#AskTheDJ
Paano malaman kapag inlove ka na?
– Taba
-☁-☁-☁-
DJ Maria Clara: Ganto gawin mo, punta ka sa isang tahimik na lugar. Ilagay mo 'yong kamay mo sa tapat ng dibdib mo at pakinggan mo 'yong pintig ng puso mo. Pakinggan mo lang ng matagal. Dug dug dug dug. May naririnig ka? Meron? Talaga? Congrats! Buhay ka pa! HAHAHA! Biro lang!
Tingin ka sa salamin kapag may nakita kang pimples sa mukha mo at malaki eyebags mo pero blooming ang ngiti mo, ibig sabihin lang niyan inlove ka because you manage to smile despite of the pain and cruelty love brings. Oh well, di pa naman scientifically proven yang theory ko. Chos! To be honest, you don't really have to know if you're already got struck by love because love doesn't need to be known... it demands to be felt. Use your heart not your mind because sometimes brain tells the otherwise which makes us become in denial with the feelings we truly have. ikaw at ikaw lang din naman kasi ang makakaalam kung in love ka na. Hindi ako, hindi sila, hindi 'yong teacher mo sa Physics at mas lalong hindi 'yong tambay sa kanto. Listen to your heart, 'yon yung gusto kong sabihin sa first paragraph. Listen to your heart because sometimes it holds the answer you've been craving to know.