INTRODUCTION 1 .

18 0 0
                                    

Uhmmm. So thank you po sa mga nagbabasa ^^ Am so happeh!~ So di bale sa first 4 chapters po ng "REVENGE" ay mga introduction po ng characters. Uhm sorry po kung medyo magiging unprofessional tong 1st chapter medyo wala po sa mood. Pero I still hope you'll like it :) 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

<Tracy's POV>

Haaaaaayyyyy! Fourth year high school na sana ako ngayon tapos ngayon pa ako titigil sa pag-aaral :'( Paano na yung pangarap ko? Paano na yung pangako ko kay nanay na pagagalingin ko siya at iaahon ko sila sa hirap?

Ang malas ko talaga panget na nga ako ang hirap hirap pa namin. Bakit kaya yung iba jan nabibigyan ng pagkakataong mag-aral pero di naman nila pinapahalagahan? Bat kasi di pa lang nila ipamigay sa mga mahihirap  edi masaya sana kung ganoon! Nakakainis talaga! Sana may mapulot akong pera- 

"TRACY! APO! PAKIBUKAS ANG PINTO AT MAY KAILANGAN AKONG SABIHIN SA IYO APO!" Sigaw ni lola.

Grabe si lola makasigaw.

"Lola? ano bang pinagsasabi mo eh walang namang pintuan tong kwarto natin?" bungad ko kay lola sabay hawi ng kurtina para masilayan ko siya.

"Hehe kanina pa kasi kita kinakausap kaso nakatulala ka lang kaya naman tinetesting ko lang kung gising ka pa ba? o baka naman nawili ka na sa kakaisip ng kung ano man yang iniisip mo." sagot ni lola sa akin sabay ngiti sa akin.

"Alam mo lola ang corny mo talaga kahit kailan! Ano po bang kailangan niyong sabihin?" tanong ko naman kay lola.

"Uhm...maligo ka muna apo atsaka ka bumaba. Ha?" Sabi ni lola na parang may pilit na ngiti? Tama bang nakita ko? Medyo malungkot si lola?

"Lola? may problema po ba?" Sabay hila ko sa braso ni lola.

"Ha? wala naman sige na apo maligo ka na!" Sabay ngiti ni lola pero alam kong malungkot siya. 

Kaya naman di na ako nagpatumpiktumpik pa at yinakap ko na siya ng mahigpit.

"Lola I love you :)" Sabi ko kay lola habang yakap yakap ko siya.

"Sus! naglalambing na naman ang apo ko. I love you too apo."

Nanatili kaming magkayakap ng ilang minuto.

"Apo?" Bigalang sabi ni lola na ikinaangat ng ulo ko.

"Po?" sagot ko.

"Bakit ganoon? Di ka naman lumalabas pero bakit amoy araw ka?" Sabi ni lola ng may ngiti sa labi.

"Grabe naman si lola oh! Hmp oo na po maliligo na po ako!" Sabi ko sa kanya sabay hiwalay ko sa kanya.

"O sige apo bilisan mo! Hahahahahaha" Sabi ni lola ng tumatawa habang bumaba.

~~~

Tapos na akong maligo at makapagpalit, ngayon naman nagsasalamin na ako.

Grabe buti natitiis ko tong mukha ko! Parang araw-araw basta nakaharap ako sa salamin feeling ko laging halloween nakakadepressed na ah! 

Meron pa nga noon isang gabi napadaan ako sa salamin tumayo lahat ng balahibo ko nakita ko kasi mukha ko muntik na akong maatake sa puso di nga ako nakatulog ng gabing yoon kaya naman napagisip isip kong pagnaiihi ako sa gabi magtataklob na lang ako ng kumot kaso yung lola ko naman ang natakot. Hay! Ang malas talaga ng mukhang to. Kaya naman simula noon tinitiis ko na lang ang ihi ko.

REVENGE .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon