Chapter 12

35.7K 924 9
                                    

NAGTATAKANG nakamata si Ellah kay Alex habang nasa daan sila. Ang akala nito ay sa hospital sila pupunta ng binata pag-alis nila ng bahay. Pero ang daang tinatahak niya ngayon ay hindi ang daan papuntang hospital.

"Where we going?" Taka nitong tanong nito kay Alex na agad lang ngumiti sa kanya.

Ng ihinto ni Alex ang sasakyan ay agad napansin ng dalaga ang malaking shopping mall sa harapan nila. Agad inipark ng binata ang sasakyan nila bago ito lumabas ng sasakyan. Ng makababa ng sasakyan ang binata ay agad niyang ipinagbukas ng pinto ang nobya. At maingat niya itong inalalayang makababa ng sasakyan.

"Anong gagawin natin dito?" Taka paring tanong ni Ellah sa kanya. Agad lang hinalikan ni Alex ng mabilisan sa labi ang dalaga bago niya ito inakay papasok sa loob ng mall. Dahil ayaw naman sagotin ni Alex ang bawat tanong niya ay nanahimik na lang siya.

"Oy! Diba si Alex Vergara yan?" Dinig ni Ellah na anang dalawa babaeng nadaanan nila. "Oo, siya nga." Sagot ng kasama nito.

Bawat nakakakilala sa binata ay pinapasin nila ito kaya nakaramdam ng pagkailang ang dalaga. Samantala ng binata ay kampanti lang itong naglalakad na tila sanay na sa ganung bagay sa paligid niya. Nakapulupot ang kamay ni Alex sa baywang ni Ellah habang naglalakad silang tila walang pakialam sa mga babaeng nagpapacute sa kanya. Kaya lihim na napangiti si Ellah.

'He's mine. Kaya sorry na lang kayo, girls.' Anang isip niya.

Sa mga gamit ng baby agad dinala ni Alex si Ellah na kinailing nito. Dahil nahuhulaan na niya kung bakit sila naroon ng nobyo. Ngunit sa gitna nito ay masaya siya dahil kita sa mukha ng binata ang excited na makita ang magiging anak nila.

Agad na namili ng gamit si Alex at puro panglalaki ang kinuha nito. "Alex. Bakit puro pangbaby boy ang mga yan?" Nakangusong tanong ni Ellah kay Alex.

Ngumiti naman ito sabay halik niya sa noo ni Ellah. "Dahil sigurado na akong baby boy ang magiging baby natin." Sagot nito sabay kindat kay Ellah.

"Paano kung baby girl ang magiging baby natin?" Muli nitong tanong. "Eh! Di bibili rin tayo ng pangbaby girl para kung baby boy ang baby natin ay ready na ang gamit niya. At kung baby girl naman ay ready na rin ang gamit ng prinsesa natin." Anitong inumpisahang mamili ng gamit para sa baby girl.

Ang mga sales lady namang naroon ay napapangiti na lang sila kay Alex. At dahil sa nakaramdam ng pagud si Ellah ay ipinasya na lang nitong maupo sa loob ng shop for babies. Hinayaan na niya ang nobyo sa pinaggagawa nito dahil alam naman niyang hindi ito mapipigilan sa gusto niya.

"Ang swerte mo sa asawa mo." Kumento ng isang babae na may kalakihan narin ang tiyan nito.

"Huh?"

Gulat naman na napatingin dito si Ellah.

"Alam mo ang asawa ko, ito malapit na nga ako manganak pero ni isang gamit para sa magiging anak namin ay wala siyang nabili. Sa paggawa lang siya magaling," anang babae na nakatingin kay Alex.

"Mabuti pa ang asawa mo, halos bilhin na ang buong laman ng baby shop para sa magiging baby niyo. Kahit hindi pa niya alam kung ano ang magiging gender nito, mukhang excited na siyang maging isang ama." Dagdag ng babae.

"Excited na nga po siya masyado na maging daddy. Gusto narin kasi niyang may tatawag sa kanya daw ng daddy. Ang twin brother kasi niya ay may anak narin. Kaya gusto niya pati siya may anak narin." Nakangiti namang ani Ellah.

"Diba po isang Vergara yang asawa niyo. I'm sorry po kung nakikiusisa po ako." Anang isang sales lady.

Bahagya naman itong nginitian ni Ellah. "Oo, miss. Siya si Alex Clyn Vergara the son of Mr. Aljhon Clyn Vergara." Ani Ellah ditong nakangiti.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon