#DearDJ - Six

90 17 4
                                    

Dear DJ,

Masayahin, madaldal, ggss sa sarili, mahilig kayong pagtripan,mahilig magmura, palakaibigan (obvious naman diba? haha) at parang walang problema sa buhay. Ganun ang tingin ng lahat ng kaibigan at mga kaclose ko dito sa akin, Pati ikaw Pinky dba? pero mali kayo. Peke lang yun lahat dahil sa likod ng maskarang ito, nakatago ang totoong ako. Yung malungkot, nasasaktan, parating tahimik, minsan umiiyak kahit lalaki naman(amputa neto) at minsan iniisip na mawala na lang at lumipad paputang pluto. Ayoko na, pagod na akong masaktan at umasa. mag tatatlong taon na pero wala pa rin, OLATS tch. binibini.. kelan ka ba babalik? pagod na akong maghintay eh, pagod na akong magkunwari na masaya pero ang totoo hindi. Tawagin niyo na akong martye na lalaki o psycho pero wala eh, nahulog na ako sa puso niya at hindi sa imburnal haha. alam kong marami tayong ganito dito, dba? tama ako? huwag na kayong magsinungaling sa sarili niyo mga binibini at ginoo. sabi nga nila maging totoo ka sa iyong sarili at sa iyong nararamdaman. Putek, nakakabakla na pero nakakagaan talaga ng loob. salamat sa inyo mga naging tunay kong kaibigan dito dahil nandun kayo para patawanin ako sa mga kabaliwan niyong mga keke kahit minsan tinatawag ko kayong ulol, unggoy, etc. pangako, magiging okay ako,pero di muna ngayon. siguro balang araw kapag nawala na sya sa puso ko ng tuluyan


From:

HappyFakeVirus

69.96 FM Cosmic Radio [ OFF AIR ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon