Chapter 23
Masama man sa loob ko, pero kailangan kong umattend ng practice para sa lakan at lakambini.
Nakabusangot akong pumunta sa stage dahil ayoko talagang sumali dun. Pero wala na akong magagawa.
Isa pang masaklap, wala akong kakilala dito! Si Philip lang, yung partner ko. Huhuhuhu. Nakakalungkot naman T.T
Joshua! Sana nandito ka :(
Nakaupo lang ako sa gilid dahil hindi pa naman nagsastart yung practice.
"Oh, bakit ka nanjan?"
YEHEY! Dumating siya! :D
"Nahihiya ako sa kanila eh, gusto ko na magback out"
"Ano ka ba! Kaya mo yan."
"eee, ikaw bakit ka nandito?"
"Papalitan ko yung lakan namin para may kasama ka dito, ayoko kayang iwan yung MU kong mag-isa"
Sabay ang nakaka-adik na ngiti. Joshua naman! Ba't ka ba ganyan!
Ngumiti na lang ako, wala rin naman akong masabi eh.
"Hay, ayan. Ngumiti ka rin, wag kang mag-alala, andito naman ako eh, susuportahan kita"
Nagpalitan na lang kami ng ngiti. Ang saya pag may ganito. Yung alam mong may taon sumusuporta sayo kung ano man ang gagawin mo? Nakakataba ng puso :)
Nagpractice na lang kami sa ramp show namin. At tinutuo nga ni Joshua yung sinabi niya. Pinalitan niya yung classmate niya at siya yung pumalit. Hihi, nakakatuwa :D
Joshua's POV
Hindi ko na ata talaga mapipigilan yung sarili ko. Habang mas lalo akong napapalapit sa kanya, mas lalo naman siyang ginusto ng puso ko. Hindi mahirap mahalin si Deiane, basta nanjan siya sa tabi ko, ang saya ko. Yung parang kung pwede ko lang sana siyang ibulsa gagawin ko na.
The more you talk to the person, the higher the posibility you fell in love.
Hindi ko alam, pero sa mga ginagawa ko sa kanya, ang saya saya ko. Yung sayang hindi mo mapigilan? Yung sayang alam mo na sa kanya mo lang mararanasan?
Gusto ko siyang mahalin pa, alagaan, at makasama pa.
Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas ng loob na magtapat. Hanggang ngayon, may takot pa rin sa puso ko, takot na baka balang araw, masasaktan ko lang siya.
Sana naman, dumating yung araw na yun. At kung dumating man, di ako magdadalawang isip na angkinin siya.
"Pasok na ako ha?"
"Ahh, sandali, punta tayo sa park."
"Ngayon na?"
"Oo, bihis ka muna, antayin kita dito sa labas"
"Ok, wait lang ha."
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng babae sa isang to ako nahulog.
Siguro nga, hindi mo kayang diktahan ang puso. Kusa itong magbubukas sa sinumang taong nanaisin nito.
Hinintay ko si Deiane sa labas ng bahay nila.
"Tara"
Naglakad kami papunta sa park kung saan kami naglaro noon.
"Dun tayo."
Nakasquat kaming umupo sa damuhan.
"Deiane, eto pakinggan mo, maganda."
Binigay ko sa kanya yung cellphone at headset ko, na nakafull volume.
"Sige nga."
"Ang ganda nito ah, san mo to napakinggan?"
Ang sarap niyang pagmasdan, para bang nakaka-adik. Yung tipong ayaw mo na ialis yung mga mata mo sa mukha niya.
"I love you"
Bigla na lang tong lumabas sa bibig ko.
"Ha? May sinabi ka?"
"Wala"
"Meron eh"
"Wala nga, ang kulit naman!"
"Meron nga eh, narinig ko."
"Wala nga sabi eh, bahala ka jan"
Hindi ko na lang siya pinansin, dahil ayoko pa talagang magtapat sa kanya.
Deiane's POV
May sinabi siya eh! Alam ko! Pero di ko lang naintindihan. Ano naman kaya yung sinabi niya?
Sabihin niyo sakin! ANO YUNG SINABI NIYA!!!
Hanggang ngayon, di pa rin matanggal sa utak ko. Alam ko kasi eh, may sinabi siya.
Sa tuwing naiisip ko ang pangalan na Joshua, di ko mapigilang ngumiti. Habang tumatagal, parang mas lalong lumalalim yung pagmamahal ko sa kanya. Habang tumatagal, mas gusto ko siya.
Kailan pa kaya namin totohanin tong relasyon naming to? Sana naman, balang araw, yung kami na talaga, para di ko na kailangan pang itago sa iba.
BINABASA MO ANG
Valley of Lost Love (On-going)
Teen FictionTransferee, that's what she is, lumipat ng school and met there his ultimate crush, which is super turned off sa kanya, but we don't know what will happened to the two of them. :)