VOL Chapter 24

25 4 1
                                    

Chapter 24

MISS KO NA SI JOSHUA!!!

Nung Friday evening kasi lumipad sila papuntang Aklan, may family problem daw.

Sana naman ok lang siya.

SO ETO AKO NGAYON, MAG-ISA LANG sa park, ang lungkot ng buhay.

"May nakamiss ba sakin dito?"

Yung boses na yun! Pamilyar yung boses na yun! :)

"RIIIIIIIIIIIIIIIIICKS!!!"

Napatakbo ako kay Ricks at napayakap sa kanya.

"Di halatang namiss mo ko ah!"

"Pano ba namang hindi eh ang tagal nating di nagkita!"

"Ang busy mo na kasi eh, di ka na mahagilap"

"Tara nga, upo tayo dun"

Umupo kami ni Joshua sa bench para makapag-usap kami ng maayos.

"Grabe, namiss talaga kita."

"Eh, ikaw tong di na namin nakikita ni Sec eh, bakit ka pa kasi lumipat"

"Eh, etong si mama kasi eh, ewan ko na lang kung bakit pa ako pinalipat."

Haaaaaayy! Namiss ko talaga tong si Ricks, sayang nga lang at wala dito si Sec, mas masaya sana.

Ayun, kwentuhan lang kami ni Ricks, grabe, ang dami ko palang namiss sa barkada. Yung iba may mga syota na, yung iba naman, wag na lang nating alamin. Hahaha

"Aba, balita ko may boyfriend ka na daw?"

"Hahaha, hindi pa official no, grabe naman"

"Kinilig ka naman dun."

Eeeee, wag na nga pag-usapan yang si Joshua, kinikilig ako eh.

"HOY CALUZA, kailangang mamula? Sige nga. Di naman halatang inlove ka dun sa kung sino man yun"

"Eeee, kasi naman Joshua eh, ang sweet niya sakin."

"So wala na talaga akong pag-asa sayo?"

"Naman eh!"

"Joke lang yun! Ano ka ba. Hahaha. Tingnan mo nga mukha mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa!"

Hmmm! Eto talaga si Ricks, kahit kailan, loko-loko. Ewan ko na lang!

Rick's POV

BEST FRIEND

ISANG DAKILANG BEST FRIEND

Hanggang jan na lang ba talaga yung role ko sa buhay niya? Hindi na ba talaga yun hihigit pa?

Matagal ko ng tinatago tong nararamdaman ko sa kanya. 2nd year high school pa lang. Nung sinuntok niya ako.

Oo, di kayo nagkakamali.

Jan kami nagkakilala.

Tinutukso ko nun si Sec na bakla, dahil walang boobs. Tapos nung nakita niyang umiyak si Sec, bigla na lang niya akong sinuntok sa tiyan, yung napakalakas na suntok.

Magagalit na sana ako sa kanya, pero nung makita ko yung mukha niya, natememe na lang ako.

Simula noon, sinubukan kong makipagkaibigan sa kanila para maging close ako kay Deiane, tinanggap naman nila ako, lalo na si Deiane, sa kabila ng ginawa ko sa best friend niya, tinanggap pa rin niya ako.

Naging magbest friend kaming tatlo, at ako tong hamak na best friend na ayaw magtapat dahil natatakot na baka masira kung ano man ang meron kami ngayon.

At eto, nagsisisi ako kung bakit di ko man lang sinubukan, kung bakit di ko man lang inalam kung mahal niya rin ako. 

Sana man lang sinubukan ko, sana man lang inalam ko, di sana ako magsisisi ngayon.

Yanch's POV

Ayaw man sabihin samin ni Joshua, pero alam ko, may something special ng namamagitan sa kanila ni Deiane, at di ako papayag dun.

Ang tagal kong naghintay sa kanya tapos sisirain lang ng isang transferee? Aba! Di ata ako papayag dun!

Gagawin ko ang lahat mabalik lang sakin si Joshua, at sisiguraduhin kong si Deiane mismo ang lalayo sa kanya.

Pasensya na, nagmamahal lang eh!

Deiane's POV

Text text na lang muna tayo ngayon, malayo si Kuya eh.

MUJoshua: Miss mo na ako no?

Reply: Hindi ah! Asa ka naman?

MUJoshua: Kunwari ka pa, alam ko miss muna ako.

Reply: Hindi nga, baka nga ikaw tong miss na miss na ako eh!

MUJoshua: Konti :)

Reply: Sabi ko na nga ba eh!

MUJoshua: I miss you MUKO :)

Sheeeeyt! Kinilig ako dun! Hahaha

Reply: Anong MUKO?

MUJoshua: M.U ko. Cute ba?

Reply: Ewan ko sayo, hahaha

MUJoshua: Kunwari, kinikilig naman :D

Reply: Asa ka Joshua . Hahaha

MUJoshua: Sige, tulog ka na, gabi na eh. May  pasok ka pa bukas.

Reply: Kailan ka muna uuwi?

MUJoshua: Aminin mo muna miss muna ako.

Reply: Oo na! Miss na kita! Wala kasing magbibitbit ng libro ko bukas eh.

MUJoshua: Asuus! Kunwari pa.

Reply: Hahahaha. Kailan na?

MUJoshua: Basta, tetext kita, ok? Tulog ka na, good night, muah.

Reply: OK, tulog ka na rin, good night. 

Hehehe, sige na nga. Sabi ni master eh, matutulog na daw. Edi matutulog na,

Pipikit na sana ako ng biglang nagriing yung phone ko.

Ako: Hello

Siya: Namiss talaga kita eh, usap muna tayo.

Ako: Akala ko ba patutulugin mo na ako?

Siya: Namiss ko boses mo eh,

Hindi ako nakasagot, kinikilig ako.

Siya: Oh, ba't di ka nakasagot.

Ako: Wala naman akong masasagot.

Siya: Sige na, tulog ka na. Gusto ko lang marinig boses mo. Babye.

At binabaan ako ni mister. Hmmm. Eto talaga si Joshua, kahit kailan, ang kulit :)

Kunwari pa ako, gusto ko naman. Hahaha

Valley of Lost Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon