<Kent Yoon's POV>
"Pare! Tama na ang pag-iinom! Kahit anong gawin mo di na siya babalik!" Sabe ng sino ba tong gag*ng to? Makapagsalita ah! ./. siya!
"GAG*! MAKAPAGSALITA KA AH? ANO BA KITA? TATAY BA KITA? NANAY BA KITA? AT ANO KA BA? DIYOS KA BA? PARA MASABI MONG DI NA SIYA BABALIK? *BOOGSH!*" Sa sorang inis ko nasuntok ko siya ng di oras! Ang ogag! kasi eh! Kala mo diyos!At wala siyang pakielam sa buhay ko!
"Pare tama na! Pare! Pinapatigil lang naman kita sa pag-inom eh! Pare si Coi to! Pare tama na!" Sigaw ng ogag na to! Huh? Coi?
Bago ko pa mawasak ng tuluyan ang mukha niya tumigil ako saglit para titigan kung sino ba talaga tong sinusuntok ko. At unti unting luminaw ang lahat. Si Coi nga talaga to, isa sa mga barkada ko.
"Sorry pare. Dapat sinuntok mo rin ako para natauhan ako." Umupo na ako habang hingal na hingal ako.
"Alam mo naman na di ako pumapatol sa lasing. Tatawagin mo ako dito! Susuntukin mo lang pala ako." Sabi ni Coi na paupo narin habang pinupunusan niya ang kanyang duguang labi.
Napalakas ata talaga suntok ko.
"Pasensya na pare. Lasing na ata talaga ako kasi parang lumalabo paningin ko eh." Sagot ko naman sa kanya at sabay lagok ko nanaman ng alak.
"Tama na yan pare! Teka nga? Bakit ka ba nagkakaganyan? Si A---" Bago pa niya matuloy ang pangalan na sasabihin niya. Nagsalita na ako.
"Huwag mo ng banggitin ang pangalan niya pare! Ayoko ng marinig! Naiinis lang lalo ako sa sarili ko! UGH!" Sigaw ko sabay sipa sa upuan sa harap ko.
"Pare! Chillax! babae lang yan! Marami pa diyang iba!" Sabi ni Coi sabay tapik sa balikat ko.
"Pero pare eh! Mahal ko na talaga eh! First love ko! Sh*t lang! Tas nagpakaduwag pa ako yan tuloy nawala!" Sabi ko kay Coi. Sh*t lang medyo naluluha na ako!
Sa totoo lang di naman talaga ako pala-murang tao eh. Ngayon lang to!Ganito ba talaga epekto ng alak sa isang taong HOLY???
"Tsk! Wow! Pare! Duwag ka nga hahahahahahaha! At pare marunong ka na ring magmura! Di ka namin tinuruan ah!" Sabi ni Coi.
Sinamaan ko siya ng tingin at saka ko siya binatukan!
"Ulol! Sa inyo ko lang naman naririnig ang mga bagay bagay na katulad nito! Nahawa lang ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Woah pare! wag ganyan hahahahahaha. Alam mo mabuti pa siguro itigil mo na yan at umuwi ka na! First time mong uminom ng ganyan karami! Ibang klase ka magmahal, sa alak mo binubuhos!"
"Gag* tigilan mo ako ha! Ipakain kita sa hipon eh!" Sabi ko sa kanya. "Pero pangako ko ito na ang huli kong pagluha para sa kanya."
Saka ako tumayo at umuwi na. Tamado na ako eh.
=============================KINAUMAGAHAN===================================
"AHHHHHHHHHH!~~~ SH*T ANG SAKIT NG ULO KO!" Sigaw ko sa loob ng kwarto ko!
*tok tok tok*
"Sir! May problema po ba?" Sigaw ni nanay Pasing sa labas ng kwarto ko. Yaya namin.
"Nay! Pakikuhanan naman po ako ng gamot para sa hangover!" Sigaw ko habang nakatunganga lang sa may kama ko. Masakit talaga oh.
Masakit na nga ang puso ko pati pa ulo ko! Leche plan na buhay to oh!.
Hindi naman kasi ako sanay na uminom ng marami!
Actually ngayon lang talaga ako uminom ng lumagpas sa 3 bote!
Sila Coi lang naman ang nagturo sa aking uminom! Akala ko Makakalimutan ko yung problema ko pag uminom ako! Mas lalala pa pala! mas lalo kong naalala si Ano basta siya ayokong mabanggit ang pangalan niya.
Dahil nabasa ko ang isa sa mga libro ni ate Denny yung 11 ways to ek ek na yun! Actually wala akong wattpad ang bading pakinggan noh! Uhm pinabasa kasi sa akin ni UGH!~ nung babaeng iniiyakan ko! Nagtataka ba kayo kung bakit parang ang close namin nung babaeng yun? Best Friend ko kasi siya uhm kababata siguro? kasi since grade 3 magkaibigan na kami.
Saka lang naman ako nagkaroon ng feeling sa kanya nung high school.
Kaya nga ako napabarkada dahil sa kanya kasi ayokong masira yung pagkakaibigan namin at yung turing niya sa akin bilang kuya niya.
kaya lumayo ako ng unti kasi habang nagbibinata ako at nagdadalaga siya unti unti akong nahuhulog sa kanya.
Sa paglayo kong iyon akala ko makakalimutan ko yung nararamdaman ko sa kanya mas lalo ko siyang minahal kasi sobrang namimiss ko siya at halos 24/7 siyang nakatira sa utak ko minsan nga sumusobra mga 25/8.
Psh corny ko!.
At ayun nga lumayo ako ng lumayo sakanya at minahal ko siya ng minahal.
Ang ogag diba?
hanggang sa nag-graduate kami at de putek eto na yun eto na yung dahilan kung bakit ako umiiyak!Matapos ang isang buwan umalis siya ng bansa dahil sa akin! Hindi nga siya nagpaalam sa akin! Nalaman ko na lang sa kaibigan niya.
Isang linggo na pala siyang nakaalis.
Kung hindi pa ako pumunta sa bahay niya kanina para umamin na! Kasi di ko na kaya at miss na miss ko na siya. Saka ko lang malalaman na nakaalis na pala siya.
Hindi ako nakapagpaalam.
Ang sabi ng kaibigan niya umalis siya kasi nasasaktan siya sa mga ginagawa ko sa kanya. At ang akala niya kaya ako lumalayo ay dahil sa ayaw ko sa kanya kaya naman nakapagdisisyon siyang magmove on na lang sa nararamdaman niya sa akin dahil wala naman daw patutunguhan. Mahal niya rin pala ako ang kaso lumalayo ako sa kanya! Ang OGAG ko talaga! Dapat pala una palang umamin na ako! Duwag ko kasi.
"Anak pakibukas na ang pinto narito na ang gamot!" Sigaw ni Nay Pasing sa labas.
"Andiyan na po!" Sigaw ko sabay punas ng luhang nagbabadyang tumulo.
Di na ulit ako iinom. Maaalala ko lang siya. Namimiss ko na siya. :'( SOBRA!
Pagbumalik siya aamin na ako! Di ko na siya pakakawalan.
Mahal na mahal ko siya! Sobra! Pinapangako ko pagkatapos ng graduation namin ng high school hahanapin ko siya at papakasalan.
Hahanapinn kita...Kahit nasaan ka pa...