Chappie 13 >> Great Love

105 5 0
                                    

 

[a/n: Medyo sinipag kaya nakapag-update.. hahahah... VOTE  AND COMMENT kayo ha!!! K read read na!! Woosh!]

 

 

Chappie 13 

Great Love

 

Nasa bagong matutuluyan na namin kami sa maynila. Hindi ito yung dating apartment na tinutuluyan namin mas malaki siya ng konti pero mas malayo ang lalakarin papuntang school. 

 

Kating-kati na ang mga kamay ko para itext o tawagan sila Yen-yen at Axel at ipaalam sa kanila na nandito na ako kaso lang hindi 'yon sasangayon sa plano kong surpresahin sila. Oo tama kayo may plano talaga aking surpresahin sila pero pinag-iisipan ko pa ito kung sa school ko ba sila susurpresahin o sa kani-kanilang bahay. Siguro sa school na lang hindi ko kasi alam ang bagong bahay nila yen-yen e. Balita ko kasi may bago na daw silang nilipatan ng bahay. Teka pansin ko lang ang hilig ni Author sa mga eksenang lipatan ng bahay noh? Hahaha biro lang Ms. Author! Mahirap na baka damdamin mo ang sinabi ko at baka bukas makalawa patayin mo na ako sa storyang ito.. huhuhu ayaw ko po non. 

 

Okey back to the story. Inayos ko na yung mga gamit ko sa kwarto ko. Lagay dito. Patong doon. Suksok diyan. Tiklop dito. 

 

Bumulagta na ako sa kama ko pag-katapos kong ayusin yung mga gamit ko. Woosh! Kapagod! Bukas pa ang first day ko kaya kailangan ko bumawi ng energy. Di ko na nakayanan mag-palit pa ng damit dahil unti-unti na akong nakaramdam ng antok. 

 

 

 

***

 

 

 

Maaga akong nagising dahil nasa mood akong pumasok at para hindi na rin lagi akong late. Tuwing dumadating kasi ako sa dati kong school ay lagi na lang ♬Ang mamatay ng dahil sayo~♪ na lang ang naabutan ko. Kaya laging sa Discipline office ang bagsak ko buti na nga lang hindi ako natatanggal sa top e. 

 

"Sige po Ma, Pa aalis na po ako" nag-mano na ako sa kanila saka ako nag-lakad papuntang pintuan.

 

"Ingat ka anak! Huwag mong papabayaan ang sarili mo!" -Papa

 

"Kainin mo yung baon mo! Kapag nagugutom ka kumain ka kapag may titser pumasimple kang kumain basta huwag mong papayaan ang sarili mong magutom!" -Mama

 

"Okey po Ma Pa!" Tuluyan na kong umalis at baka malate pa ako.

 

 

 

Nung lumabas na ako ng bahay laking gulat ko sa nakita ko.

 

"R-Rhys?!" Nakasandal siya dun sa kotse niya saka ngumiti sakin.

 

"Long time no see, Gabo!" Hindi pa din siya nag-babago pwera na lang dun sa laging nakatas niyang buhok na ngayon ay naka baba na. Napansin ko din na may malaki siyang eyebags ngayon.

 

"Paano mo nahanap ang bahay namin?" Tanong ko.

 

Brothers' ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon