Chapter Nine

21 0 0
                                    

AN:

WARNING! Rated SPG (kinda)

PS! You might want to check this song entitled Be Still and Fall Away by The Fray. I played it over and over again while making this chapter. If you want something calm you should check on Be Still. Fall Away is just related to this chapter that's why I put it there... So yea!

PPS! I really don't want to curse but I just want to mention my friends who's reading my crap story, pakyu kayo hahahahaha hindi man halata pero nahihiya ako leche. Thanks nalang.

Enjoy reading!

*hides*

Truly Yours, beautiful inside and out, MissCutieBabe (stupid username)

Parang nawasak ang buong puso ko nang tumingin siya sakin. Madami siyang sugat at basang-basa ang pisngi niya sa luha.

Humugot ako ng lakas ng loob bago nagsalita, "Makakaalis tayo dito, Honey." Tiningnan niya ako. Her eyes--I know she's tired. But you can't see any hint of hope in it. Poor little girl.

"I'm ready to die," She said without looking at me. But her voice were shaking and her body, too.

"No one's ready to die." I said.

At parang sa isang iglap nalang nagdilim ang paligid ko.

Nasaan ako? Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Ano bang nangyari? Wala akong maalala. Ang mga paa kong parang may sariling utak ay naglakad... Tumakbo. Naalala ko ang nangyari sa'kin noong bata pa ako.

May nakita akong bata sa kama kasama ang parents niya. Umiiyak. "Ma, t-tama na po yan."

You swear you recall nothing at all

That could make you come back down

Pero para bang hindi narinig ng mama niya at ang lalaking kasama nito. They were having sex beside a kid! How gross!

Biglang umalab ang galit saaking dibdib. Pakiramdam ko ako ang bata. Pakiramdam ko kailangan ko siyang tulungan. "P-Pa!" Iyak parin ng iyak ang batang babae. Gusto ko silang sigawan at puntahan ang batang babae! Pero hindi ako makagalaw! My tears come streaming down my face. The pain I feel seems endless.

You made up your mind to leave it all behind

Now you're forced to fight it out

Ayaw ko na! Aalis na ako dito! I closed my eyes and covered my ears with my hands. I want to shout! I want to burst it out! I want to punish them! I want to hurt every people who hurts someone! I want to make vengeance for them! I...I want to end the pain that every person feels.

You fall away from your past

But it's following you...

Nang maidilat ko ang mga mata ko ay ibang senaryo nanaman ang nakita ko. Pero kulay itim parin ang paligid nito. May isang batang babaeng nakaluhod sa kama niya, nakaharap sa mumunting altar. May bulaklak na patay sa altar na 'yon. May kalendaryo na si Mama Mary at Hesus ang disenyo.

Mas lalong nakaramdam ng sakit ang dibdib ko nang makitang ang batang babaeng nagdadasal habang nakaharap sa altar.

"Papa Jesus..." Humikbi ang bata habang nagdadasal. Parang pinipiga ang puso ko, "P-Pwede po bang bigyan niyo ako ng kaibigan?"

Ayaw ko na... Ayaw ko na... Ayaw ko nang makita at marinig ang sasabihin mo!

"Bakit po wala akong k-kaibigan?" Iyak parin ng iyak ang bata. "S-Siguro kasi pangit po ako." Mas lalong nanghina ang katawan ko sa mga naririnig ko sakanya. "Gusto ko lang naman ng kaibigan." Napaluhod ako sa sahig habang umiiyak. Pinikit ko ang mga mata ko. I've never felt this weak, ever. Ngayon lang. "K-Kahit isa lang po."

"Halika nga ditong bata ka!" Biglang may pumasok na babae sa kwarto. Siya yung nanay nong bata! "Ano 'tong naririnig ko sa kapitbahay natin, ha? Saan mo napulot yang gawa-gawa mong kwento na muntik ka ng magahasa?!"

Umiyak naman ang batang babae habang nanginginig, "M-Ma... T-Totoo naman p-po, M-Ma." Nanginginig talaga ang batang babae. Hindi ko alam kung sa takot ba yun o sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon. "Please naman... Maniwala naman po kayo!"

"Punyeta ka! Nakakahiya sa mga tao! H'wag kana tumingin ng TV at baka gagawa ka nanaman ng kwento! H'wag na h'wag ka na ring lumabas!"

Galit na galit ang pakiramdam ko ngayon. That kind of madness where all you can do is to cry. This is bullshit! Pinikit kong muli ang mga mata ko. Gusto kong ipukpok ulo ko sa pader para matapos na ang lahat na 'to!

Pagdilat ko ng mga mata ko ay ibang senaryo nanaman ang nakita ko. Dalawang dalagang babaeng naglalakad. Nakauniporme sila.

"Á-Áira," Tawag nong babaeng nakabraid ang buhok paside sa babaeng nakalugay lang ang buhok. "May sasabihin sana ako sayo."

Teka... Áira?

"Ano yon--What the? Ba't ka umiiyak huy!" Sabi naman nong Áira habang pinapahid niya ang mga luhang lumandas sa pisngi ng kaibigan.

"K-Kasi...May secret ako." Humikbi naman ang babaeng nakabraid. Umiiyak siya. Umiiyak siya! "Wag mong s-sasabihin kahit sa iba ha..."

Tumango naman si Áira, "Oo, Jasmin. Sabihin mo nga! Ba't ka umiiyak? Anong s-sikreto?"

Mas lalo namang umiyak si Jasmin habang nakayuko. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. "N-Narape kasi ako..."

Biglang sumikip ang dibdib ko. Ang sakit sa pakiramdam nito. Pakiramdam ko kulang pa ang isa o dalawang araw para ilabas ang lahat ng sakit sa pag-iyak. Baka nga kulang pa ang ilang taon para maghilum ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"A-Ano?! S-Sino...Kailan..." Umiyak na rin si Áira habang hinahawakan ang kamay ng kaibigan niyang si Jasmin.

"4 years old pa ako no'n... T-Tito ko ang--"

"Jasmin! Tito?! TITO MO?!" Makikita mo ang galit sa mukha ni Áira kahit na basang-basa na ang pisngi niya dahil sa luha na abot hanggang leeg ang nabasa.

"B-Baliw kasi tito ko... Ang sakit k-kasi. Hindi...Hindi...H-Hindi naniwala mama ko. Sinasabi ko 'to ngayon oara malaman mo na hindi lang ikaw ang nag-iisang...nag-iisang naranasan ang lupit ng mundo. H-Hindi t-tayo pinaniwalaan ng nanay n-natin, Áira... Ang...Ang...--"

"Ang sakit-sakit." Áira continued.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at humakbang papunta sa kanila. Pero hindi ako makalapit. Para bang may malaking wall sa pagitan namin.

Worst feeling ever when all you can do is to cry even if you're mad--because you can do nothing about it. You're too weak to fight for yourself.

Napabangon naman ako. Nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan ko. Ramdam ko rin ang basa kong pisngi hanggang leeg.

Worst dream ever! Fucking dreams. Iyak parin ako ng iyak. Panay mura ko sa utak ko sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sakit sakit ng lahat.

Ayaw na ayaw ko ng balikan ang nakaraan. Ayaw na ayaw ko ang nararamdaman ko ngayon! Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero wala akong pake! Gusto ko lang umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod na ako kakaiyak. Hanggang sa mapagod na akong alalahanin ang lahat ng sakit. Hanggang sa mamanhid nalang ako.

Bigla kong naalala na wala ako sa bahay. Na bihag kami ng mga taong nakamaskara. At...SHIT! Tiningnan ko ang paligid.

WHERE'S HONEY?

The OtherworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon