HABANG nakatanaw sa kawalan si Alex ay hindi niya maiwasang hindi maalala ang nakaraan. Kung paano siya niluko noon ng naging girlfriend niya. Kaya mula noon ay naging mailap na rin siya sa mga babae. Laging alak ang kasama niya kung naaalala ito. At sa mga taong dumaan ay naroon parin ang galit at poot niya sa ex-girlfriend niya.
Napukaw lang ang malalim na pag-iisip si Alex ng biglang tumunog ang tawagan niya. Agad naman niya itong sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hello! Napatawag ka bro?" Bungad niya dito.
"Nasaan ka ngayon bro?" Anang isa sa halip na sagutin nito ang tanong niya. "Nandito ako sa hacienda bro. Why?" Takang tanong niya sa kausap sa kabilang linya.
"I see."
"May problema ba?" Kunot noo niyang tanong dito. "Oh! Wala naman bro. Pero, napatawag ako dahil gusto ko lang sabihin sayo na gusto kung nandito ka sa magiging special na araw ng buhay ko. Magpapakasal na kami ni Jham." Anang kausap niya sa kabilang linya na mababanaag mo dito ang saya.
"Whoaahh! Seryoso kana talaga Alexander Javier II?" Nakangiti na nitong tanong sa kaibigan.
"Oo, bro bago ko pa mabuntis. Ang hirap magtimpi lalo na kung nasa tabi mo parati, nakakasakit sa puson. Kung hindi ko lang mahal ay baka matagal ko nang narape but I love her since we are young that's why I respect her." Anang kaibigan niyang mas kilala sa tawag na X. Hindi rin niya alam kung bakit yun ang biglang tinawag dito ng mga kaibigan niya noong nasa grade school pa sila. Ang katweran nila ay dahil magkatunog daw ang pangalan nilang dalawa kaya gusto nila itong maiba.
"Kaylan ba ang wedding X?" Maya ay tanong niya dito. "Next day na bro." Sagot ni X sa kanyang kinailing niya. Hindi parin talaga nagbabago ito, siya parin si X na laging apurado kung mag-isip. Kung ano ang maisip ay agad-agad niyang ginagawa.
"Okay! Bro. I'm coming." Naiiling nitong aniya sa kausap. Para naman itong nanalo sa laro na dinig ni Alex sa kabilang linya dahil malakas itong nagsisigaw ng yes-yes. At kung nakikita lang ito ni Alex ay may pasuntok-suntok pa ito sa hangin.
"Sige bro, asahan ko yan." Ang masayang ani X sa kanya. Natatawa na lang siya sa kaibigan. Sino ba siya para tanggihan ito. Isa rin ang kaibigan niya sa gumulpi kay James noon ng malaman ng mga ito ang ginawang panggagago nila sa kanya.
At hindi rin naman nagtagal ay nawala na rin sa kabilang linya ang kausap ng magpaalam ito sa kanya. Napabuntong hininga na lang siyang naiiling matapus ang pakikipag-usap niya kay X.
Halos isang oras din ang lumipas bago niya pinasyang magpahinga na dahil kailangan niyang lumuwas ng Manila kinabukasan.
SAMANTALA parang nakamega phone ang umaalingaw-ngaw na boses sa loob ng malaking bahay. Pero, sanay na ang mga taong nakatira dito. Kilala na nila ang tao ito na mahilig sumigaw, daig pa nito ang walang pinag-aralan kung makaasta.
"Ellaaaahhhhhh."
"Ellah. Ang kabayo. Tinatawag ka." Mabilis na imporma ng mga kasama ni Ellah sa kanya. Kaya mabilis itong kumaripas ng takbo.
"A-ano yun, Trisha?" Humihingal na tanong ni Ellah ng makalapit siya sa taong tumatawag sa kanya.
"Clean my room." Utos ni Trisha ditong pakinding kinding na lumabas ng kwarto niya. Sa tingin ni Ellah ay lalabas na naman ito. Napailing na lang si Ellah sabay hinga niya ng malalim.
"God please help me." Taimtim niyang naiusal.
Agad na nilinis ni Ellah ang kwarto ni Trisha ayon sa ipinag-uutos nito sa kanya. At habang ginagawa niya yun ay hindi niya maiwasang hindi maiyak. Noon ay buhay prinsesa siya dahil may gumagawa ng mga gawaing bahay sa bahay nila. Ang lahat ng ginagawa niya ay hindi niya ito gawain noong nabubuhay pa ang mga magulang niya dahil mayron gumagawa nito para sa kanya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)
RomanceALEX CLYN VERGARA(GSB-1)-The leader of GANGSTER SQUAD BOYS(GSB). Tahimik at seryoso sa lahat ng magkakaibigan. Bihira lang kung makipagbiruan sa mga ito. Written By:WILD AMBER