One

12 0 0
                                    

<Sabrina's POV>

"Sino yan?! Sino siya?!"

Bakit parang napakapamilyar niya? Ilang minuto lang nang biglang tumulo ang luha ko. Tumalikod ako at nagsimulang lumakad palabas ng pinto.

Bakit siya nandito?!

Pagkalabas ko.

"Anak! Sandali!" sabi ni mommy at pinigilan akong maglakad.

Humarap ako sa kanya at nagpunas ng luha.

"Ano bang problema? Hindi ka ba masaya?" tanong ni mommy sa akin.

"Masaya? Paano ako magiging masaya kung ang taong umagaw sa akin ng lahat ay nandito?!" Sigaw ko sa kanya at hindi ko na talaga mapigilan ang luha ko.

"Anak akala ko---" 

"Akala mo magiging masaya ako?! Mommy! Masaya na ako! masayang masaya na ako." Sabat ko sa kanya.

"Hindi anak eh! Hindi! Alam kong hindi ka masaya. Ginawa ko to dahil gusto kong makita ulit si Sab na punong puno ng pangarap."

"So akala mo talaga mommy na pagnandito siya magiging masaya ako at babalik sa dating Sab?"

"Oo anak yun lang naman ang gusto ko eh. Ang sumaya ka ulit. Ginawa ko to dahil gusto ko na may mapagsasabihan ka ng problema bukod sa akin. Para gumaan naman ang loob mo."

"Hindi ko siya kailangan! Kaya kong maging masaya ng wala siya. At hindi naman siya ang magpapasaya sa akin eh. Ang matanggap ako ni Dad! Yun ang gusto ko mommy!"

Humagulgol na talaga ako.

"Ginawa ko rin ito dahil gusto kong makatulong sa nanay mo, sa pamilya mo."

"Huh?! so a-ampunin niyo rin siya katulad ko?"

"Oo anak."

Natigilan ako sa sinabi ni mommy.

"BAKIT NIYO PA AKO INAMPON?! KUNG AAMPUNIN NIYO RIN NAMAN SIYA? AT BAKIT HINDI PA NOON? BAKIT NGAYON LANG?!"

Naiinis ako kay mommy sobra.

"Kasi ayaw kong malungkot ang nanay mo kaya nag-iwan ako ng isa--"

"GRABE NAKAKATAWA KA MOMMY! SA TINGIN MO HINDI MALULUNGKOT SI NANAY NGAYON SA GINAWA MO?"

"Anak---"

"Sigurado ka bang magiging masaya rin si Tracy dito? Katulad ng iniisip mo? NANGAKO KA SA AKIN NOON MOMMY! NA PAGSUMAMA AKO SAYO, SA INYO MAGIGING MASAYA AKO AT HINDING HINDI AKO MALULUNGKOT SA TABI NIYO! PERO ANONG NANGYARI? TIGNAN MO AKO NGAYON MA! MASAYA BA AKO?"

"Anak---"

"HINDI AKO MASAYA! SIMULA NOON PA LANG HINDI NA AKO MATANGGAP NI DADDY! BAKIT? DAHIL BA SA KAMUKHA KO ANG TOTOO KONG TATAY NA NANGIWAN SA KAPATID NIYA? HINDI KO NAMAN KASALANAN NA MAGING KAMUKHA KO ANG TATAY KO HA? AT LALONG HINDI NAMAN AKO ANG LALAKING YUN! All this time malungkot ako mommy. I feel so alone. Pero ni minsan hindi mo ako tinanong! Hindi mo ako tinanong kung masaya pa ba ako!" 

This time gustong gusto ko na talagang bumagsak sa lupa pero nagwalk out na lang ako at pumasok ulit sa loob ng bahay. At ng makita mo nga naman mukhang nagkakasiyahan ang dalawa.

"Talaga po tito? Ganito po talaga kaganda dito sa Maynila?"

"Oo Tracy. At wag kang mag-alala ipapasyal kita sa susunod."

Pinahid ko ang luha ko at saka pumalakpak.

"Wow! father and daughter tandem lang ang peg? Welcome to our FAMILY Tracy! Ahhh I mean to their family." I rolled my eyes at umakyat na sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto ko tumulo agad ang luha ko. 

Wala akong makausap kaya tinawagan ko na lang si Stephen.

"Oh babes! miss mo nanaman ako?"

"Stephen anong gagawin ko?"

biglang sumeryos ang boses niya.

"Bakit? sinakatan ka nanaman ng tatay tatayan mo?"

"Hindi."

"Eh ano? bakit ka umiiyak?"

"This time sinaktan ako ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Not physically but emotionally."

"Hindi ko maintindihan anong nangyari?"

"Nandito ang kambal ko at a-ampunin rin nila ito."

pagkasabi ko nun lumuha nanaman ako.

"Ha?!"

"And worst pakiramdam ko tanggap na tanggap siya ni Daddy..."

"..."

"Napakadaya nila. Napakadaya nila...*sob*"

"Tahan na nandito lang kami sa tabi mo. Sabi nga nila When life gives you a hundred reasons to cry. Show life a thousand reasons to smile. Kaya wag kang magpapatalo sa kanila marami kang kakampi. Maraming nagmamahal sayo Sab."

Sa sinabi ni Stephen. Ewan ko kung bakit napangiti na lang ako bigla at napatahan.

"Salamat Stephen. Salamat...." 

In-end ko na ang call.

Tama siya hindi dapat ako magpapatalo sa kanila. Lalaban ako. 

Pinahid ko na ang luha ko at nahiga na.

The last thing I know nakangiti ako bago tuluyang pumikit.

Sana bukas okay na ulit ako.

---------

<A/N>

Wooohhhh! Medyo madrama po to. :) sorry sa late update sana may nagbabasa pa :) 

Thank you guys and Galas

REVENGE .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon