Chapter 4

40.1K 1K 8
                                    

KINABUKASAN ay masayang Alex ang bumungad kay Aslea Dennisse. At maging sa mga katiwala ng mansyon sa hacienda ng mga Vergara na ipinagtaka nilang lahat.

"Good morning baby Princess." Bati nito sa bunsong kapatid na nakamata sa kanya sabay halik niya dito sa buhok. "G-good morning too kuya. Masaya atah! tayo dear brother?" Ngunit sa halip na sagutin niya ito ay ginulo lang ni Alex ang buhok niya sabay pisil sa pisngi ng kapatid.

"I need to go. Be a good girl here okay! Kailangan kung pumunta sa farm. Dahil baka naghihintay na sila sakin ngayon sa pagharvest ng palayan. Pakitingnan mo lang ang ate Ellah mo and don't let her to do something and you too.  Don't do silly thing here okay." Sabay yakap niya sa bunso niyang kapatid at pinaghahalikan ang buhok nito.

"I will kuya, but you din't eat your breakfast yet." Ani Aslea Dennisse sa kuya niya. "It's okay! doon na lang ako kakain sa farm. I'm sure naghanda na sila doon." Anitong nakangiti.

"Okay! Sinabi mo eh!" anito. "Oh! take this one, mainit pa yan ng mainitan ang tiyan mo habang hindi ka pa nag-aalmusal." Sabay abot ni AD ng mug ng coffee kay Alex. At agad naman itong inabot ng binata sabay higop niya dito.

"Thanks baby Princess." Nakangiti nitong aniya sa kapatid.

Nang makaalis ang binata ay nagkatinginan naman sina Aslea Dennisse at ang mga katiwala sa malaking bahay. "Hala! Nanay Norma ano pong nangyari kay kuya Alex. But po ang lapad ng ngiti niya today?" Nagtatakang tanong niya sa matandang katiwala.

"Naku! hindi ko rin alam hija. Dahil sa tagal ng pagtira niya dito ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti." Ang nagtataka rin namanng tugon ng matanda sa kanya.

"I think may something si kuya at ate Ellah." Ani Aslea sa isip. "Sige po Nay puntahan ko lang po si ate Ellah, pakihanda niyo lang po ang pagkain for breakfast." Ani Aslea na nakangiti bago umakyat kung saan ang kwartong gamit ng kuya niya.

NAGISING naman si Ellah na magaan ang pakiramdam niya. At hindi na nito masyadong nararamdaman ang kirot sa likod niya. Agad niyang iginala ang paningin at napagtanto nitong wala na doon ang binata. Kaya pinilit niyang bumangon at hinanap ang paliguan sa kwarto ng binata. Ng makita niya ang bathroom ay agad siyang pumasok dito at nagpasyang maligo.

Ng pumasok naman si AD sa loob ng kwartong gamit ng kuya niya ay agad niyang hindi nakita dito si Ellah. Kaya mabilis niyang iginala ang mga mata sa loob. Ngunit agad din siyang nakahinga ng maluwag ng marinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa loob ng bathroom. Kaya agad siyang lumabas at tinungo niya ang kanyang kwarto. Agad siyang kumuha ng damit niya upang ipasuot ito kay Ellah. Ng makita niya ang bulaklaking blusa na hanggang tuhod ang haba ay agad niya itong kinuha. Sinamahan rin niya ito ng damit panloob. Bago siya muling bumalik ng kwarto ng kuya niya. Pagdating niya dito ay hindi parin tapos maligo si Ellah. Kaya inilapag na lang niya ang mga damit sa ibabaw ng kama at muling lumabas ng naturang silid.

Paglabas ni Ellah ay agad niyang nakita ang damit sa ibabaw ng kama kaya napangiti siyang dinampot ito at isinuot. Agad niyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang gamit ni Alex. Ng masipat niya ang sariling maayus na ay saka siya lumabas ng kwarto ng binata.

"Magandang umaga po ma'am." Bati sa kanya ng nakasalubong niyang katiwala sa malaking bahay. Isang ngiti lang ang sinagot niya dito at tuloy-tuloy na bumaba. Pagdating niya sa malaking sala ay agad niyang nakita dito si Aslea Dennisse na nakaupo habang hawak-hawak nito ang note pad niya.

"Ehmmm! Good morning." Bahagya pa siyang tumikim upang agawin ang atensyon ni AD sa ginagawa.

"Oh! Hi ate Ellah, good morning too." Agad naman nitong inilapag ang hawak niya at tumayo. "Tara sa dinning area ate ng makakain tayo. Breakfast is ready." Sabay akay niya kay Ellah.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon