chap 20

302 28 12
                                    

Back to Liza pov's








Dahil sa di pagkakaintindihan.. iniwan akong mag isa ni John sa kwarto.

Napasapo pako sa aking tiyan ng kumirot ito pag galaw ko mula sa kama.

Still I can feel the ache on my tum na may benda.

*kainis ka Jeff..!

Matutulog na sana ako nang bigla akong magulat sa narinig kong sigaw ng isang babae mula sa labas ng kwarto ko.

Nakakapanindig balahibo ang tinig nito...

Lalo pakong kinabahan nang may sumigaw din kasunod nito pero tela lalaki naman...

Teka.. ano ba ang nangyayari sa labas?

Out of curiosity agad akong bumangon at dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Maliit lamang ang pagkakabukas ko ng pinto pero kitang kita ko naman ang nangyayari sa labas..

Oh my glab... si Jeff...

Pumapatay si Jeff ng mga taong nakakasalubong nito.. mapa pasyente,doctor at mga nurse man...




Oh my glabbb..... !

Papunta si Jeff sa direksyun ko...

Ano ang gagawin ko...

Medyo malayo layo pa si Jeff sa kwarto ko kayat dahan dahan nakong nagsara ng pinto. Talagang ni lock kopa ang doorknob para di nito agad mabuksan.

Agad akong nag isip habang nakasandig ako sa pintuan.

Teka.. san ba ako magtatago.... ? Hindi na normal ang ikinikilos ni Jeff... baliw na ata sya talaga...

Napatingin agad ako sa cr...

Delikado.. wala akong labasan roon..

E sa bintana...?

Hindi din pwede.. nasa 2nd floor palang ako.. mataas ang kababagsakan ko kapag tumalon ako mula dito..

San nga kaya.. ?

Nasa pag iisip ako nang mapansin ko ang dalawang malaki at mahabang puting unan sa kama..

Tama...

Sana nga umubra...

Dali dali kong inayos ang dalawang unan pahaba sa kama... saka kinumutan ito na kunwari'y tao lang na natutulog.. pagkatapos non agad akong nagtago sa ilalim ng kama.

Sana hindi niya ako makita...

Nasa ilalim nako ng kama nang narinig kong may pumupwersa sa doorknob na bumukas...

Sana wag kang bumukas... please... panalangin kopa...

Ngunit sadya talagang matalino si Jeff at nakaisip ito ng idea kung pano e sa slide ang patalim nito sa gilid ng pinto upang mag unlock ito...

*patay...!

John... nasan kanaba.. ?





" liza....... .. " tila panunuyang tawag pa ni Jeff sakin habang papalapit ito sa kama ko.

"Li...za......... " inulit pa nito habang dahan dahan nitong sinudsud sa metal na bahagi ng hospital bed ang kutsilyong hawak nito.

Tuloy.. dinig na dinig ko ang nakakangilong ginagawa nito.


" sorry bitch! " rinig kopang sabi nito at mabilis na sinaksak nito ang unan at tumagos pa talaga sa ilalim ng kama ang patalim nito.

Gayun din ang pagkadismaya nito nang matuklasan nitong nalinlang ko siya gamit ang unan.

Traitor   (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon