Chapter 11
At ngayong araw na to ang unang date namin ni Joshua...
Magbunyi kababayan!!!
Andito kami ngayon sa jeep papuntang mall,
himala kasi tong si manong gwapong katabi ko, hindi nagdala ng sasakyan, kasi daw po nasa may-ari...
Etong kasama ko? Tulog lang naman po, nakaheadset, boring tuloy masyado.
So, eto, nasa mall na kami.
Pumasok na kami ng department store para makabili ng mga dapat naming bilhin. Almost 3 hours din ata kami naghanap ng mga gagamitin namin, eh pano naman kasi, hindi man lang kami magkasundo sa bibilhin namin.
"Joshua, pagod na ako."
"ayyy! Tara na nga! Kumain muna tayo!"
Naunang naglakad si Joshua kaya naman, sumunod na lang ako. Pumunta ka sa food hall ng mall para dun kumain.
Si Joshua na yung namili ng pagkain namin, at ako yung naiwan sa mesa.
"Oh, eto pagkain mo."
"Salamat."
Kain na! YEY!
Kanina pa naghihingalo mga bulate ko sa tiyan. hehehe
"Joshua?"
"Ano?"
"Nagka-girlfriend ka na ba?"
"Wala pa, bakit?"
"What?! Sa gwapo mong yan? Wala kang girlriend?!"
"Psh..."
"Di nga! Seryoso?!"
"Wala nga! Ang kulit eh!"
Di ako naniniwala dito, walang girlfriend?
Sinong nilalang ang niloko niya? Psh.
"Eh, niligawan?"
"Kabaduyan."
"Ano?"
"Sabi ko, kabaduyan,"
"Huh? pano naging baduy yun?"
"Mga lalaki? Nanliligaw para mahalin? Ay ewan ko na lang. Kung magkakasyota man ako, yung mahal ako dahil sa ako di dahil sa mga pa-epek kong panliligaw moves."
"Hmmm, pero way naman kasi yun ng pagpapakita na mahal mo yung girl."
"Sounds so pathetic. Kung gusto kang mahalin ng tao, mamahalin ka kahit wala kang ginagawa."
"Ay ewan, iba rin paniniwala mo sa buhay."
Kumain na lang kaming dalawa. Ano ba naman tong taong to, kaya pala walang girlfriend kasi wala namang ginagawa. Ewan ko sayo Joshua.
"Psh, ang aga pa."
"Hmmm?"
"Tara, gala muna tayo sa mall, bilisan mo pagkain jan!"
Wow naman, kung makautos lang, parang utusan lang tong kinakausap niya eh.
Pagkatapos namin kumain, umalis na kami sa food hall,
BINABASA MO ANG
Valley of Lost Love (On-going)
Fiksi RemajaTransferee, that's what she is, lumipat ng school and met there his ultimate crush, which is super turned off sa kanya, but we don't know what will happened to the two of them. :)