Chapter 14

33.3K 973 10
                                    

MAGKASABAY na dumulog sa hapag kainan ang mag-ina na Gretha at Trisha, daig pa ng dalawa ang mga mga prinsesa kung umasta. At habang kumakain ang mag-ina ay biglang lumapit kay Gretha ang isa sa mga body guard niya.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas. Atty. Castillo daw po ang pangalan." Anang lalaki na nakayuko.

"Okay! Papasukin mo siya." Anito at agad naman tumalima ang inutusan niya. Agad na tinapus ni Gretha ang pagkain at agad siyang nagtungo kung saan ang sala at doon naghintay.

Hindi naman nagtagal ng pumasok si Atty. Castillo at mga kasama nito. "Good morning Mrs. Rosales." Magalang na bati ni atty. Castillo kay Gretha.

"Mrs. Ramerez." Pagtatama nito kay atty. Castillo. "Oh! I'm sorry." Labas sa ilong na hinging paumanhin ng atty.

Nginitian lang naman ito ni Gretha bilang tugon na halatang napipilitan lang ngumiti. "Have a set." Anito. Agad naman umupo ang abugada sa pang-isahang upoan.

"So, anong maipaglilingkod namin sa'yo atty. Castillo?" Mataray nitong tanong kay atty. Castillo.

"Uhm! Nandito ako para ibigay ito sa'yo." Anito sabay abot niya ng hawak na papel kay Gretha. "Ano naman ito?" Kunot noo nitong tanong.

"Basahin niyo po." Utos dito ni atty. Castillo. Agad naman inagaw ni Trisha ang hawak ng ina na papel. Ng basahin niya ito ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

"Your kidding me, pano nangyari ito? I'm sure, hindi ito totoo." Anito sabay tingin kay atty. Castillo na kampating nakaupo.

"No, lahat ng nakasaad dyan ay pawang totoo." Sagot niya dito. "Kaya bago kayo kaladkarin palabas ng may ari ay dapat umalis na kayong mag-ina. Bukas darating ang bagong may-ari ng bahay na ito. You should pack your things now." Saad ni atty. Castillo sa mag-ina.

Bigla naman nag-isang guhit lang ang kilay ni Gretha. Dahil hindi nito maintindihan ang usapan ng dalawa.

"A-anong_

"Ma, may nagmamay-ari na ng bahay na ito ayun sa papel na yan." Sabay turo nito ng papel na hawak ni atty. Castillo.

"Ano, pano nangyari yun e bahay ito ng asawa ko?" Anitong nabigla.

"I'm sorry po, pero ayun sa last will ni Mr. Ramerez ay ang buong ari-arian niya ay nakapangalan sa dalawa niyang anak. At walang nakasaad doon na may iniwan siya para sa inyo. Ayun sa lawyer ni Mr. Ramerez ay wala kayong legal papers na pinermahan upang maging legal niya kayong asawa." Saad ng abugada. Kaya biglang nalaglag ang balikat ni Gretha dahil sa narinig.

"Hindi yan totoo." Maya ay giit nito.

"I'm sorry but that was Mr. Ramerez last will. Wala kayong pag-aari sa lahat ng ari-arian niya. Wala kayong karapatan upang angkinin ang pag-aari niya dahil hindi kayo legal na second wife ni Mr. Ramerez." Paliwanag ni atty. Castillo kay Gretha.

"Perfect, Mama. Saan tayo ngayon titira?" Ani Trisha na ngumiti ng mapakla. "Manahimik ka nga Trisha." Sita nito sa anak.

"Baka pweding bukas na kami aalis dito atty. Castillo, maghahanap pa kami ng malilipatan naming bahay at magliligpit pa ng gamit namin." Anito kay atty. Castillo.


"I'm sorry to hear that, pero ayun sa bagong may ari nito ay kaylangan niyo ng umalis. Dahil may darating ditong archetic na titingin sa mansion para ipaparenovate niya ito." Paliwanag pa dito ni atty. Castillo. Kaya laglag ang panga ng mag-ina sa narinig.

"Okay!"

"Sige, I have to go. May iba pa akong client na dapat harapin." Anang abugada sabay tayo nito. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mag-ina.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon