Chapter Twelve

32 0 0
                                    

Time flies so fast. Hindi ko naattend ang libing ng pamangkin  ko because I'm not allowed. It might trigger my emotions daw sabi ni Doctor Hermino. Isa siyang psychiatrist. I was in trauma for weeks.

Back to school ako after 2 weeks of absences and I was able to catch up the lessons I missed.

Walang ni isang estudyante ang bumanggit tungkol sa nangyari na ipinagtataka ko. Nakatakas naman sila Danica sa party'ng 'yon--my lucky classmates. Swerte sila hindi nila naranasan ang naranasan namin ni Liam.

Nalaman ko rin na nilangoy nga talaga ni Liam ang dagat kung saan kami nagtago. He's a swimmer pala. That's why... And luckily may nakita siyang speedboat with lifeguards kaya nakahanap siya ng tulong. Kaya siya natagalan dahil natagalan rin ang paghanap niya ng tulong. Yung tulong pala mismo ang lalapit sakanya... Natagalan lang.

After the incident, me and Liam became closer. Ang sabi nga ng karamihan parang kami na daw... Which is not.

Pero sana kami nalang.

I admit, I love him. And I hate it because he see me as his sister. Only child lang pala si Liam at...

"Lunch?" Kakatapos lang ng Mapeh namin.

"Okay." I smiled at him. I don't feel awkward every time we're alone. I mean... Nahihiya ako pag nakikita kami ng iba.

Nagtungo kami sa canteen to buy our lunch. Siya ang bumili ng lunch ko. He knows what I want and what I hate sa foods. Umupo naman siya sa harap ko and we started eating our lunch.

"Me and... Alexia..." Napatingin naman ako agad sakanya.

Humugot ako ng lakas ng loob bago magtanong. Since mukhang nagdadalawang-isip pa siyang sabihin sa'kin. "What...?"

Ano ba 'tong nararamdam ko sa dibdib ko every time binabanggit niya pangalan ng babaeng 'yon?

And oo, isa si Alexia sa nakatakas. I felt bad for her loss. Wala na siyang parents. But luckily, her Tito adopted her na isang senator. She's so safe.

"Nag-usap kame. She apologized for what happened." Tumango nalang ako. Ano pa bang sasabihin ko? "It's kinda weird." I look at him like I'm asking 'Why is it weird?'

"She told me she likes me." Napaubo naman ako sa sinabi niya.

What?! Nanlaki ang mga mata ko pero iniba ko rin agad ang expression ko, "Ah! Ganon? Ano naman sabi mo?" Sinikap kong magmukhang masaya ang tinig at expression ko sa harap niya. Pero 'di ko magawang tingnan siya ng matagal sa mata. Umiwas agad ako ng tingin.

"I told her that I appreciate how much she likes me..." Hindi ko siya tinitingnan. Sa pagkain ako nakatingin. Nilalagyan ko ng sabaw ang kanin ko pero hindi ko naman kinakain. Parang nilalaro ko lang.

Eto ang nagbago sa amin ni Liam. Kung noon ay kinukulit niya ako, ngayon ay kaswal nalang kami. Pero close kami... But not in a romantic way.

Dahil ako lang naman ang may gusto talaga sakanya. I am hopelessly addicted to him.

But he never felt the same.

After ng marahas na nangyari sa bagay nina Alexia ay ganito kami. Naging close nga kami, pero walang kami.

I wonder if ever naramdaman niyang gusto niya ako. Kahit konti lang. Hindi ko rin naman siya tatanungin. Alam ko naman ang sagot.

"Well..." Sagot ko nalang. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Pero masyadong halata sa boses ko ang pagkadismaya. Ano ba, Áira?! Tss. Kakainis.

"Hey... Are you okay?" Hinawakan niya kamay ko. Eto nanaman siya. Sweet nanaman siya sa'kin. Naisip niya bang mas lalo akong umaasa sa kasweetan niya?

The OtherworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon