Chapter 11

34.5K 901 10
                                    

DAHIL sa natuklasan ni Trisha ay dali-dali itong umuwi. Galit na galit ito dahil ang akala niya ay tuloyan ng nawala sa landas niya si Ellah.

"Where is my Mom?" Pasigaw nitong tanong sa isa sa mga kasambahay nila. "N-nasa library po." Takot na sagot nito kay Trisha. Kaya nagmadaling nagtungo si Trisha sa library kung nasaan si Gretha.

"Mom?" Agad na tawag ni Trisha sa ina. Hindi na ito nag-abala pang kumatok at tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa loob.

Bahagya lang umangat ng mukha ang ginang ng marinig nito si Trisha. "Mama, nakita ko si Ellah." Anito sa ina.

"Ano ngayon?" Anitong parang hindi interesado.

"Ano ngayon? Anong klaseng tanong yan Mama. Di ba pinapahanap mo ang babaeng yun?" Ani Trisha.

"Hayaan muna siya kung nasaan man siya ngayon. I don't care anymore." Ani Gretha.

"What?"

Gulat na naibulalas ni Trisha.

"But I thought_

"Trisha. I said I don't care wherever she is now. Kaya wag na wag kang magkakamaling gumawa ng kalukuhan. Kundi ibabalik kita sa kangkongan na pinagmulan mo." Anitong may tunong pagbabanta. Bigla naman nahintakutan si Trisha dahil sa narinig.

"Gamitin mo naman minsan yang utak mo Trisha. Hindi yang puro kapalpakan lang ang iniisip mo. Kaya please lang don't do a stupid things. Dahil baka sa maling galaw mo mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko." Saad pa nito.

"Naririnig mo ba ako Trisha?" Ma autoridad nitong tanong kay Trisha. "Yes! Mom." Anito sa ina.

"Good. Now get out of here dahil may ginagawa ako." Pagtataboy niya dito. Agad naman tumayo si Trisha.

"Humanda ka sa'kin Ellah dahil may araw karin sa'kin." Ani Trisha sa isip ng makalabas siya ng library kung saan ang kanyang ina.

SAMANTALA dahil sa nalaman nilang buntis si Ellah ay agad itong pinauwi ni Weng upang hindi mapagud. Agad itong inakay ni Alex palabas ng hospital. Walang paglagyan ang ngiting nararamdaman ni Alex sa balitang magiging isang ama na siya.

"Anong nginingiti mo dyan?" Maya ay puna ni Ellah kay Alex ng makita niya itong panay ngiti habang nagmamaniho ng sasakyan. "Wala naman, masaya lang ako baby." Anito sabay kindat sa nobya.

"Teka! Bakit ibang daan ang tinatahak natin, saan tayo pupunta?" May pagtatakang tanong ni Ellah sa binata. "Kakain muna tayo sa labas bago tayo uuwi." Anitong nasa daan ang kanyang mga mata. Kaya nanahimik na lang si Ellah.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang kotse ni Alex sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Bigla naman nakardam ng kaba si Ellah. Ilang taon na nga ba siya hindi nagagawi sa naturang restaurant.

"Trust me baby." Ani Alex na hindi namamalayan ni Ellah ay nakababa na pala at ipinagbukas siya ng pinto. "Kinakabahan ako." Pag-amin nito sa nobyo.

Agad naman inilahad ni Alex ang kamay at maingat nitong inalalayan si Ellah makababa sa sasakyan. Huminga ng malalim si Ellah bago sila pumasok sa loob ng restaurant ni Alex.

"Ma'am Ellah, kumusta po kayo. Welcome back po." Nakangiting pagsalubong sa kanila ng guard. "Ayus lang po. Kayo po?" Balik niya dito.

"Sa awa ng Dios ay maayos naman po." Magalang nitong sagot kay Ellah.

Pagkaapak lang ng mga paa ni Ellah sa loob ng restaurant ay kay lawak ng ngiti ng mga waitres at waiter ng makita nila si Ellah.

"Welcome back ma'am Ellah." Anang bawat madaanan niyang mga waitres at waiter. "Thank you." Tugon naman nito. Agad silang naupo sa pangdalawahang mesa ni Alex.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon