<Stephen's POV>
"Can you make someone inlove for me?"
"WHAT?!"
Yan na lang talaga ang naging reaction ko matapos kong marinig ang sinabi niya.
~~~
Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali simula kaninang umuwi ako. Nakahiga lang ako at nakatitig sa TV.
Hinagis ko yung remote sa sobrang inis ko.
"GOD DAMMIT!"
Sa di inaasahan naluha ko sa galit ko sa mundo.
Bakit hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko?!
Sabrina bakit hindi mo ako kayang mahalin ng wala ng kapalit?
Bakit kailangang may kundisyon?!
"Pagisipan mo muna. Kung gusto mong maulit yung ganito! Yung date na parang wala ng katapusan. *sabay hawak sa kamay ko* You know what to do. Hihintayin kita sa rooftop ng building bukas. Okay?"
Hanggang ngayon naririnig ko parin yung sinabi niya. Sh!t this! and fvck this life.
Tumayo ako at kinuha ko na yung susi ng sasakyan ko.
Pupunta ako sa kanila...
Dahil mahal kita Sab, Mahal na mahal! Gagawin ko to para sa'yo...
Tanga na kung tanga! Minsan lang ako magmahal at pinako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa babaeng una at huling mamahalin ko.
Tumigil ako sa harapan ng bahay nila. At nakita ko siyang nakaupo sa may garden nila.
Teka? Umiiyak ba siya?
Buti na lang at nakabukas yung gate nila kaya dire-diretso akong pumunta sa harap niYa at hinila siya patayo para yakapin.
"S-Stephen?"
"Pumapayag na ako...Mahal na mahal kita...pumapayag na ako..." tumulo ang luha ko.
Para naman sa kanya to diba? Pero nasasaktan ako sa totoo lang. Iyakin na kung iyakin! Bakla na kung bakla pero nasasaktan ako dahil parang pinamimigay ako ng taong mahal na mahal ko.
Tumigil siya sa pag-iyak at kinalas ang yakap namin saka siya humarap sa akin.
"T-totoo ba yan?"
Tumango ako at ngumiti ng malungkot sa kanya. HIndi naman niya pansin na lumuluha ako eh kasi madilim naman na.
"S-SALAMAT" Bigla siyang tumalon at yinakap ako ng mahigpit. Nakita kong masaya siya.
Pinunasan ko ang luha ko at yinakap rin siya ng mahigpit. Masaya na ako dahil masaya siya.
"Salamat talaga Stephen..." bulong niya sa tenga ko.
|Kinaumagahan|
Napagusapan nanamin ni Sab kagabi kung sino ang liligawan ko para sa kanya. Matapos ng eksena kagabi naglakad lakad muna kami sa may park malapit sa kanila.
At ngayon ko na gagawin ang first move ko. Sa katunayan nakikita ko na ang babaeng liligawan ko.
"Akin na yan" Kinuha ko ang mga gamit na hawak niya.
"H-huh?"
"Diba ikaw yung babaeng nakabunggo ko nung isang araw?"
"H-huh? U-uhm O-oo"
"Diba sina bi ko sayong babawi ako sa'yo? Eto na yun bumabawi na ako"
"A-ah e-eh k-kahit wag na! K-kaya ko namang buhatin eh"
"Huwag ng makulit" saka ako ngumiti sa kanya.
Pagkadating namin sa classroom namin hinatid ko siya sa upuan niya at linagay doon ang mga gamit niya. Pinagtitinginan kami ng classmates namin at naririnig ko rin silang nagbubulungan.
"Uhm mamayang recess, pwede bang sabay tayo?"
"Ha? B-bakit naman?"
"May gusto lang sana akong sabihin sayo"
Tumango siya atsaka yumuko. Tsss. Napakamahiyain!
"Sige mamaya na lang ha?"
Tumingin siya sa akin kaya naman ngumiti na lang ako at pumunta sa upuan ko.
Saktong pumasok naman si Sab. Ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako.
GRABE! Buo na araw ko! SOBRA!
Napapansin kong tingin ng tingin sa akin ang babaeng liligawan ko. Kaya naman ngumi-ngiti ako sa kanya.
Pagdating ng recess...
"Salamat nga pala at sinamahan mo akong magrecess"
"S-sabi mo kasi may kailangan kang sabihin Ano ba yun?"
"Bago yun can you stop stuttering?"
"A-ah? H-ha?"
"I said can you stop stuttering di naman kita kakainin"
"S-sige"
Tiningnan ko siya ng masama. At nagpeace sign naman siya habang tinatakpan yung bibig niya.
"HAHAHAHAHA"
Siya naman ngayon yung tumingin ng masama sa akin dahil sa tinawanan ko siya. Ang cute niya kasi.
"Ano po ba kasing sasabihin mong importante sa akin?"
"Ayan! Better!"
"Ano nga po kasi yun?"
"Chillax ito na! Uhm pwede bang magpatutor?"
"Ha?"
"Pwede bang magpatutor? Next time maglinis ka nga ng tenga mo!"
"Ahhhh uhhmm sige, hehehe" sabay ngiti niya sa akin.
Nakakatawa tong taong to. Feeling ko napakamabuti niyang tao. Kaya ko ba talagang gawin to?
Pero para to kay Sab! Sige! Gagawin ko!
Mapatawad mo pa sana ako pagkatapos kong gawin to...
TRACY....