Chapter Seven

27 1 0
                                    

Alam kong dapat ay humindi nalang ako. Unang-una sa lahat, hindi ako nakapagpaalam kay Mama. Pangalawa, bawal akong gumala. Pangatlo, walang kwentang party lang naman iyon.

Di bale, sandali ka lang doon, Sef. You don't have to stay long.

Nandito kami ngayon sa loob ng van nong Alexia. Marami pala siyang in-invite.

Papasok palang kami sa bahay nila ay napanganga na ako. I've been to Mansions but this one's incredible! Malaking-malaki ito kumpara sa mga napuntahan kong mga mansion. Wow.

Masyadong modern ang disenyo ng mansion na ito. Golden brown ang kulang ng bahay. Halos gawa sa glass ang bahay. Maraming chandelier at 26 na tao ang pwedeng kumain sa dining table nila! Yea! That big...

Pagkaupo namin ay nakanganga parin kami. Halos lahat kami ay naengganyo. Grabe! Ang laki talaga.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano ba 'to?

Ah. Si Mama. Hindi pala ako nakapagpaalam.

Balak ko sanang tawagan si Mama sa cellphone ng narealized kong lowbat pala ako. Okay. Manghihiram nalang ako sa mga kaklase ko--

"Áira! Ikaw yung kaibigan ni Liam, right?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Medyo nakaramdam naman ako ng hiya. Hindi naman kasi ako kagandahan. At madalas ay pawisan ako. Kagaya ngayon, pinagpapawisan ako ng madami.

"Yes," Sagot ko naman. Naalala ko nga pala, siya dahilan ng party na 'to. "Happy birthday pala." Sabay ngiti kong bati sakanya. Walang halong plastikan.

Sadyang unggoy lang si Liam kaya ako naiinis sakanya kahapon. Dahil unggoy siya.

"Saan pala si Liam?" Tanong ko naman sakanya. Makihiram muna ako ng cellphone sa unggoy na 'yon. Ayaw ko namang mang-abala ng iba dito.

"Why? He's in my room..." Medyo may pagkaseductive niyang sagot. O baka ako lang nag-iisip na seductive yung boses niya? Lol.

Teka, nasa room niya? What...

Alam ko. Inaamin ko. Ito ang pinakaweirdong feeling na naramdaman ko mula nong makilala ko siya. Itong pakiramdam na pag may kasama siyang ibang babae ay naiinis ako. Sobra.

"Ah, ganon ba. Sige salamat." Medyo tumabang ang boses ko sa pagsagot sakanya.

Pasensya kang babae ka, dahil naiinis ako sayo. Grrr.

"Orayt! If you need something don't hesitate to look for me or them," Sabay turo niya sa mga server nila. "Okay?"

Tumango naman ako bilang sagot saka siya umalis. Mabait naman siya. Kaya lang nilalandi niya ang Liam ko.

Wow, Áira! Kailan mo naging pag-aari si Liam? Lol!

Medyo nasusuka na ako sa pinag-iisip ko kaya ang ginawa ko ay kumuha nalang ng plato at kumain. Wala naman akong magagawa dito kung tutunganga lang ako. Busy ang lahat.

Bagong lipat lang naman ako sa school namin, hindi pa ako close sa lahat.

Ayaw na ayaw ko talaga ang pakiramdam na ma-out-of-place. Bukod sa hindi ka makasabay sa mga mundo nila, ang sakit rin sa feeling. Nakakainggit kasi yung mga taong madali lang makajoin sa kahit anong uri ng grupo ng hindi nahihiya.

Habang binababoy ko ang mga pagkain ay may lumapit sa akin na lalake. "Hey,"

Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo ko. "Uh?" Lumingon ako sa side ko, baka kasi hindi ako ang kausap niya. "A-Ako ba ang sinabihan mo ng 'hey'?"

Natawa naman siya sa sinabi ko. What now? Tinaas ko ang kilay ko. What's with this guy?

Matangkad siya at matangos ang ilong. Mapula ang labi niya at maputi rin siya. Brown ang mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya...

"Yeah." Bigla namang sumeryoso ang expression niya ngayon. "I'm Lourd Payne." Sabay lahad niya ng kamay sa harap ko. Uh? Lourd Payne?

"Ah, okay po." Nag-aalinlangan pa ako kung magpakilala ba o hindi. Sheeeet naman kasi ang gwapo niya! Nakakadistract! "I'm Sefeane. Sef nalang. Hehe." Tinanggap ko naman kamay niya. Kinuha ko agad dahil nakuryente ako! Hahahaha joke.

Habang tuwang-tuwa ako sa pinag-iisip ko ay seryoso naman siyang nakatingin sa'kin. "Sef..." Tawag niya sa pangalan ko. Sheeeet! Pati pagtawag niya ng pangalan ko nakakalaglag pant---

"Please go home." Nabigla naman ako sa sinabi niya. What did he... Please go what?

"Pardon me?"

"Go home." Muli niyang sabi. "Now."

"But why?" Nalilito kong tanong. "I'm enjoying the party, Lourd Payne."

Medyo napahiya naman ako sa sinabi niya. Parang tinataboy niya na rin kasi ako.

"Just. Go." May diin niyang sabi. Tiningnan niya ang relo niya na para bang nag-aalala siya. Pero hindi mo parin maalis ang pagiging seryoso sa mukha niya. "You only have five minutes to escape hell, Miss."

Ano daaaaw? Medyo nalilito ako sa mga pinagsasabi niya.

Tiningnan ko siyang mabuti. Mukha naman siyang disente at hot. Teka, ba't kahit napapahiya na ako sa pangtataboy niya ay pinupuri ko parin ang pisikal niyang anyo? "Wait. What--hell? What do you mean?"

"This place's not for you." Sagot niya habang hindi nakatingin sa'kin. Ano ba'ng pinagsasabi ng lalakeng 'to? Tiningnan niya ang paligid at ang wrist watch niya ulit. "Two minutes."

Nasaktan ako. Parang pinamukha rin sa'kin na hindi para sa'kin ang ganitong buhay. Inaamin ko, na nagdadasal ako sa Diyos na sana ay magkaroon kami ng mansyon. Marangyang buhay, ika nga nila.

Tiningnan ko naman siyang maigi kahit na hindi siya nakatingin sa'kin. Medyo naiiyak na'ko dahil sa pangtataboy sa akin ng isang taong hindi ko naman kilala. "I'll look for my friend nalang muna, excuse me."

Balak ko sanang hanapin si Liam pero naalala kong siya ang nagdala sa'kin dito. Sa madaling salita siya ang dahilan kung ba't ko 'to nararanasan ngayon. Kung hindi niya sana ako dinala rito ay hindi ako magmumukhang tanga!

Ayaw ko nalang siyang hanapin dahil mas lalo lang akong naiinis. Hinanap ko naman ang bag ko saka na kinuha ito dahil uuwi nalang akong mag-isa.

Magtataxi nalang siguro ako o jeep, kahit ano! Makaalis lang dito ay okay na!

Papalabas na ako ng biglang may humarang saakin na dalawang malalaking tao. Mas nagulat ako dahil may dala silang malalaking armas. Shit, ano 'to?!

I was shocked! In just a blink of an eye I've felt thousands of emotions. I'm scared, frightened, shocked and many fucking more!

Biglang may putok ng baril galing sa kaliwang banda sa likod. Automatic naman na napadapa ako. Shit!

The OtherworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon