilThree Siblings fighting for ONE girl? Kamusta naman yun? Haba ng hair ni Ate ah? Siya nga pala si Gabriella Gwyneth Dimaguiba, Gabbi for short--isang mayaman na heredera ng isang malaking kompanya, Maganda, habulin ng mga boys pati na rin ng mga tib...