Chapter 18

33.9K 923 19
                                    

Near End

LUMIPAS ang araw mula ng makalabas ng hospital ang mag-ina ni Alex ay mas lalong naging makulay ang kanilang tahanan. At dahil sa ginawa ni Trisha na pagtatangkang nakawin ang anak nila Alex at Ellah ay nahatulan itong makulong for kidnapping. At ng makarating sa kanya ang nangyari sa kanyang ina ay biglang bumigay ang pag-iisip nito pagdaan lang ng araw. Kaya ipinasya nila itong dalhin sa mental hospital habang dumaranas ito ng kakulangan ng pag-iisip.

"Hubby, tingnan mo si Dalton oh! mukhang may pinagmanahan." Ang natatawang ani Ellah kay Alex ng mapansin nito ang anak. Umiiyak kasi ang kakambal nitong si Janella samantalang si Dalton ay tahimik lang itong halos mag-isang linya na ang kanyang kilay.

Nang makita ni Alex ang anak ay natawa rin siya dito. Mukhang namana ng anak nito ang ugali niya. Maliit pa lang si Dalton ay mapapansin muna ang mga katangiang taglay nito na namana kay Alex. Laging seryoso, mabagsik pero tinatago ang kapilyohan.

"Buddy, she is your sister. Be a good boy for baby Janella. Ikaw ang magtatanggol sa kanya paglaki niyo. Dapat mong protektahan ang kapatid mo." Kausap nito si Dalton na kinatawa lalo ni Ellah. Pano ba naman kasi kinakausap ni Alex ang anak na para namang nakakaunawa sa sinasabi niya.

Bigla naman ngumiti si Dalton at inabot nito ang kamay ni Janella na tumahimik narin sa pag-iyak ng bigyan ni Ellah ng beberon.

"Hubby, kita mo yan, mukhang sa'yo lang nakikinig yang anak mo." Ani Ellah na nakapuot.

Agad naman hinalikan ni Alex si Ellah. "Makikinig yan sila sa'yo wifey, dahil ikaw lang naman ang maganda nilang ina." Anitong nakangiti.

"Sana nga hubby, pero I know naman na hindi mo ako hahayaang mag-isa para sa kanila." Anito sabay hilig niya sa dibdib ni Alex.

"Of course, mga anak natin ito kaya dapat hawak kamay tayong dalawa para sa kanila habang lumalaki sila." Saad nito kay Ellah.

At habang nakatunghay silang dalawa sa kanilang mga anak ay may bigla namang kumatok ng pinto. Kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Sino yan?"

Tanong ni Ellah sa kumakatok sa labas ng pinto.

"Tita mama."

Sagot ng nasa labas ng pinto na kinangiti nila Alex at Ellah ng mapagsino ito.

Agad na tumayo si Alex at binuksan nito ang pintuan. Doon ay napagbuksan niya si Asher Jade na may dalang laruan.

"Buddy, sinong kasama mong pumunta dito?" Tanong ni Alex dito sabay buhat kay Asher Jade. Bahagya lang itong ngumiti sabay iling.

Kaya natatawa itong ibinaba ni Alex sa kama kung saan nakahiga ang kambal nila. Paniguradong tumakas na naman ito kaya nasa bahay nila. Hindi lang isang beses itong ginawa ni Asher Jade kundi makailang beses na. Noong una niyang ginawang tumakas sa kanilang bahay ay halos mabaliw sila sa kakanap nito. Mangiyak-iyak na si Jasmine sa pag-aakalang may kumidnap sa anak nila. Ang kapatid naman ni Alex na si Axel ay pinagalitan nito ang mga katulong nila. Maging sina Alex at ang mga katiwala nila ay naghanap narin. Buti na lang at pumasok si Ellah sa silid ng kambal kundi hindi nila malalamang naroon si Asher Jade at nilalaro niya si Dalton.

Kaya naman agad na tinawagan ni Alex ang kakambal bago pa nila hanapin si Asher Jade.

"Oh! Bro, napatawag ka?" Tanong ni Axel kay Alex ng sagutin ng isa ang tawag.

"Nothing bro, gusto ko lang ipaalam na nandito sa bahay si Asher Jade." Anitong natatawa.

"Tst! Ang batang yan talaga, hindi ko alam kung pano nakakapuslit dito sa bahay." Ani Axel sa kabilang bahay.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon