HALOS hindi nila alam ang gagawin matapus ipasok sa emergency room si Aslea Dennisse. Maging ang ama nila Alex ay halos hindi makausap ang ginoo. Ang kanilang ina naman ay nawalan ng malay ang ginang matapus nitong marinig ang nangyari sa kanyang anak. Halos kauuwi lang nila ng matanggap nila ang tawag tungkol sa ginawang pagkidnap sa nag-iisa nilang anak na babae kaya napasugud muli sila sa hospital.
"Boss, may nahanap na akong heart donnor." Anang kararating lang na si Dave kay Frank. Ang lahat naman ay napatingin dito.
"Tito, mabubuhay po si AD i'll promise that." Ani Frank sa daddy nila Alex. Hindi na ito makausap, walang salitang namutawi sa bibig nito tanging sapo nito ang kanyang mukha habang nakaupo. Kaya agad itong inalalayan ni Alex at Axel.
Agad na kinausap ni Frank ang mga doctor at sinabing may nahanap na silang heart donnor para kay AD, kaya agad nila itong sinuri kung pwedi ba itong ipalit sa puso ni AD. Bawat minuto ay hinahabol nila maisalba lang ang buhay nito. Kaya makalipas ang ilang oras na pagsusuri ay positive ito at maari nga nilang ipalit sa puso ng dalaga. Kaya walang sinayang na oras ang mga doctor at inihanda nila ang lahat upang isagawa ang opirasyon para kay AD.
"Everything will be fine." Ani Frank sa mga ito. "Kailangan lang po namin ang authorized sign ng magulang ng patient sa isasagawa naming opirasyon." Anang nurse na lumapit sa kanila. "Dad, please sign here." Ani Axel sabay abot nito ng papel sa ama. Agad naman itong sinunod ng ginoo.
Halos walang sinayang na oras ang mga doctor matapus nilang makumpermang healthy at match ang nahanap na heart donnor for Aslea Dennisse. Agad nilang isinagawa ang opirasyon para dito.
DAHIL sa narinig ni Trisha ang nangyari sa kapatid nila Alex ay agad itong sumugud sa hospital kung saan naka confined si Aslea Dennisse. Agad na nagkatinginan ang magkakaibigan ng makita nila ito.
"Hi." Anito kay Alex ng makalapit siya sa binata.
Isang tango lang ang sinagot dito ni Alex habang nakasandal siya sa pader at nakapamulsa ang dalawang kamay.
"Kumusta ang kapatid mo?" Maya ay tanong ni Trisha. "We don't know yet." Matamlay na turan ni Alex.
"Magiging okay din siya, we know her. She's a strong person." Saad ni Trisha sa binata. "Yeah! I know." Upang iwasan si Trisha ay agad dinukot ni Alex ang kanyang tawagan. "Ah! Please excuse me." Ani Alex sabay talikod niya sa dalaga. At agad itong nagdayeld sa kanyang tawagan. Hindi naman nagtagal ay may sumagot dito.
SAMANTALA nang marinig ni Ellah ang nangyari kay Aslea Dennisse ay halos hindi siya mapakali sa malaking sala. Lakad, upo ang ginagawa niya habang naghihintay siyang may tumawag at ipaalam kung naging maayos na ba ang lagay nito. Kaya ng biglang tumunog ang telephone sa kanyang tabi ay dali-dali niya itong sinagot.
"Hello."
"Baby. Okay ka lang ba dyan?" Bakas ang pag-aalala ng binata sa nobya kahit subrang gulo na ng isip niya dahil sa sinapit ng kapatid niya.
"I'm okay Alex. Tell me, kumusta ang lagay ng kapatid mo?" Tanong nito sa nobyo. "We don't know yet, she still in the emergency room. Isinasagawa nila ang opirasyon ngayon." Anito kay Ellah.
"I know malalampasan niya ang lahat ng pagsubok sa kanya Alex. Mabait ang kapatid mo, matapang at hindi sumusuko. Magdasal na lang tayo para sa kaligtasan niya. I know hindi pa siya pahihintulutan ni God na bumalik sa kanya. Makakasama pa natin siya ng matagal." Anito kay Alex sa kabilang linya.
"I know baby. I know. Thank you." Saad ni Alex. Habang si Trisha naman ay halos magkadikit na ang kanyang kilay habang lihim siyang nakikinig kay Alex. Maging ang mga kaibigan ng binata ay na curious kung sino ang tinatawag ni Alex na baby.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)
RomanceALEX CLYN VERGARA(GSB-1)-The leader of GANGSTER SQUAD BOYS(GSB). Tahimik at seryoso sa lahat ng magkakaibigan. Bihira lang kung makipagbiruan sa mga ito. Written By:WILD AMBER