Chappie 19 >> DA KARATE MASTER

98 6 5
                                    

Gabbi's POV


Tsk. Kainis naman o kakapasok ko lang e pinauwi na agad ako ng Rhys na yan!

Nak ng! meron pa naman kaming quiz ngayon sa  gen. mathematics namin patay na naman ako nan sa maestra namin nyan! shyemets lang.


"O anak wala kayong pasok ngayon?" tanong ni... wait sino to? may nakalagay na kulay green sa muka niya kaya di ko siya makilala. Teka pano siya nakapasok sa bahay namin?! At naka leotards at leggings pa siya a. tsk. iba na talaga ang mga galawan ng mga sindikato dito sa pinas!


Nagkarate pose ako. Pang self defense to mga tol,  buti na lang nanuod ako at nagself study ng karate sa youtube. Sabe na magagamit ko din to.


"Who are you?" sabi ko habang nakakarate pose pa din at iniikutan yung lalaking yun.


"h-huh? Anak wag mo kong pag-isipan ng masama... A-ako to--"

"Shh! WAG KANG MAINGAY! BUDOL BUDOL KA NO!" nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. tsk tsk tsk sabe na! huli ka ngayon. Buti na lang talaga nanunuod ako ng probinsyano at alam ko mga ligtas tips para sa mga sitwasyon na ganto.


"A-anak si--" hahawakan niya sana yung balikat ko pero dahil sabi nga ni Cardo 'Isang tingin. Isang haplos maaari kang mafall sa bitag ng budol-budol'


"Ep ep ep! uulitin ko ang sinabi ko! Who are you?" Iniba ko yung style ng karate pose ko. Yung medyo nakakatakot talaga. Tapos yun patuloy ko pa rin siya iniikutan. 


"TATAY MO KO! ANO KA BA!!" kinuha niya yung face towel dun sa couch namin tapos pinunas niya yung green na nakalagay sa muka niya. Face mask ata yun siguro.


"P-papa?? istatue??" kinurap kurap ko yung mga mata ko.


"oo... hayst." kinuha ni Papa yung dumbbell tapos nag work out.


Napakamot ako sa ulo sabay nagsorry na lang dahil baka makonyatan pa ko sa ulo ni papa at makaltasan pa ng alawans. Hayst bakit naman kase ganun ang get up ni papa ngayon? 


Kakain na nga lang muna ako. Naisip ko kase na maghalf day na lang ngayon. Di naman siguro ako makikita ni Rhys hahaha. Ang talino ko talaga!


*12:45 nn*  

Woohooo! I'm ready to go! ayos na ayos na ko ngayon. konting tumbling na lang e nasa gate na ko ng bahay namin.


"OY! OY! OY!" hindi pa ko nakakalabas ng gate ng may humarang na agad sakin sa labas ng gate namin. 


"Sky? Cloud? Bakit kayo nakapng pulis?" Inayos ni Sky yung shades niya. Tapos nalagay ng props na toothpick sa bibig niya.


"Sorry Gabbi. Sumusunod lang talaga kami sa protocol nung chonggong Rhys na yun e." sabi ni Cloud. Narinig ko na may binulong pa si cloud tungkol sa reklamo niya dahil ata sa may lilinisin pa silang banyo ng bahay nila.


"yaan mo na bro. pwede naman nating linisin yun mamaya e. Nagpaalam naman ako kay Mom" pinat pa ni Sky si Cloud. Bleeh! ang bromance di ko kaya to!


Tumikhim naman ako para mapansin nila na nandito pa ko. Epektib naman dahil napalingon sakin si Sky.


"Ah eh Gabbi sorry talaga ha? protocol lang ni rhys e... babawi na lang kami next time sayo." Magwawala pa sana ako pero naisip ko na magaaksaya lang ako ng energy. Naisip ko na kay Rhys ko lang dapat ibuhos ang galit ko. kawawa naman kase tong dalawang ugok na to. Basta for now mag papraktis muna ako ng pagkakarate hanggang sa mapagod yung dalawa sa pagbabantay tapos dun na ko sisibat. 


Pumasok na lang ulit ako sa bahay sabay nagpraktis.


Ilang oras na ang nakalipas at sinilip ko yung kambal. Boom panes lang dahil  nandun pa din sila. Mukang nageenjoy pa nga ata dun sa jengga na nilalaro nila. Hayst! wala na talaga akong maabutan sa mga subjects ko! kainis!


Naghintay pa ko ng mga ilang minuto pero wala pa ding natitinag dun sa dalawa. No choice na talaga ako. Sinasagad na ko ng Rhys na yan! Tatawagan ko na lang siya ng magkaalamanan na! HUMANDA SIYA DAHIL KAKARATEHIN KO HMP!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Brothers' ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon