Time flies so fast... I can still remember the way he looked at me every single moment na nahuhuli ko ang mga mata niya. It feels like you have your three seconds slow motion moment of your life. I just can't... I mean, I'm addicted to his eyes.
Pagkatapos kong mag-introduce noon, siya na ang sunod. Dahil may dalawang vacant chair bago siya, since walang nakaupo doon....
"Name's Liam Angelo Bruscoe. 19. Nothing special." Shit! Kahit boses niya, sobrang lalim. What the heck is going on with me...
Ilang araw pagkatapos no'n, hindi parin humupa yung gossips sa'kin ng iba, keso taga Public daw ako. Sayang daw dahil mukha akong mayaman, pero cheap.
I don't get the point why it's a big deal that I came from a public school! Why do people keep on labeling, anyways? At the end of the day, we are all the same!
Noong lunes ay inayos kami ni Ma'am Tulfo according sa seat plan na gawa niya. At sa kasamaang palad, katabi ko si Liam. Nasa likod parin naman kami nakaupo ngunit wala ng bakanteng upuan ang naiwan. Halos hindi ako makapagconcentrate tuwing may klase dahil sa mga kababalaghang sinasabi niya!
"Noob, hingi ako paper." Tiningnan ko siya ng masama. Tiningnan ko ang katabi ko, hindi naman siguro si Leon ang kausap niya?
"Noob? Ha! Ayaw ko pala." Matapang na sagot ko habang hindi siya tinitingnan. Inisip ko nalang na sa'kin niya 'yon sinabi.
Bigla niya kinuha ang one whole sheet of paper ko at kumuha ng limang papel! What the?
"Thanks!" Sabay ngiti niya ng malapad at kindat!
"What the fuck, Liam Angelo!" Napasigaw ako sa inis!
Halos mga lalake katabi ko sa last row. "BOYS AT THE BACK!" Naituro ni Ma'am Tulfo ang mga lalake sa side ni Liam, "The door is open, go out if you want! I don't care! As long as my class is quiet, then it's okay if I'll spend my time without you! Give some respect!"
Natahimik naman kaming lahat sa sigaw ni Ma'am Tulfo, hindi ako natakot ngunit naawa ako sakanya. Her eyes are like mirror, you can see the truth. I can see the frustrations in her eyes...
May mga araw naman na by partners kami, sa subject na English. At ang nabunot ko ay si Ian Raphael. Hindi ko pa siya nakausap kahit kailan, sana naman ay matino ang isang 'to.
Ang assignment namin ay tungkol sa gods and goddesses. At mukhang wala namang pakealam ang partner ko, ako nalang nagplano ng lahat.
"Ian," Tawag ko sakanya habang nakahawak siya ng cellphone. "Ikaw nalang bumili ng cartolina at mga designs at gagamitin, ako na bahala sa drawing."
Dahil wala kaming sapat na pera sa ngayon, hindi ako makakabili. Kaya nagsuggest ako na ako nalang magdrawing. Hindi naman pangit mga drawings ko... Kahit papaano.
"Magaling ka ba magdraw?" Kunot noo niyang tinanong sa'kin. Nanliit ang mga mata ko.
"Pwede na." Hindi ko naman masasabing magaling ako...
"Ah, sige. Tinatamad rin akong magdrawing." Sabay kindat sa'kin at iniwan ako doon. What? Yun lang? Hindi pa ako tapos pero sige na lang, ayaw ko namang maging sagabal.
Pero ang hindi ko makakalimutan sa mga lumipas na araw ay ang...
"Bakit ka ba kulit ng kulit sa'kin?" Sigaw ko, pagkatapos ng filipino, bago magrecess. "Tigilan mo'ko, huh?"
Gusto ko namang tumawa dahil nakukulitan na ako sakanya, at naiinis ako sa pagiging cute niya at cool.
Tumawa siya bago sumagot, "Mukha ka kasing unggoy."
Alam kong nagbibiro lang siya kaya inirapan ko nalang siya at tinalikuran.
"ANO BA YAN, ÁIRA! PAGKATAPOS MONG SINABING MANLILIGAW KA SA'KIN, AALIS KA AGAD?" Sigaw ng bakulaw na Liam!
Putek ng tapa! Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid namin, shiiiiit!
Tumakbo ako palapit kay Liam at tinakpan bibig niya! Shit, talaga! Buti nalang, mas matangkad ako sakanya ng isang pulgada! Kaya hindi ako mahihirapan turdyakin eto ngayon!
"Tumigil ka nga, Liam! A-Anong pinagsasabi mo? Hahahaha ikaw, talaga! NagjoJOKE ka nanaman!" Halos pasigaw kong sinabi dahil nakikinig ang mga tao sa amin. Diniinan ko talaga ang pagsabi ng joke!
Inirapan ko siya bago tinalikuran pero bigla niyang hinawakan ang bewang ko! Fuck! Napatalon naman ako sa ginawa niya!
Hinila ko buhok niya, "Engot ka talaga!!!!!!!!" At naghilahan kami ng buhok! Tawang-tawa kami habang ginagawa yun, nakakahiya! Pero ang saya ko, haha! Para akong bata ulet!
"Dahan-dahan lang naman, Áira. Baka mahulog ka, tapos hindi kita masagip. Ako pa sisihin mo..."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Anong konek, aber?" Inirapan ko nanaman ulet.
Gano'n kami sa mga lumipas na araw. Ang kulit lang kasi ni Liam, parang bata!
"Áira, kung nafa-fall kana, sabihin mo lang. Hahahahaha!" Tawa naman nitong Angela, kwinento ko kasi sakanya si Liam.
"Fall ka diyan!" Dipensa ko. "Hindi ako nafa-fall agad. At isa pa, hindi siya matured."
"So, kung matured pala si Liam, pasado na siya sayo?" Tiningnan niya ako na parang ang laki ng duda niya sa pagkatao ko. Seriously?
"Ang ibig sabihin po ay wala siyang chance!" Medyo pasigaw ko na sagot sabay tayo. "Lika na nga, Angela! Malelate na tayo!"
Tumakbo kami papuntang room, pagkaupo ko ay nakita kong bakante ang katabi kong chair. Upuan ni.... Liam.
Parang bigla akong nawalan ng gana, pakiramdam ko may kulang.
BINABASA MO ANG
The Otherworld
RomanceHindi ko naman pinangarap na mangyari 'to... All I ever wanted was a normal life. Normal life... Start: March 31, 2016 End: