Chapter 16

32.7K 919 22
                                    

DAHIL na nangyari sa mag-inang Gretha at Trisha ay balik pulubi ang dalawa. Sa isang mumurahing apartments lang silang tumutuloy na mag-ina.

"Oh! Madam Gretha, saan tayo ngayon kukuha ng pera upang ibili ng makakain natin?" Sakrastikong turan ni Tresha sa ina.

"Kung wala kang mabuting sasabihin o gagawin dyan Trisha para magkapera tayo ay mabuti pang manahimik kana lang kung pwede." Naiinis na saad ni Gretha kay Trisha.

Agad iniwan ni Gretha si Trisha at agad itong pumasok ng kanyang silid. Dahil kung kasama niya ang anak ay hindi siya makapag-isip ng maayos. Laging ginugulo lang nito ang isip niya. Palpak na nga ang mga plano niya ay dinadagdagan pa ng tanga niyang anak.

Ngingiti-ngiti namang nakaupo si Trisha ng iwan siya ng kanyang ina. "Magbubuhay reyna ulit ako, i'll promise that. Makakaapak ulit ako sa tahanan ng mga Vergara. At magiging donya Vergara ako sa susunod na mga araw." Natatawa nitong aniya sa isip.

"Akala mo magiging masaya kana Ellah, nagkakamali ka. Makikita mo kung ano ang gagawin ko sa inyo." Ani Trisha sa isip.

"Tingnan natin kung hindi ka masisiraan ng bait sa kahahanap ng anak niyo kung sakaling nawala ang isa sa mga ito." Saad ni Trisha sa isip sabay ngiti nito ng malademonyo.

"Kapag nangyari yun ay ikaw naman ang isusunod kung aalisin sa buhay ni Alex, Ellah. Napasaakin na siya noon at mapapasakin din siyang muli." Kumpyansang anito sa isip. Ani mo'y nakikita na niya ang tagumpay sa kanyang isip.

Agad na kinuha ni Trisha ang tawagan nito at may tinawagan siya doon. Hindi rin naman nagtagal at sumagot ang nasa kabilang linya.

"Oh! Napatawag ka atah Trisha, do you miss me?" Mapang asar na anang boses lalaki sa kabilang linya.

"May ipapatrabaho ako sa'yo." Deritsahan nitong aniya sa kausap.

"Ahah! I like that, my bed is waiting for you baby." Anang kausap niya na natatawa. Daig pa ng kausap niya ang nakahit-hit ng shabu sa tawa dahil sa pagtawag ni Trisha.

"Fine, pupunta ako dyan. But make sure na gagawin mo ang ipapatrabaho ko sa'yo." Saad nito sa kausap.

"At ano naman ang ipapatrabaho mo sa'kin?" Curious na tanong ng lalaki. "Sasabihin ko kapag nadyan na ako." Anito sa kausap.

"Okey! sure baby, kailan ba kita tinanggihan, basta ba galingan mo ang paggiling dito sa kandungan ko. Why not na hindi kita pagbibigyan sa gusto mo. Kahit anong ipapatrabaho mo ay gagawin ko basta ba masiyahan din ako sa serbisyo mo sa'kin." Ang nakangising turan nito kay Trisha.

"Ang dami mong sat-sat." Reklamo dito ni Trisha na kinatawa lang ng lalaki.

"Come on, nagsasabi lang ako ng totoo." Anito kay Trisha. "Whatever, sige magbibihis lang ako at papunta na dyan." Saad nito bago pinatay ang tawagan.

Matapus ang pag-uusap nila Trisha at ang lalaki ay bigla naman tumunog ang tawagan nito. Kunot noo itong napatingin sa screen ng phone niya dahil unknown number ang nakarehistro doon. Kaya sigurado siyang hindi si Trisha ito.

"Hello, who is this?" Nagtatakang tanong ng lalaki.

"No need to know who I am. May business lang akong iaalok sa'yo." Anang nasa kabilang linya.

Natawa naman ang lalaki. "Your funny dude, wag ako ang pinagluluko mo." Saad nito sa kausap.

"Hindi ako nakikipaglukuhan sa'yo. At alam ko ang bawat galaw mo, sa isang maling galaw mo lang ngayon ay sasabog yang bungo mo." Anang nasa kabilang linya. Agad naman nahagip ng mata ng lalaki sa harap ng salamin ang pulang dot sa kanyang noo. Kaya biglang nakaramdam ng kaba ang lalaki.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon