Dear DJ,
Ako magbibinyag sa Dear DJ natin kasi kingina akakwwkwkwa! I have this big bro of mine sa RPW. Nung una nakilala ko 'yon sa squad namin. Nillalandi pa ako no'n kaso lagi kong binabara. As in yung mga pick-up lines niya binabara ko. Fab ko kasi HAHAHA! Tapos hanggang sa naging frenemies kami. As in kinaiinisan ko siya, to the point na nagleave ako aa gc ng squad tapos binabalik niya ako then magleleave ulit ako. Tapos nakasagutan ko pa siya sa PM. Grabe kasi 'yong attitude pero as time passed by, nagkasundo kami. Hanggang sa naging kuya ko siya. Baby ogre tawag niya sa'kin tapos big bro ogre naman tawa ko sa kaniya. Mukha kasi siyang shrek. Kamukha niya si shrek ako hindi nama kaya 'di ko alam kung paano ako naging ogre. :'( Tapos no'ng nagka-RS ako ayaw niya sa ka-RS ko. Nararamdaman niya kasing gago daw. Huahua! Pero bahala daw ako sa buhay ko. Bait noh? Sarap itulak sa bangin. Then there came a time na nagbreak kami nung ka-RS ko. Tuwang-tuwa ang gago kaso nagkabalikan din kami kaya 'yon itinakwil niya 'ko!!!! Grabe nahurt ako ng bongga no'n. Kasi bakit hindi niya kayang maging happy for me? Talagang itinakwil niya ako to the point na nagpost pa siya sa WCC na "Wanted: Lil Sis" tapos sa requirements pinaparinggan niya ako. Nagkasagutan ulit kami sa comment non kaya dinelete din niya yong post.
Then, days passed by hindi niya natiis na wala ang cute niyang lil sis kaya 'yon nag-post siya ng apology letter para sa akin at kay mommy ogre namin. Then, we all live happily ever after... or so I thought. He's been inactive for months. Kaya wala akong mapagsabihan ng problema ko. Wala akong resbak. Walang panget na ogre na mangdadagan sa mga gago sa paligid ko. I really missed that ugly ogre until bumalik siya. Excited pa akong nag-pm sa kaniya non. Kaso nakita ko yung post niya... new OP daw. I was like, "wtaf?!??" Hindi pa ako nirereplyan sa pm. Then another days passed, nagreply siya. Tinanong ko anong new op. Sabi niya joke lang daw 'yon. Edi ayun nagkuwentuhan lang kami. Tapos naging inactive nanaman sya. Ngayon, nag-online siya at nagpm siya sa'kin. Putangina. Naniwala akong hindi bago 'yong op non kaso mukhang april fools lang talaga ata kasi putangina ang sabi sa'kin: "hindi na ako big bro m. iba na talaga op neto."
Lesson Learned: may mga gagong mang-iiwan na lang talaga.
Another lesson learned: may mga gagong paglalaruan ka pa at paniniwalain. Putangina lang.Nagmamahal,
Clareng