WARNING: Kakaedit ko lang po ng naunang chapters at nakita kong andaming mali! Kaya sa mga nabasa na un...Pakiulit na lang po para magets niyo yung story...Sorry shunga kong Author eh..hahaha..THANK YOU GUYS...
~~~
<Tracy's POV>
Hay saan kaya ako pwedeng umupo parang ayaw ko namang sirain yung parang date nila.
"Babes!"
"Ay babes!!!!" Sa gulat ko nagaya ko tuloy yung sinabi ng lalakeng bigla bigla na lang sumulpot sa likod ko! Hoooh! Grabe heart atteck ko dun ah?
Muntik ko ng mahulog tong pagkain ko.
Sa pagsigaw ni gwapong kuya biglang napatingin sa direksyon ko si Kent. Tatalikod na sana ako para makaalis doon ng tawagin niya ang pangalan ko.
"TRACY!!"
Humarap ako ng dahan dahan saka ngumiti sa kanila.
Lumapit siya sa akin at tinulungan akong buhatin yung tray na may laman ng pagkain ko.
"Sabi ko naman sayo diba? Sabay tayong magrerecess?"
"Ah hehe sabi ko nga...Ito na nga oh papunta na sa table natin."
Inagaw ko yung tray sa kanya dahil pansin kong masama na ang tingin sa akin ni Sabrina.
"Tsk! Ikaw talaga kahit kailan" Ginulo niya yung buhok ko na sanhi naman ng pagkakapako ko sa daanan atsaka niya kinuha ulit sa akin yung tray.
"Kulit!" sigaw ko na lang at sumunod na sa upuan nila.
"Wooow! Brad! Nice one! Nahanap mo na ata ang woman of your dreams?" nakangiting sabi ni Stephen
"Shut up Stephen!"- Sabrina
"Dapat brad alagaan mo yang woman of your dreams mo. Kasi ako (sabay tingin kay Sabrina) nahanap ko na yung babaeng mamahalin ko habang buhay."
"YUCK! STEPHEN STOP IT! YOU'RE SO CORNY! UGH!"-Sabrina
Haaayyy. Napakabagay nila ang cute cute nga nila eh.
"Ikaw ba pare wala ka ng ibang alam gawin kundi ang mang-asar?"- Kent
"Huh! Pare seryoso ako! Bantayan mo siya kasi baka maagaw siya ng iba! Naku! Napakaganda pa naman niya"- Stephen ng nagpipigil ng tawa
Alam kong nang-aasar lang siya pero napansin kong namula ako bigla. Hala! Nakakahiya gusto ko ng magpalamon sa lupa :'(
"Pare kanina pa ako naiirita sa boses mo. Kung wala kang masasabing matino umalis ka na lang dito." Mahinahon sabi ni Kent pero alam mong nagtitimpi na lang siya.
"Woah! Pare! chillax huwag mo namang hayaang masira ang double date natin. A--"
"You know what? Nawalan na ako ng ganang kumain! You guys! Magpatayan kayo kung gusto niyo! I don't care! You just ruined my day!" Pinutol ni Sabrina ang sinasabi ni Stephen at patabog na tumayo.
"Hey babes?" Sinundan naman siya ni Stephen.
"WILL YOU PLEASE? LEAVE ME ALONE?"
"Woah babes! Relax!"
At tuluyan na silang nawala sa Canteen na nag-sisigawan
"Grabe ayaw patalo nung isa." Nasambit ko naman at kumagat sa tinapay na binili ko kanina.
"HAHAHAHA masanay ka na, ganyan talaga yang mga yan."
"Totoo ba talaga nararamdaman ni Stephen sa kanya?"
"Ewan? Pero feeling ko oo"
"Paano mo naman nasabi?"
"First year pa lang kasi nangliligaw na yan sa kanya. Sa katunayan nga naging sila..."
"Naging sila?!"
"Oo pero isang linggo lang"
"Huh?! Grabe naman?"
"Noong una akala namin magsasawa na tong si Stephen kakahabol kay Sabrina kasi naman after ng break up nila na nalaman namin isang linggo siyang di pumasok tapos pagbalik niya papalit palit na siya ng girlfriend "
"Oh eh bakit ngayon nakabuntot parin siya ka S-Sabrina?"
"Eh kasi nga after two weeks ayun balik ulit siya kay Sab...Hays natamaan ata talaga ni cupido ang lalakeng yan. Nakakatiis parin siya kahit na halos sipain na siya ni Sab."
"A----"
*KRIIIIIIIIIIING*
Naputol yung itatanong ko pa sana kaso nagring na yung bell.
"Tara na?"
"Sige"
~~~
<Sabrina's POV>
Kainis! It's my time na sana kung hindi lang dumating tong Stephen na to!
PANIRA! PANIRA TALAGA!
Salita siya ng salita! Wala na ngang ka-sense sense! Arrrrgh!
Comment na lang ako ng comment para lang tigilan niya na ang kakadak dak.
Pero parang nagkakainitan na sila at nagsimula na silang magsagutan.
Matutuwa sana ako kung ako ang dahilan ng pagtatalo nila. Pero hindi kasi ako eh! Kundi tong nasa harap ko ngayon na si Tracy.
Ugh!!
Dahil nawalan na ako ng gana dahil sa pinag-aawayan ng dalawa napagdesisyunan ko ng tumayo at maglakad paalis sa table na yon.
Sayang lang oras ko... Pero sinundan ako ng bwisit na Stephen na to! UGH!!! Kainis talaga.
Sa inis ko dumiretso ako sa C.R. para makapagretouch at para narin di ako masundan ni Stephen dahil alam kong di niya ako titigilan.
Pero teka lang parang may napansin ako kanina
*flashback*
"Ikaw ba pare wala ka ng ibang alam gawin kundi ang mang-asar?"- Kent
"Huh! Pare seryoso ako! Bantayan mo siya kasi baka maagaw siya ng iba! Naku! Napakaganda pa naman niya"- Stephen ng nagpipigil ng tawa
*End of Flashback*
Tinitingnan ko ng mabuti si Kent pero napadako ang tingin ko kay Tracy dahil napansin kong napahawak siya sa pisngi niya.
wait tama ba ang nakikita ko? Nagblu-blush si Tracy?
May gusto ba siya kay Stephen?
Ow...*ngisi*
Humanda ka Tracy. You will now taste my REVENGE .
~~~
<A/N>
Magsisimula na po ang kamalditahan ni Sab... Sana walang masisirang computer hahahaha