#AskTheDJ
pano po pag nainlove ka sa jejemon? joke. HAHAHA. Why do we choose to endure the pain instead of just letting go?
-imay
-☁-☁-☁-
DJ Maria Clara: Kaya nating tiisin 'yong sakit kasi hindi natin kayang tiisin na mawala 'yong taong mahal natin. People are born martyrs. Kahit sobrang sakit na, ayos lang kasi alam nating mas masakit 'yong mawala ang taong laman ng puso natin. Kaya kahit basag na basag ka na, basta alam mong kaya mo pa, sige go lang sa pagpapaka-hangal at pagpapaka-bayani. Besides, love is not all about the 'kilig'. It's mostly about pain and the art of embracing it. Kapag nagmahal ka dapat handa ka sa sakit kasi kung hindi, why would you gamble your heart for a game you don't have an assurance of winning? Puso mo ang itinaya mo kaya kahit ilang libong sakit pa ang ibato sa'yo ng lintek na pagmamahal na 'yan, you need to fight kahit sa huli ikaw pa rin ang talo. That's how savage love is. That's one of the mainstream realities we need to embrace.
Ps. Magpasa pa kayo sa #AskTheDJ o #DearDJ dali na. Gusto ko mag-ingay sa Cosmic Radio. Haha!