"Baby! Open the door. Please! baby. Maawa kana."
Pinihit ko ang doorknob pero ayaw mabuksan. Wala yung lahat ng susi pati mga duplicate key nasa kay Bella lahat.
I think she planned it all.
"No! Go away mom. I don't need you. I hate your lies!"
Halos paluhod na ako sa may pintuan at tuloy tuloy sa pagdaloy ang mga luha ko.
Damn it!
Hindi ko kayang maatim na ganyan ang anak ko! Ang sakit!
Wala na si Crossby pati si papa umalis muna ang mga ito habang kaming apat ay nandito sa may pintuan ni Bella.
"Cole ano gagawin natin?" Pumiyok ang boses ko sa pagsabi nito. Tumingin ito sa akin at tinayo ako. Nagtiim bagang ito.
Yinakap ako nito. "Shhh. There's a way baby."
Pinihit ni Chandler ang pinto at umiling iling. "Ayaw talagang mabuksan eh. Mahirap pala magkaroon ng anak na matalino." Tumingin ito kay Santy.
Umirap lamang ang kapatid ko dito. Huminga ng malalim si Cole.
"Olivia, I'm warning you! Open this Goddman door before I wreck it!"
Napahilamus na lamang ni Cole ang kanyang palad sa mukha.
"You don't care for me! Ano inisip niyo? Na wala akong utak dahil hindi niyo sinasabi yun sa akin. Screw you!"
Sigaw nito sa loob ng silid. "Look, I care for you baby, alright? Hindi ko yun sinasabi kasi ayaw naming maapektuhan ko. Mahal ka namin Bella. Please." Mahinahon kung sabi dito."I can't take it anymore. Lumayo kayo."
Ilinabas ni Cole ang baril at itinutuk sa doorknob. Hinawakan ko ito sa kamay at umiling. "Matatakot siya Cole pag narinig niya yan."
Hinawakan nito ang kamay ko at hinimas. "Siya namismo nag sabi na may utak siya. Just trust our Bella, baby. Leave it to me."
Lumunok ako at tumingin dito. Ngumiti ito pero kita ang lungkot sa mga mata niya lumayo na lamang ako ng kaunti.
Mabilis nitong pinaputukan ang doorknob. Bahagya namang bumukas ito ng kaunti kaya di ako nag alinlangang pumasok, sumunod sila sa akin.
Napakunot ang noo ko ng wala ito sa loob. Tinakbo ko ang cr pero wala ito doon. Pumasok rin kami sa closet nito pero wala.
"Wala dito si Bella! Nasan?" Rinig kong tanong ni Santy.
Napakunot ang noo ko ng may kumot na nakatali sa may terrace pababa.
"Damn it." Narinig kong nag mura si Cole ng mahina at pumunta sa may terrace. Sumunod naman ako dito.
Dumungaw kami sa ibaba. I knew it! She escape!
"BELLA!"
Sumigaw ako ng namataan ko ito sa may gate. "Bella please!"
Tumingin ito sa akin. Namumugto ang dalawang magandang mga mata nito. Mapulang mapula rin ang mga pisngi nito at kumikinang ang mapuputing balat nito dahil sa sinag ng araw. Ilinilipad ang umaalon na buhok nito dahil sa hangin.
Mabilis na bumaba sina Santy at Channdler. "Cole do something! Mababaliw na ako kung ganyan ang anak natin." Halos magmakaawa na ako kay Cole habang hinahawakan ko ang laylayan ng damit nito.
Hinaplos naman nito ang likod ko.
Napaawang ang mga labi ko ng may van na huminto malapit kay Bella.
Kumaway ang nasa loob nito habang nakangiti at nakita kong si Asher iyon.
Demonyo ka talaga!
Mabilis ang pintig na puso ko at halos manlamig ang buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Investigate (Awesomely Completed) Broke001
AcciónI kill.. it's a bussiness that no one wants to get into.. Being bestfriend of your enemy make A big chaos in life. They parted. She live. He died. She didn't even recognize that someone is after her all this time. She never find out cause she d...