<Sabrina's POV>
Haaaaayyyy...Anong klaseng paaralan ba to? sobrang boring ng teachers.
"Miss Sabrina! It seems that you're not interested?" Patulog na sana ako ng may bwisit na magtawag sa akin.
"Mukha PO bang interesado ako?" Mataray kong sagot.
"Aba't....GET OUT!" Sigaw niya.
"Okay! Alam mo bang yan ang pinakamasayang narinig ko mula sa bibig mo?" Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin iyon tumayo na ako kaagad at nagdire-diretso sa pinto pero bago pa ako makaalis.
"Alam mo ma'am dapat di ka na nagtuturo! Di lang naman ako ang bored sa subject mo lahat sila! Sayang lang laway mo. Bye classmates! Enjoy! Ay! Di pala kayo mag-eenjoy boring pala tong teacher niyo." Sabay sara ng pinto.
Salamat naman at nakalabas narin ako sa lugar na iyon. Liwaliw muna ako sa canteen tutal di pa ako nabre-breakfast.
Wala pang katao-tao kaya naman bumili na ako ng lahat ng gusto kong pagkain. Maaga kasi akong nagising kanina at nagmamadaling lumayas dahil ayaw kong makasabay yung tatay-tatayan kong walang kwenta sa breakfast.
Ang sarap sarap ng kain ko ng biglang
"BABES!" sigaw ng ay linshak!
"ANO NANAMAN BANG GINAGAWA MO DITO?! WALA PA NAMANG RECESS AH?" Sigaw ko sa kanya. Akala ko solong solo ko na tong canteen bwiset!
"Chillax lang babes syempre sinasamahan kita!" Sagot naman nitong Stephen na ito.
Tinignan ko siya ng parang nagtataka. Anong ibig niyang sabihin? Oras palang naman ng klase ah?
"HAHAHAHA ang cute mo talaga. Syempre nag-ingay rin ako para mapalabas rin ako." Sabay ngiti niya sa akin na akala mo tuwang tuwa ako sa ginawa niya.
"At bakit mo naman ginawa yun?" Sabay tayo ko para lumipat sa kabilang lamesa dahil ayaw ko siyang makasabay kumain.
Ang kaso pinigilan niya ako at hinila paupo.
"Dahil gusto kitang masolo. Date tayo?" sabi niya sa akin.
"Date mo mukha mo!" sagot ko naman sa kanya.
"Dali na ngayon lang naman. Pls habang wala pa yung iba." Sabi niya sa akin with puppy eyes.
"Hays! SIGE NA NGA! NGAYON LANG!" pumayag na nga ako dahil alam kong di niya ako titigilan at besides namiss ko rin siyang kakulitan.
"Kamusta ka na?" Biglang seryosong tanong niya sa akin habang kumakain.
"Eto maganda parin. Mukha ba akong haggard?" Sagot ko sa kanya in a sarcastic way.
"TSK! pwede ba kahit ngayon lang makausap ko ulit yung dating Sabrina?" Sabi niya sa akin ng parang may lungkot sa mga mata niya.
"*hingang malalim* Ito sinasaktan parin ako ni Daddy hanggang ngayon di parin niya ako tanggap." Sagot ko sa kanya ng malungkot.
Ngayon lang naman ulit to diba? ang ipakita ang mahinang Sab? kami lang naman kasi ang nandito sa canteen ngayon.
"Ano bang nangyari? Bakit nagbago ka bigla? Bakit iniiwasan mo na ako?" Tanong niya sa akin sabay hawak niya sa mga kamay ko.
Naluluha na ako atsaka ko siya tinignan sa mata.
"Hindi ko din alam...basta ang alam ko lang...pagod na pagod na akong maging mahina..."tumulo bigla ang luha ko sabay ring naman ng bell. Kaya naman binawi ko na ang kamay ko sa kanya atsaka ako tumayo at umalis ng hindi siya nililingon.