#AskTheDJ
Mag iisang taon na simula ng magpanggap kami na magsyota kaming dalawa. Pero hanggang ngayon di ko parin alam kung pagpapanggap parin ba o totoo na ang nararamdaman namin sa isa't isa. Paano kung gusto na nga talaga namin ang isa't isa? Pero paano kung ang isa sa amin ay ma-one sided love?
-dmntrd
-☁-☁-☁-
DJ Simoun: Nako kung ako sayo hindi na ako magpaligoyligoy pa mahal mo ba talaga siya? at kung kung oo bat di mo sabihin sa kanya na totohanin na? wala namang mawawala kung sasabihin mo diba?malay mo may gusto nga talaga sayo nahihiya lang siyang sabihin, hindi ba't? huwag niyong pangunahan ang hiya kung nagmamahalan naman kayo. pero kung sinabi mo naman pero siya ang tumanggi mismo, sa tingin mo ba may pagasa ka sa kanya kung nakikita mo kahit konti, oo konting pagasa eh konting effort lang yan na papatunayan mo lang na tunay ang iyong nararamdaman sa kanya atleast nasabi mo ang totoo at pinatunayan mo sa kanya ito, eh kung hindi talaga sa tingin mo deserve mo siya?
DJ Crisostomo: paano niyo ito lubusang malalaman kung wala kayong komunikasyon? hangal lang, ganoon? ginoo, kung isa ka nga lalaking tunay, nararapat lang na ika'y gumawa ng hakbang upang alamin ang inyong kalagayan. malalaman mo ba ang sagot sa katanungang iyan kung tutunganga't puro paano lamang?
heto't ika'y gumiling na lamang sa tugtugin na ito para buhay ay tuluyang lumigaya. hallelujah!