to: idk
nakakainis 'yung crush ko. bakit ba lagi nalang niya akong pinapaasa? HAHAHAHA lmao. di ako umaasa, paasa talaga siya :'{
• qt
-☁-☁-☁-
DJ Maria Clara: Hindi mo naman masasabi na paasa siya kung hindi ka umasa. 'Yan ang unang hakbang. Tanggapin mong may mali ka rin. Huwag lahat ng sisi ay ibaling sa iba.
Paanong pagpapaasa ba ginawa niyan? Nagbigay ba ng motibo? May pachansing-chansing ba? Bakit, hindi ka ba nasanay? Marami ng paasa sa mundo ngayon. Laganap na sila. 'Di nga ako magtataka kung balang araw, macontaminate na ang mundo ng mga paasa. Kaya naman kailangan mong matutong mag-adjust at makisabay.... kaya magpaasa ka rin. Pero syempre biro lang. Ang tanging gusto ko lang sabihin, bantayan at alagaan mo puso mo. 'Wag kang basta-bastang bibigay sa mga makalag-panty na ngiti, makapanindig-balahibong boses, at nakakamatay niyang mga banat. Minsan kasi balat-kayo lang 'yan upang maitago ang demonyong nakatago sa kaibuturan ng puso nila.Magpabebe ka. 'Wag basta bigay. Sabi nila sa panahon ngayon 'di na daw ako uso... di na daw uso ang mga Maria Clara. Bakit ka sasabay sa uso kung kapalit naman no'n ay ang wasak at duguan mong puso?
Pero sa totoo lang hindi ko alam pinagsasabi ko kaya paalam na. May shift pa ako sa kumbento.
[ DJ CRISOSTOMO AT DJ SIMOUN ASAN BA KAYO?!??? ]