Chapter 5

37.6K 1.1K 38
                                    

LUMIPAS ang mga araw ay makikita mo ang kasiyahan sa mukha ni Ellah na dati ay puno ng takot. Dahil sa ipinaparamdam ni Alex dito ang lahat na wala siyang dapat ikabahala habang kasama niya ito.

Maagang nagising si Alex kaya dahan-dahan nito tinanggal ang kamay ni Ellah na nakayakap sa kanya. Ng tuluyan niya itong matanggal ay agad siyang bumaba ng kama at bahagya pa niyang binalingan ang dalagang tulog sabay haplos nito ng maamong mukha ni Ellah bago ito nagtungo sa loob ng banyo.

Nang magising si Ellah ay nakabihis na si Alex kaya napangiti itong nakatingin sa binata. "Good morning my lady." Nakangiting ani Alex ng maramdaman niyang gising na ang dalaga at nakatingin ito sa kanya.

"Good morning too. Pwedi bang sumama ulit sayo sa farm?" Ani Ellah sa binata kaya agad na lumapit dito si Alex. "Are you sure na gusto mong sumama? Magpahinga kana lang muna ngayong araw at bukas kana lang ulit sumama." May pag-aalalang anito sabay halik niya sa kamay ni Ellah.

"Okay! lang ako, kaya wala ka dapat ipag-alala. I'm good now, dahil magaling ang doctor ko." Nakangiti nitong aniya. "At isa pa wala na akong kakwentuhan, wala na dito ang sister mong makulit na, pilya pa. May pupuntahan daw kasi siya ngayon." Dagdag pa nito.

"Okay! Sinabi mo eh!" Iiling-iling nitong pagsuko sa dalaga. "Sige! hihintayin kita." Kaya nagmadaling bumangon si Ellah.

"Thank you." At sabay halik niya sa pisngi ni Alex saka nagmadali itong pumasok ng bathroom. Napakamot na lang ng batok ang binata dahil sa inasta ni Ellah. "Baby! hihintayin na lang kita sa baba." Sigaw ni Alex sa labas ng pinto.

"Okay!" Sagot ni Ellah sa loob ng bathroom.

Agad na nagtungo sa malaking sala ang binata upang doon hintayin si Ellah. "Magandang umaga iho." Bati sa kanya ng isa sa mga nakakatandang katiwala sa loob ng mansyon.

"Magandang umaga rin po." Nakangiti nitong tugon.

NANG marating nila Alex at Ellah ang ibang bahagi ng farm sa hacienda ng mga Vergara ay pagkamangha ang lumarawan sa mukha ng dalaga. "Wow! Ang ganda dito, lalo na ang tanawin. Sariwang hangin at tahimik dahil malayo sa syodad na puro ingay ng sasakyan ang maririnig mo." Naibulalas ng dalaga na nakangiti.

"So, you like here?"

Isang tango lang ang itinugon ni Ellah sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa beywang ng binata at hinilig niya ang ulo nito sa balikat ni Alex.

"Thank you Alex."

"Thank you for what?" Taka naman nitong tanong.

"For everything, nagkaroon ng pag-asa ang buhay ko para tumayong muli mula sa pagkakalugmok sa lupa. Binigyan mo ng pag-asa upang lumaban at harapin ng walang takot ang nag-aambang pagsubok na darating." Anito sabay punas niya ng butil ng luhang kumawala sa kanyang mga mata.

Agad namang hinarap ng binata si Ellah at ikinulong nito ang mukha ng dalaga sa kanyang mga kamay. "Dumating ka sa buhay ko at pinunan mo ito, binigyan mo ng kulay ang madilim kung mundo. You change everything in my life. Kaya ayaw kong mawala ka pa sa buhay ko, ngayon, bukas at kaylan man. Your my everything now Ellah. Kaya ang laban mo ay laban kuna rin at kung sino man ang magtatangkang saktan ka ulit ay hindi ako mangingiming gamitin ang kakayahan ng isang Alex Vergara," seryoso nitong aniya.

"Walang sino man ang pweding manakit sa'yo dahil dadaan muna sila sa mga kamay ko bago ka nila masaktan. At kung ang mga ari-arian na naiwan ng magulang mo ang kinakatakot nilang mawala sa kanila, kaya gusto ka nilang mawala sa landas nila pwes isaksak mo sa baga nila. Dahil kaya kong tumbasan ang mga yun, wag ka lang masaktan at mapahamak." Madamdamin nitong aniya kay Ellah.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon