Four

5 0 0
                                    

<Sabrina's POV>

"Babes?!"

Nandito na siya!

"May problema ba? Bakit mo ako tinawag?"

"Wala! Di ba pwedeng dahil gusto lang kitang makasama?"

"Dapat na ba akong kiligin?"

"Hindi ako nambobola. Seryoso ako."

"Talaga?"

"Oo naman! Bat ba ayaw mo maniwala?"

"..."

Hinawakan ko ang buhok niya at nakita ko siyang napangiti.

"Date tayo?"

"Totoo ba yan?"

"Oo nga!"

"Pakisampal nga ako at baka nananaginip ako"

Kinurot ko naman ang pisngi niya. Halatang di siya makapaniwala sa nangyayari.

HAHAHAHAHA ang cute lang :3

Tumayo na ako at hinila siya papuntang sasakyan ko.

Tinulak ko siya papasok sa kotse ko.

"Wooow! Easy lang babes! Di ka naman atat masyado huh?"

"Na-e-excite kasi ako babes eh"

"A-anong sabi mo?"

Hindi ko siya sinagot at pinaandar na ang engine. Ngumiti na lang ako.

"B-babes? B-babes b-ba y-yung tinawag mo sa akin?" Pahina ng pahina niyang tinatanong sa akin

Tiningnan ko siya...

"Bakit ayaw mo ba? Babes" atsaka ako nagpuppy eyes. Ang cute lang ng reaction niya hahaha

Tumingin na ako sa daan at ngumiti dahil nakikita kong ngumingiti rin siya. Nagulat na lang ako nung hawakan niya yung kamay kong nakahawak sa gear knob. 

Napatingin ako sa kamay namin atsaka ako tumingin sa kanya. Ngumiti siya at ngumiti rin ako.

Nasa mall na kami at hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.

"Wuy! Babes namimihasa ka na huh? Basang basa na yung kamay ko."

Hinigpitan niya lalo yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Mas maganda ng magpasmado ka kesa naman mawala ka at maagaw ng iba"

Sinabi niya yun sa akin ng hindi tumitingin. Ngumiti siya kaya naman ngumiti narin ako at confident na naglakad kasama siya.

"Diba siya yung nasa magazine? Yung Stacy ba yun?"

(F.Y.I po Stacy ay yung second name ni Sab incase nakalimutan niyo at screen name narin niya to hihihi thank you)

"Oo nga! Ang ganda! Bagay sila ng kasama niya! Gwapo rin eh!"

"Model rin kaya yung lalake?"

"Oo nga! Haay. Perfect couple!"

REVENGE .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon