MATAPOS gamutin ng isang manggagamot na nakatalaga sa loob ng hacienda ng mga Vergara si Ellah ay naging maayos narin ang pagtulog nito. At nang tingnan ng binata ang maamo nitong mukha ay hindi niya maiwasang hindi haplosin ito. Maingat na gumalaw ang mga kamay niyang humaplos sa mukha ng dalaga na payapang natutulog.
Mga ilang minuto rin niyang pinagmasdan ang mukha ng dalaga bago siya nagpasyang iwanan muna nila ito. At dahil sa may kalayuan rin ang hacienda nila sa Manila ay nakaramdam siya ng gutom. Kaya agad niyang hinanap ang kapatid niya at inayang kumain. Agad silang pumunta sa hapag kainan ng kapatid upang makakain.
At ng matapus kumain ang magkapatid ay agad nilang ipinasya na magpahinga na tutal ay gabi na rin. Agad na tinungo ni AD ang magiging kwarto niya at ang binata naman ay agad itong pumasok sa kanyang silid kung saan si Ellah na mahimbing paring natutulog.
Agad na pumasok sa loob ng banyo ang binata at naligo para marefresh ang katawan niya at utak. Hindi rin naman nagtagal ay natapus siyang maligo. Kaya agad niyang tinungo ang kinalalagyan ng mga damit niya at kumuha doon ng boxer short niya at dali-daling isinuot. Kumuha rin siya ng puting pajama na tinirnuhan niya ng black sando at isinuot ito. Matapus magbihis ng binata ay bahagya namang gumalaw si Ellah at pailing-iling ang ulo nito't umiiyak.
"T-tamana na po, p-parang awa niyo na tama-na na po." Anang natutulog na Ellah habang umiiling itong umiiyak.
Dahil sa nakikita ng binata ay agad niya itong tinabihan sa pagkakahiga at niyakap sabay hagud nito sa ulo ni Ellah. "Ssssshhh! Your safe baby, don't cry." Hindi naman nagtagal ay muli na itong natulog. Kaya hinayaan na lang ng binatang nakaunan si Ellah sa kanyang braso habang nakayakap ito sa kanya hanggang sa lamunin na rin siya ng antok.
MGA hating gabi na ng magising si Ellah. Ng imulat niya ang kanyang mga mata ay agad na bumungad sa kanya ang binatang nakayakap sa kanya. Dahil nakabukas ang lamp shade sa gilid ng kama ay malayang napagmasdan ng dalaga ang mukha ng tulog na binata. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mapaluha kung hindi siguro siya nakasakay sa sasakyan ng binata ay malamang baka patay na siya ngayon dahil sa sakit na iniinda niya.
Naramdaman naman ng binata ang bahagyang pagyugyog ng balikat ni Ellah kaya agad siyang nagising at bumungad sa kanyang umiiyak ito. "Hey! umiiyak kana naman. Please stop crying, don't worry your safe now." Anito sa dalaga.
"I'm sorry. Nagising tuloy kita." Hinging paumanhin nito habang hindi niya kayang salubungin ang mata ng binata.
Napangiti naman ang binata ng hindi niya alam kung bakit. "It's okay! Nagugutom ka ba at ikukuha kita ng makakain mo sa kusina?" Tanong ng binata dito ngunit umiling lang si Ellah bilang sagot.
"Hindi ako nagugutom," mahina nitong aniya. "Uhm! Thank you nga pala sa pagtulong sakin. At alam kung mukhang kalabisan na ang ginawa mong pagtulong sakin ngayon, baka nakaabala na ako sa'yo," saad nito.
"Pero, don't worry kapag naging maayos na ang pakiramdam ko ay kahit na anong ipapagawa mo sakin ay gagawin ko. Makabayad man lang ako ng utang na loob sa ginawa niyo sakin ng kapatid mo. Isang bagay lang hihilingin ko sana sayo ang wag mo sana ako palayasin dito. Dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta." Kagat labi nitong saad sa binata sabay yuko niyo ng ulo dahil sa hiya.
"Hindi naman kita sinisingil ah! At isa pa hindi na kailangang manilbihan ka pa para manatili ka dito. You can stay here hanggang kailan mo gusto." Ani Alex sa dalaga. Napaangat naman ang mukha ni Ellah at tiningnan niya ang mukha ng binata kung seryoso ba ito.
"Sige na matulog kana ulit ng mabilis kang gumaling." Ani Alex na nakangiti. At dahil sa mga pasang natamo ni Ellah sa likod ay nangyaring nakahiga siyang paharap sa binata. Naiilang tuloy siya pero wala naman siyang pagpipilian.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)
RomanceALEX CLYN VERGARA(GSB-1)-The leader of GANGSTER SQUAD BOYS(GSB). Tahimik at seryoso sa lahat ng magkakaibigan. Bihira lang kung makipagbiruan sa mga ito. Written By:WILD AMBER