WALANG kaalam-alam si Trisha sa maaring kahantungan ng plano niya. Hindi nito alam na mahuhulog pala siya sa isang malaking patibong.
Napagkasundoan nilang magkakaibigan ang dapat nilang gawin upang tuluyan ng hindi makapanggulo pa si Trisha. At isang plano ang nabuo nilang maglalagay kay Trisha sa dapat niyang kalagyan.
Matapus makipag usap ni Trisha sa inaakala niyang tutulong sa kanya ay kay lapad ng mga ngiti nito. Ang plano nito ay ang lalaki ang gagawa ng binabalak niya hanggang sa makumbinse rin siya ng lalaki na back up lang ito dahil mahirap kumilos ang lalaki sa loob ng hospital kung nasaan si Ellah kasama ang mga anak nito.
Kaya ng makumbinse ng lalaki si Trisha ay agad silang nagtungo sa hospital. At walang kaalam alam itong isang patibong lang pala ang lahat.
Alam nilang mapanganib ang gagawin nila para sa gagawin nilang patibong kay Trisha dahil ang kaligtasan ng isa sa mga anak ni Alex ang nakataya. Kaya lahat sila ay sinigurong hindi mapapahamak ang anak ni Alex.
Hinayaang makatulog ni Alex si Ellah ayun narin sa plano nila. Ng masiguro niyang tulog na ito ay hinalikan muna niya ang kanyang mag-ina bago siya lumabas ng silid. Sa labas naman ng silid ni Ellah naghihintay ang kunwaring kakuntsaba ni Trisha sa plano niya. Tinanguan ito ni Alex bilang go signal na sisimulan ang plano nila. Tumango rin ito bilang sagot kay Alex.
"Trisha, nasaan kana? Magmadali ka at walang kasama ngayon si Ellah sa kwarto niya at tulog siya. Pumunta kana dito habang maaga at tulog pa ito."
Text ng lalaki kay Trisha na agad naglakad. Sa lobby ng hospital niya hihintay kuno si Trisha.
"Humanda ka Ellah at tingnan natin kung hindi ka mababaliw ngayon kapag nawala ang isa sa mga anak mo." Ani Trisha sa isip habang nagmamadali siyang maglakad patungo sa silid ni Ellah.
"Mga bro, maghanda kayo dahil papunta na si Trisha ngayon sa kwarto ni Ellah."
Ani Dave gamit ang mini microphone na nakakabit sa kanilang mga tainga. Nasa CCTV area kasi si Dave kaya kita niya ang bawat galaw ng mga taong naroon sa hospital.
Agad na pumasok si Trisha sa kwarto ni Ellah na nakangiti. "Ang ganda ng pagkakatulog mo ha! Paggising mo ay iiyak kana at mababaliw sa kakahanap ng anak mo. Kawawang Ellah laging talunan. Ako parin ang magwawagi Ellah." Anitong hindi alam ay may nakadikit doon na mini microphone kaya recorded ang bawat pinagsasabi ni Trisha.
"Kawawang mga bata, paghihiwalayin ko muna kayo. I hate kids kaya ayaw ko rin naman sa inyo kung sakaling mapasakin na ang ama niyo. Gagawa at gagawa rin ako ng paraan para mawala kayo. Dahil magiging kahati ko lang kayo at yun ang ayaw ko." Saad niya sa natutulog na mga sanggol.
Dahil naka-on ang mini microphone sa kwarto ni Ellah ay dinig nilang lahat ang pinagsasabi ni Trisha. Kaya naghanda ang bawat isa sa susunod na hakbang gagawin nito. Nakahanda rin ang team ng NBI na tutulong sa kanila. Pinamumunuan ni Renan at Brexx ang team ng NBI na huhuli kay Trisha.
Agad kinuha ni Trisha ang dala niyang bag na bitbit niya pagpasok sa silid ni Ellah. Tinanggal nito ang nasa loob nun. Matapus niyang tanggalin ang laman ng bag ay nakangiti ito ng malademonyo na kinuha niya ang isa sa mga sanggol at inisilid niya sa bag.
"Hays! swerte mo kung may makakapulot sayo at aalagaan ka." Anito sabay sara ng bag.
Habang si Alex ay nagpipigil ito na wag niya masugud si Trisha. Nilukob ng matinding galit ang binata dahil sa kasakiman ni Trisha at ambisyon. Maging isang musmus ay dinadamay niya.
Matapus mailagay ni Trisha ang isang sanggol ay natatawa ito na naglakad palabas ng silid ni Ellah. Bitbit nito ang bag na nilisan niya ang naturang kwarto. Wala itong kaalam-alam sa paligid niya. Ang akala niya ay matagumpay na ang plano niyang pagtangay sa anak ni Alex at Ellah.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)
RomanceALEX CLYN VERGARA(GSB-1)-The leader of GANGSTER SQUAD BOYS(GSB). Tahimik at seryoso sa lahat ng magkakaibigan. Bihira lang kung makipagbiruan sa mga ito. Written By:WILD AMBER