#AskTheDJ
Bakit pag nagconfess sayo yung isang tao hindi maiwasan yung awkwardness?
- Nyorkista
-☁-☁-☁-
DJ Sisa: Guest pa ba ako? Hays. HAHAHA. Kasi nasanay kayo na walang feelings. Pag umamin ka syempre mag iisip yung isang tao na baka iba yung meaning na mailagay mo. Parang sakit. Pag nalaman mo ba na may cancer ka at gusto mo pang mabuhay hahayaang mong mategi sarili mo? Hindi diba. Ganon din yon pag nag coconfess ka. Siyempre baka natatakot yang inaminan mo na baka iba yung isipin mo kung pano ka niya pakitunguhan. Same goes sa nag confess, siyempre, iisipin mo na lahat ng kasweetan mo, bibigyan na ng meaning. Hindi yung sweet ka lang dati because you care like a care bear cares ganern, pag umamin ka na, iba na yung pagiging sweet mo. Wag hangal, wag mag assume na kaya naawkward kasi same feeling. Lelang mo, sa iba lang nangyayari yon. Charot :*
DJ Maria Clara: It's awkward because you're making it awkward. You're making the situation complicated. Hindi naman talaga 'yong confession ang dahilan ng pagkasira ng friendship... 'yong akwardness. Kung nagconfess lang yung tao and he/she's not expecting something more, why would you be awkward in the first place? Okay, if he or she's expecting something, then tell him/her right away to stop being delusional. Kill the awkwardness right away before it kills your friendship.