Chappie 10
Love Can Wait
Gabbi's POV
Kumakain na kami ng breakfast ng may narinig kaming nag-doorbell. "Ako na yung titingin" sabi ni Mama. Agad namang binuksan ni Mama yung pinto.
"Oh hijo! Ang aga mo naman dito? May kailangan ka ba ha? Sige sabihin mo lang. Hihihi" narinig ko namang sabi ni mama. Sino kaya yun at bakit parang kinikilig si Mama?
"Ah good morning po Tita Nora, sinusundo ko lang po si Gabo para po maihatid ko na po siya sa school namen tutal po e parehas lang naman po kami ng pinag-aaralan." O MY GEE!! Si Kuya Rhys nandito? Panu? Bakit? Para naman ako nabilaukan dahil sa narinig ko. Tinapik-tapik naman ako ni Papa sa likod ko.
"Okey ka lang ba anak?" Concerned na sabi ni Papa.
"O-okey lang po." Buti na lang at agad akong nakarecover. Tinuloy ko na lang yung pag-kain ko at pinakinggan ulit sila Mama sa labas.
"H-ha Gabo? Tinutukoy mo ba'y si Gabbi?" -Mama
"Ah opo. Siya nga po"
"Sige tuloy ka sa munting bahay namin. Hihihi. Pag-pasensyahan mo na't madumi ang bahay namin."
"Good morning po Tito Alfonso..." nag-bow naman siya kay Papa. Naibagsak ko naman yung kutsara't tinidor ko dahil sa nakita ko. Kainis naman o ang aga-aga nambubulabog ng bahay. Pero infairness naman may tinatagong galang din pa 'tong nilalang na ito at may pabow-bow pang nalalaman.
"Good morning din hijo. Upo ka muna. Nga pala bakit ka napadalaw?" Mahinahon na sabi ni Papa saka humigop ng kape.
"Ah balak ko po sana iihatid si Gabo-- I mean Gabbi sa school namen tutal parehas lang kami ng pinapasukan." Saad naman neto.
"Ah ganun ba? Teka wala si Axel? Usually naman kase siya yung kasabay lagi ni Gabbi papuntang school niyo e." Okey wala muna akong eksena dito. Epalogs muna ako for this moment.
"Ah nauna na po siya kailangan po kaseng maaga siya ngayon dahil may recollection po yung section nila." Ininom niya naman ang tinimpla ni mama sa kanyang
"Ah ganun ba?" Bumaling naman ang tingin ni Papa sakin. "O siya anak sumabay kay na kay Rhys para hindi ka na mamasahe. Mag-ayos ka na. Wag mo ng pag-hintayin Rhys nakakahiya." Sabi ni Papa sakin. Pinunasan niya na yung labi niya gamit yung table napkin na nasa gilid niya tsaka siya umalis.
"O narinig mo naman siguro si Tito Alfonso? Bilisan mo na baka malate pa tayo!" Utos niya. Inirapan ko na lang siya.
"Sino ba naman kaseng nag-sabi sayo na ihatid mo ako sa school ha?" Mataray kong tanong.
"Wala. Pero kasama 'to sa rules and regulation sa pag-mumove on mo na ako lang dapat ang mag-hahatid sundo sayo kung hindi man ako yung driver na inutusan ko." Sus mga nalalaman ng lalaking ito!
BINABASA MO ANG
Brothers' Clash
Teen FictionThree Siblings fighting for ONE girl? Kamusta naman yun? Haba ng hair ni Ate ah? Siya nga pala si Gabriella Gwyneth Dimaguiba, Gabbi for short--isang mayaman na heredera ng isang malaking kompanya, Maganda, habulin ng mga boys pati na rin ng mga tib...